Ang busy sa araw na'to daming ginagawa. Tapos hindi ko akalain na yung pinapagawa na vlog sa science teacher ng panganay ko kahapon pala deadline kaya yun ginawa namin kanina. Pinapagawa kasi sila ng ice candy paano yung liquid naging solid :) Buti may condensed milk at milo tapos haluan ng tubig yun nalang ginawa namin na ice candy para hindi na bibili ng ingredients. Nagmamadali na rin paggawa dahil late na. Tuwang tuwa naman yung ate sa ginawa niyang experiment haha panay bukas sa ref tinitingnan kung matigas naba daw excited ng kainin :)
2 comments
Mukhang enjoy na enjoy si ate sa paggawa ng ice candy sis ah! Buti naisip mo yung Milo na lang at condensed milk para hindi na bibili pa ng ibang ingredients. Creativity and resourcefulness at its finest! :)
Sobrang enjoy sis kaya nga sis kung ano lang meron dito sa bahay yun na ginamit para makatipid haha