read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Pagdiriwang ng Huling Pitong Salita ng Panginoon Hesus! Kakauwi lang namin galing simbahan. Ito ang araw na inaalala natin ang Huling Pitong Salita ng ating Panginoon. Muli natunghayan ang ginawa ng Panginoong Hesus dahil sa sobrang pagmamahal Niya sa atin. Grabe yung sakripisyo na ginawa Niya sa Krus upang matupad ang kalooban ng Ama para magkaroon tayo ng kaligtasan sa ating mga kasalanan at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kahapon sunduin sana kami ng aking mga biyenan doon daw kami sa Tagaytay muna kasi wala naman pasok mga bata at gusto rin makasama mga apo nila. Pero sinabi ko sa sunod nalang kasi may gawain sa church nakapagcommit na ako kaya hindi talaga pwede gusto rin ng mga bata doon, pinaliwanag ko nalang sa kanila sa sunod nalang dahil mas importante ang gawain ni Lord, ang pagdiriwang ng linggo na'to lalo na sa darating na linggo Resurrection day. Mabuti naiintindihan naman ng biyenan ko at mga anak ko, hindi na namimilit na pumunta doon :) Pagkatapos ng gawain may kaunting meryenda oras naman para pakainin ang physical na katawan :) It is finished! ang sabi ng Panginoon tinapos na Niya at hindi na kailangan ulitin ang ginawa Niya sa Krus. Sa part natin ay tanggapin Siya bilang ating Panginoon na tagapagligtas. To God be all the Glory!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.