Ganito sila maglambingan mamaya kaunti bangayan na :) Isang taon mahigit lang kasi gap nila kaya halos lahat ng bagay pag aawayan. Kaya kapag bumili kami ng laruan noon dapat parehas ng design at kulay para walang gulo. Pero ngayon na kid na daw sila hindi na baby sila na pumipili sa gusto nila. Kung dati ikaw pumipili ng susuotin nila ngayon hindi mo na mapilit ipasuot ang gusto mo dahil ayaw nila. Lalo na si bunso magkaiba sila ng ate niya gusto nakadress palagi siya naman pants o kaya short ang gusto. Mabuti nalang nakumbinsi dahil kasal ng tita niya ayaw pa suotin ang gown haha
No comments yet