Performance Task Katatapos lang ng online class nila. Kaya pinagawa ko na yung task ng ate sa Music niya, deadline na pala ngayon nagnotify na si Google classroom :) akala ko hanggang hanggang biyernes pa yun naabutan na naman kami ng deadline. Kapag performance task kasi hindi kaagad nagagawa :) Sila ay kakanta at sasayaw daw ng Bahay Kubo gamit and minus one kasama ang isang miyembro ng pamilya. Mabuti nalang nandyan palagi kapatid niya partner lagi sa anumang performance activities na gagawin. Pinasuot ko nalang ng costume ang ate para maayos tingnan kahit maliit na sa kanya si bunso naka PE uniform nalang hindi na kasya sa kanya yung dating ginagamit nila sa buwan ng wika. Natapos naman ang task ng maayos kahit hindi ganun kaayos ang pagsayaw wala talaga silang talent sa sayaw haha. Masaya naman sila sa ginagawa nila at nag enjoy :) Happy and Blessed Monday Noise fam. Stay safe kayo.
No comments yet