Throwback Tuesday! Habang nasa malayong lugar si inday naghahanapbuhay para sa pamilya. Naka isang dekada ngayong araw na pala ang moment na'to haha. May pachocolates, flowers, balloon na heart at stuff toy si hubby din dito boyfriend ko pa siya that time. Parehas pa kaming nagwork nito sa malayong lugar at kumakayod para mapaaral ang mga kapatid. Kaya wala din talaga kaming naipon pero masaya naman nakitang nakapagtapos mga kapatid. Nagulat pa ako at nahihiya ng time na yan biglang susulpot nalang tapos daming dala. Ang dami kasing kaworkmate na nang aasar kaya nakakahiya hahaha. Kaya sabi ng katrabaho ko pictureran niya ako para naman may maalala ako sa moment na yan :) At ito nga naishare ko pa sa inyo hehe. Ito din Yung huling celebrate ko ng Hearts Day sa lugar na'to kasi pagkadecember ng taon na'to umuwi na ng Pinas for good dahil nag asawa at buntis na din kaya hindi na nakabalik focus na sa mga anak. Medyo may edad na Kasi ako Kaya nagmamadaling mag asawa hahaha. Nakakapanghinayang rin yung work ko dito tapos may part time pa ako kaya napagawa bahay namin sa probinsya dahil sa part time ko bilang waitress. Yung sahod ko naman diretso na sa account ng kapatid ko allotment niya tatlo kasi silang nag aaral sa college kaya need talaga kumayod masaya naman na ako sa food allowance na natira sa sahod ko full time hindi ko naman nauubos matipid Kasi talaga ako hehe. Nakakamiss lang din talaga ang lugar na'to daming masasayang moments. Pero mas masaya parin kasama ang girls ko. :) Pahabol sa Araw ng mga Puso haha #CubaHeartsDay2012 #owncontent @ruby0622
4 comments
Nice gift and you have a nice smil
ang sweet naman , tsaka ang sipag mo at nakakapagside line kapa, nakapagpatayo pa kayo ng bahay tapos nakatulong ka sa pag papa aral sa mga kapatid ko salute sayo sis masipag at matyaga ka kahit mapayo ka sa pamilya nakaya mo. kaya deserve mo ngayon ang nasa bahay ka na lang at maalagaan ang mga bagets mo, have a good day sis.
Kaya mahirap maging panganay sis hehe epro masaya naman ang makatulong pangarap ko talaga makatapos pag aaral mga kapatid at Yun din pangarap ng yumao Kong papa.
Ang ganda nam throwback picture. Have a blessed morning