Ang tita kong mabait at naging blessing sa pamilya namin. Nasa Cuba pa ako nito nagwork. Ganito ginagawa namin pagkatapos ng work ko full time ay magfishing kami at tuwang-tuwa ako dahil daming baon lage na pagkain si tita, magluluto siya ng marami para daw hindi kami magutom kahit abutin ng umaga ang fishing madalas nakakuwi kami ng 3am depende kung maraming huli tumatagal, kung wala naman masyadong mahuling isda ginagawa ko kumakain nalang para hindi antukin hehe. Tuwing Saturday night lang kami nakaganito kasi Sunday lang off ko sa full time work ko. Ang saya lang ng time nato habang nagfishing may dala kaming ihawan at ihaw agad kapag nakahuli ng malaking isda. Ito yung mga panahon na wala pa akong part time job kaya ang taba ko din dahil laging kainan ang bonding namin ng tita ko sarap kasi niyang magluto.
1 comment
Ang swerte niyo po sa Tita niyo sis. :) Napakamaalagain niya. Ang sarap siguro nung fresh na fresh yung isda tapos ihaw agad! Dito kasi sa lugar ko ngayon puro sa supermarket lang kami nakakabili ng isda at hindi na ganun ka presko. Swerte na kung may matyempuhan kang presko pa.