read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Sumusunod sa Budget ^_^ Kagagaling lang namin sa store bumili ng mga kakailanganin sa bahay. Napapabili ng wala sa plano :) May performance task kasi ang panganay ko sa Health, huling task ng 3rd quarter. Pumili daw ng isa sa katangian ng matalinong mamimili, lima kasi yun tapos isasadula at videohan. Ang napili niyang katangian ng matalinong mamimili ay ang Sumusunod sa Budget parang mas madali kasing isadula kaysa ibang pagpipilian :) Kaya may dala siyang listahan ng bibilhin para yun lang ang kukunin o bibilhin niya para masunod ang halaga ng budget :) Tuwang-tuwa naman siyang nagsasadula take one lang kami ang hirap kayang ulitin nakakahiya nga magvideo sa store para kaming vlogger haha. Pagkatapos namin namili habang hinihintay ang daddy nila nagbayad sa counter itong dalawa nagselfie naman ang daming selfie nilang dalawa kaya pala hiniram ang selpon :) Kumusta buong araw nyo noise fam?Enjoy your weekend. Stay safe!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.