read.cash Log in
@ruby0622

Second day of Face to face Class Sobrang excited ng dalawang prinsesa ko pumasok sa school kanina first time kasi nilang pumasok ng sabay :) Dumating ang Lolo at Lola, mga biyenan ko kaninang alas otso kaya naihatid sila papuntang paaralan. Tuwang-tuwa naman silang makita mga apo na papasok ng sabay :) Ang higpit ng guard ayaw ng papasukin ang mga parents na maghahatid sa mga estudyante. Nung mga nakaraang linggo naihatid ko pa sila sa room nila, kahit sinabi ko sa guard na hindi alam ng bata ang room nakalimutan kasi ng mga anak ko ito yung pangalawang beses na papasok sila sa school, ayaw ka talagang papasukin. Sa panganay ko mas madali lang ang room kasi ground floor lang siya kaya tinuro ko na pang ilang room siya. Si bunso second floor mabuti may guro naggabay hinatid siya. Nagmessage ako sa mga guro ng mga anak ko kung nakarating ba sila sa room walang reply busy na siguro sa klase. Nakakapanibago pag uwi ko ng bahay ang tahimik walang makukulit na maingay haha. Mamayang alas dos pa uwian nila kaya oras naman sa mga gawaing bahay :) Happy and Blessed Wednesday Noise fam!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.