read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Mapagpalang gabi Noisefam! Nakita ko lang sa gallery ng fb ko, natawa nalang ako sa hitsura ng bunso ko dito hahaha. Ang gaganda ng ngiti namin siya naman wagas makaiyak haha. Last 2017 pa ang pcitures na'to kasal ng kapatid kong babae yung nakablue ng dress ang ganda ng ngiti niya diba halatang big day niya :) Sa probinsya namin sa Surigao sila kinasal at yung napangasawa niya yung nakaitim na shirt taga mindoro. Ito yung bahay namin sa probinsya, mga tito ko yung dalawang lalaki na katabi ng mama ko galing davao at gensan. Balik tayo sa moment ni bunso ayaw niya magpapicture sabi ko picture muna kasi wala talaga kaming picture sa kasal. Kaya ayan nagwala na gusto niya ipahubad yung gown niya haha. Wala talagang hilig si bunso sa camera mag 3years pa siya ng time na'to. Si ate niya game na game talaga yan kapag kinukuhaan mo ng litrato pacute agad hehe. Ang liliit pa nila dito ang bilis ng araw parang kailan lang karga karga ko ngayon may nauutusan na ako hehe. Bukas uli mga kanoise oras na naman ng pagtulog pero bago yan wag natin kalimutan magpasalamat sa buong araw na tayo'y iningatan ng Panginoon at sa pagprovide ng mga pangangailangan natin. God Bless us all!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.