ADOBONG PALAKA! Ang daming pagpilian na ulam may nilagang pako, pritong isda at lechong manok pero nag aagawan talaga kaming magkakapatid diyan sa adobong palaka hahaha. Nanghuli kasi mga pinsan ko at marami silang nahuli kaya binigyan nila kami maulan ulan kasi ng time na yun lumalabas kasi mga palaka kapag maulan ulan. Nung mga bata pa kaming magkakapatid kapag naulan ulan nanghuhuli agad kami ng palaka sa palayan gabi ang panghuhuli para hindi kami makita ng mga palaka may dala lang kaming flashlight hahaha. Nakakatuwang alalahanin ang kabataan daming masasayang moments. Kaya ayan nag aagawan kami niyan ang tagal na rin kasing hindi kami nakakain. Nasasabik kaya yun talaga unang naubos hehe. Pinatikim ko na rin mga anak ko sabi nila masarap naman daw hindi ko nalang sinabi na palaka yun sinabi ko lang chicken hahaha. Lahat kaming magkakapatid nahilig talaga nito kahit may ibang ulam, basta may adobong palaka mas pipiliin namin yun hehe o diba magkapatid talaga hahaha. Parang bumalik kami pagkabata nag aagawan lang natatawa nalang mama namin. Si mama kasi hindi kumakain ng palaka ayaw niya talaga kahit pinipilit namin haha. That time lang kaming magkakapatid nagkakasamang muli may kanya kanyang pamilya na rin kasi kaya minsan nalang magkita o magkakasama. Nung nagbakasyon kami sa province nito last year doon kami nagpasko at new year. #AdobongPalaka
5 comments
Talaga sis? di ko pa yan natry hehehe...
Try mo sis mas masarap pa siya sa chicken depende Kung masarap pagkaluto hehe
Ala sis tga san k. Nueva ecija k ba?
Hindi sis Surigao del norte province namin hehe
Ah ok. Kla ko nueva ecija. Kc sila ung friend ko nakain din ng palaka. Hahaha. Dto sa amin sa btangas hindi uso. Hahaha