Sisters Sweet Moment Ang sweet lang nila tingnan dito kaygandang pagmasdan hehe. Isang taon na ang nakalipas 'to, mabuti nakuhaan ko ng pictures na naglalmbingan at naghaharutan ang girls ko minsan lang mangyari ang ganito haha. Madalas kasi ayaw magpalambing ni bunso sa ate niya, ang arte lang haha. Ito ay araw ng kasal ng tita(kapatid ng daddy nila) nakaraang taon. Kinasal sila sa tagaytay, dahil may pandemic limited lang mga bisita halos kamag-anak lang ng both sides. After ilang months ng kasal ng tita nila panay tanong yung bunso ko kung may baby naba daw tummy tita nila haha. Gusto na kasi nila magkaroon ng pinsan yung nandito malapit nasa province kasi mga pinsan nila sa mga kapatid ko na side. Sa mga kapatid Kasi ng daddy nila isa pa lang nag-asawa at hanggang ngayon hindi pa nagkababy. Sabi nga ni bunso sa tita niya (Yung kinasal last year)nung nagbakasyon kami sa Tagaytay nandun kasi sila nakatira "Tita Berly, why you still don't have a baby it's already 9 months" matawa ka nalang haha. Mahilig talaga ang bunso ko magtanong kahit ano nalang maisip na itanong. Yung kapatid ko din na babae, siya nalang kasi walang asawa at anak tinanong din niya "Tita Tata, why you don't have a husband? Don't you like to have a baby? Babies are adorable :)" ang galing lang talaga magtanong nakakaoffend na minsan natatawa nalang talaga ako sa tanong niya na napapailing. Sinagot naman siya ng tita niya "Is Shiann and Zai adorable?" (mga pinsan nya na makukulit). Ang bilis sumagot ni bunso ng "No, they're not." haha. Kaya sabi ng tita "That's why I don't like to have a baby". Kaya sabi nalang ni bunso "Ahh okay." Natapos ang usapan haha. Kaya sabi ng kapatid ko sa akin nauubusan siya ng isasagot minsan kapag kasama niya si bunso kung ano-ano nalang daw tinatanong ang hirap pa sagutin yung iba haha. #SiblingsMoment #owncontent @ruby0622
4 comments
Mga bonding ng magkakapatid, nakakatuwa. Pero eto yong hilarious "nakakaoffend na minsan" hahaha.
Minsan Lang maglambingan Yan sis hehe Kaya nga minsan hindi na nakakatuwa magtanong si bunso :D
Nakakatawa ung nakaka offend pero tinawanan na lang, ganun talaga minsan sis. Ang cute naman nila dyan and ang pretty din ng dresses nila hihi
Kaya nga sis natatawa nalang din kapatid ko kahit nakakaoffend na hehe