read.cash Log in

@rosienne

Joined 30 June 2020 · 268 posts

120 KT

0 KT · $2.05 received · 0 KT · $1.45 given

Posts

@rosienne

Mapapagod ngunit hindi susuko Sino ba naman sa atin ang hindi napapagod? Wala diba? Kasi lahat tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad na dapat gampanan. Minsan dumarating sa punto na hirap na hirap kana at parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Kapag pinanghihinaan ka na mas dapat mong isipin ang mga tao sa paligid mo. Dapat maging selfless ka lalo na kapag magulang kana. Kailangan mong tatagan kasi may mga anak na umaasa saiyo. Ikaw ang mundo nila kaya dapat tatagan mo ang loob mo para sa kanila. Hindi natin maiiwasan na makaramdam ng kalungkutan sa buhay lalo na kapag nakikita natin ang mga tao sa paligid natin na nasa maayos ng kalagayan samantalang ikaw ay naghihirap pa din. Huwag nating i-pressure ang ating mga sarili sa mga bagay na pansamantala lamang. Sabi nga nila parang dumadaan lang daw tayo dito sa mundo dahil hindi pa ito ang permanenteng tahanan. Mahaba pa ang ating lalakbayin kaya dapat lakasan natin ang ating kalooban. Ako bilang isang ina, physically at mentally ay araw-araw akong pagod. Paggising pa lang sa umaga ay maghahanda ng almusal, papakainin at papaliguan ang mga bata. Maglilinis ng bahay, magluluto ulit at magpapakain ulit sa mga anak. Maglalaba, maghuhugas, mag-aalaga at magbabantay ng mga anak. Paulit-ulit na gawaing bahay na tila wala ng katapusan ngunit ganun paman nanatili akong malakas para sa kanila. Kahit na minsan ay puyat dahil sa pagpapasuso sa aking sanggol sa madaling araw. Nakakapagod pero satisfying dahil alam kong nagagawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin kahit mahirap. Nakakapanghina din ang pag-iisip ng mga problema kaya dapat ay dahan-dahan lang. Lahat ng mga nangyayari sa atin sa araw-araw maganda man o hindi ay kapupulutan natin ng aral na magiging gabay natin upang tayo ay maging mas maayos na nilalang. Tanggapin natin ang mga hamon sa buhay upang mas lalo tayong maging malakas at matapang. Kailangan natin ang mga ito upang matuto. Huwag tayong mapagod na gumawa ng mabuti dahil magdudulot ito ng magandang resulta. Huwag tayong mapagod na maglingkod sa ating pamilya at sa ating kapwa bagkus ay gawin natin ang lahat ng bagay ng may pagmamahal at pagtitiis. Mapapagod lang tayo pero hindi susuko. Magpahinga sandali tapos laban ulit para sa mga minamahal sa buhay. Harapin natin ng buong tapang ang mga problema. Huwag tayong susuko, kapag tayo ay napagod pwede naman munang magpahinga. Tandaan natin na lahat ng pagtitiis natin ay magbubunga ng tamis at tagumpay. Maniwala sa sariling kakayahan at sa kakayahan ng Diyos na sa atin ay gumagabay araw-araw. Maghintay ng tamang panahon ng pag-ani upang ang ating aanihin ay tamis at hindi pait lamang.

@rosienne

Marupok na sisidlan Ang mga babae ay maituturing na marupok na sisidlan sapagkat madali lang kaming masaktan. Mapa-pisikal, mental at emosyonal man kami ay mahina kumpara sa mga lalaki. Kaya ipinag-uutos ng Diyos sa mga lalaki na mahalin ang kanilang asawa at huwag sasaktan. Mayroon mang mga babaeng matatapang ngunit sa pangkalahatang bilang ay mahina pa rin ang kanilang katawan kumpara sa katawan ng mga lalaki. Kaya dapat ay matutong pakundanganan ng mga lalaki ang kanilang asawa na gaya ng isang marupok na sisidlan. Ngunit sa panahon ngayon ay tila nabago na ang katayuan ng isang babae dahil marami sa kababaihan ngayon ay nagagawa na ang mga bagay na kayang gawin ng mga lalaki. Mayroong mga asawang babae na mas pinipili na magtrabaho kaysa manatili sa bahay. Mayroon ding mga babae na tumatayong ina at ama sa kanilang mga anak lalo na ang mga single mom na naiwan o iniwan ng kanilang asawa. Ngunit sa kabila ng katapangan at katigasan na ipinapakita ng babae sa kanyang panlabas na kaanyuan ang kanyang kalooban ay malambot at mahina lamang. Ang babae ay itinulad sa isang marupok na sisidlan dahil madali tayong masira, mabasag, masaktan at magdamdam kaya dapat sa mga babae ay iniingatan, minamahal, iginagalang at isinaalang-alang. Ito ang mga bagay na dapat maintindihan ng mga lalaki dahil hindi tayo katulad nila. Maaaring naikukubli natin ang sakit at hirap na pinagdadaanan natin sa buhay ngunit ang puso at isip natin ay halos sumabog at madurog na. Minsan akala ng iba ay wala tayong problema dahil hindi natin ipinapakita sa kanila at sinasabi ang ating nararamdaman. Hanggat maaari ay sinasarili na lang natin ito hanggang sa ating malagpasan. Kaya dapat sa ating mga babae ay hindi sinasaktan, hindi pinagsasamantalahan at hindi niloloko. Dapat maintindihan ng mga lalaki ang kahinaan naming mga babae na gaya ng aming pag-intindi at pagtitiis sa kanila. Marami tayong tiisin at problema sa buhay na nakakadaragdag sa mga dahilan upang tayo ay panghinaan ng kalooban ngunit huwag tayong basta na lamang susuko. Maniwala tayo na malalagpasan natin ang mga pagsubok dito sa mundong ibabaw. At habang tayo ay binibigyan pa ng buhay at lakas ay gumawa tayo ng kabutihan sa ating kapwa lalo na sa ating mga kasama sa buhay at sa bahay. Maging mabuting asawa tayo, magulang at anak. Para sa mga lalaki, lagi ninyong tatandaan na igalang ninyo ang kababaihan. Huwag na huwag ninyong sasaktan kundi mahalin sila, unawain at igalang.

@rosienne

Nakakahilo at nakakalito Ito ang naramdaman ko noong sinimulan kong pasukin ang mundo ng crypto airdrop. Ang airdrop ay parang token giveaway ngunit kailangan mong sundin ang mga direksyon upang makamit mo ang iyong gantimpala. Para sa akin bilang baguhan sa airdrop ay sobrang nakakalito dahil marami pa akong hindi alam sa network at mga wallet address. Hindi ko alam ang tamang term na dapat kong gamitin kapag nagtatanong ako sa mga nagpopost ng airdrop sa group namin. Marami kang gagawin katulad ng pagpa-follow ng kanilang mga social media accounts, magda-download ng kanilang mga apps at syempre sign-up/register. Huwag mo din dapat kalimutan ang ibibigay sayong mga recovery phrase o security code. Dapat i-secure mo, huwag screen shot, dapat isulat mo at tandaan mo ang mga airdrop na sinasalihan mo para lagi kang updated lalo na kapag nagka-value na ang token na pinamigay. Sa airdrop maari kang kumita pero minsan naman ay wala kang mapapala pero sabi nga nila "try and try lang until you succeed". Wala namang mawawala kasi libre lang naman. Dapat mong tandaan na kapag airdrop ay libre wala kang dapat bayaran, kapag nanghihingi ng deposit ay umatras ka na pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mong sumugal. Kadalasan kasi ay scam ang mga nanghihingi ng deposit. Marami na akong kakilala na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagsali lamang sa mga airdrop. Kailangan ang sipag at tiyaga dito. Syempre kailangan mo din mag "Do Your Own Research" para hindi ka tanong ng tanong. Marami namang video tutorial sa youtube pero kung may kakilala ka na beterano na sa mundo ng crypto airdrop ay pwede ka naman sa kanila magpatulong. Pero sa totoo lang nakakahilo at nakakalito talaga minsan parang gusto ko ng sumuko agad kasi nahihirapan yung utak ko. Marami din kasi akong ibang iniisip kasi may mga anak pa akong inaasikaso, mga gawaing bahay na kailangan tapusin at ang modular class ng mga anak ko na ako ang nagsisilbing guro nila. Mahirap pagsabay-sabayin pero umaasa ako na balang araw ay magbubunga din itong aking ginagawa dahil gusto ko lang naman makatulong at magkaroon ng kahit kaunting halaga sa aking bulsa para sa aking mga anak. Kaya paminsan-minsan ay gumagawa din ako ng article kahit Tagalog lang. Aminado ako na hirap ako mag-English ng deretso kaya mas pinili ko ang aking sariling wika kahit alam kong wala halos magbabasa nito. Wala din akong sponsor dahil nga hindi naman nila maiintindihan ang mga sinusulat ko. Isa pa, hindi pulido ang ginagawa ko ngunit alam kong darating ang araw na maisasaayos ko din ito. Pipilitin ko na mas magkaroon ng dekalidad na impormasyon ang mga sinusulat ko. Maaari kang magbahagi ng iyong karanasan kung ikaw ay may alam tungkol sa airdrop. Bukas ang comment section ko para sa lahat. Happy earnings po!

@rosienne

Random thoughts Isang araw na naman ang lumipas na wala akong nagawang maayos na trabaho. Hindi ko natapos ang aking labahin at mga damit na kailangan itago. Yung iba kong nabiling damit isasama ko na din sa ibebenta ko kasi biglang di ko na gusto. Ewan ko ba nagandahan ako kaya ko binili pero ngayong nandito na sa akin bigla naman nagbago ang gusto ko sa damit. Ang hirap kasi kapag breastfeeding mom, di ako masyadong komportable sa mga damit ko ngayon. Gusto ko ng mga estilo at desenyo yun nga lang mahirap magpadede lalo na kapag fit yung damit at walang button. Yung akala kong maganda kapag suot ng iba ngunit kapag sinukat ko na hindi naman sakin bagay. Isa ito sa insecurities ko ngayon, dahil ako ay nagkaroon na ng maraming anak medyo nag-iba na din ang hugis ng aking katawan at medyo lumapad na. Maraming bagay na ang hindi ko nagagawa dahil abala ako sa pagiging nanay o ilaw ng tahanan. Minsan gusto ko rin mamasyal ngunit hindi naman ako pwedeng umalis mag-isa. Kailangan kasama ko ang mga bata lalo na ang bunso ko dahil breasfeeding baby sya. Pinag-iisipan ko na din na bigyan sya ng formula milk dahil mukhang kulang na ang nakukuha nyang gatas sa akin. Lumilipas ang bawat araw na nandito lang ako sa bahay abala sa mga gawaing bahay, sa mga bata at paglilibang sa cellphone. Halos ngayong maghapon ay nakonsumo ko ang tatlong oras sa pagsali sa mga airdrop at mga kung ano-anong survey site sa pag-asang ako ay may masusungkit kahit na maliit na halaga lamang. Sabi nga nila sali lng ng sali dahil libre lang naman. Huwag daw mag-invest sa airdrop dahil ang airdrop ay libre. Once na pinag-deposit ka ay magtaka ka na. Wala akong masyadong alam sa airdrop pero pinipilit ko na kahit papano ay matuto dahil parte na ng buhay natin ngayon ang crypto. Gusto ko din kumita katulad ng mga kakilala ko na nagkakaroon ng 5-6 digits sa mga crypto wallet nila sa pamamagitan ng pagsali sa mga airdrop. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala madali ang pinagdaanan nila dahil bago ka man makakuha ng rewards ay paghihirapan mo muna ito. Marami kang dapat gawin at minsan kailangan pa ng referral para mas marami ang makuha mong token rewards sa airdrop pero malaki ang posible mong makuha lalo na kung ikaw ay masipag mag-invite. Isa pa naman sa pinaka-ayaw ko ay ang manghikayat na sasali sa mga ganyan dahil halos lahat ng kakilala ko ay walang interes sa crypto dahil abala sila sa kanilang mga trabaho. Lagi nilang sinasabi na baka daw hindi legit at scam lang. Karamihan pa sa kanila ay bitcoin lang ang alam. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako mahilig mag-invite ay sa kadahilanan na wala akong masyadong alam sa mga uri ng wallet at token. Noong unang subok ko pa lamang ay nalilito ako at di ko alam paano mag-copy ng address at mag-send ng token at mag-trade. Hirap akong intindihin ang mga salita na related sa crypto subalit willing naman akong matuto. Kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga. Naniniwala ako na magbubunga din ang aking ginagawa ngayon at sasabayan ko pa ng pagtitinda ng mga ukay-ukay. Mahirap din makabenta lalo na ng mga damit. Ang dami kong ka-kompetensya na napakamura pa ng mga paninda nila halos kulang na lang ipamigay para lang maubos ang kanilang mga items. Sabi sa akin ng aking asawa subukan ko daw magbenta ng coffee jelly at mango graham kasi summer naman ngayon ngunit ang problema a weeky wala akong kompyansa sa aking sarili. Minsan kasi nawawala talaga ako sa focus at puro "what if" ang nasa utaka ko which is mali. Nagiging hadlang tuloy ito upang hindi ako sumubok sa ibang bagay. Minsan nililibang ko na lang ang aking sarili para makapag-pahinga ang utak ko at ma-relax kahit papano. Malaking tulong din ang pagkain at inumin upang panandalian kong makalimutan ang aming mga problema at mga bayarin. Malaking pasasalamat ko na napadpad ako dito at sa noise.cash dahil malaking tulong ang bitcoincash sa aming mag-asawa. Malaki rin ang halagang naiipon ko sa isang buwan na hindi ko kayang kitain sa ibang platform. Tanging ang bch ang naging sandalan ko lalo na mula noong nagkaroon ng pandemya. Sana bumalik na sa normal ang lahat. Marami din ang nagbago dahil sa covid-19. Malaking problema ang iniwan ng virus na ito kahit saan mang sulok ng bansa. Sana huwag ng ibalik ang lockdown pagkatapos ng eleksyon. Dito sa amin sa Pinas ay tila nawala ang issue sa covid-19 dahil naagaw ang atensyon ng mga tao sa darating na halalan. Kaliwa't kanan ang mga pulitikong nililigawan ang kanilang mamamayan upang sila ay iboto sa susunod na buwan. Sana ang susunod na mauupong presidente ng Pilipinas ay marami ang magawang kabutihan at magandang impluwensya sa mga tao. Hanggang dito na lamang muna ang maibabahagi ko sainyo. Hanggang sa muli! Ako ang inyong lingkod na tagasulat sa lenggwaheng Tagalog. @rosienne

@rosienne

Bakit kailangan mong tanggapin ang iyong pagkakamali? Lahat naman tayo ay nagkakamali pero hindi lahat ay tanggap ang pagkakamali nila. Karamihan ay naghahanap ng butas o masisisi sa nagawa nilang kasalanan. Ngunit gaano nga ba kahalaga na matanggap mo sa iyong sarili na ikaw ay nagkamali at nakagawa ng hindi maganda? Ang isang mapagpakumbabang nilalang ay bukal sa kanyang kalooban na tanggapin ang kanyang pagkakamali at handang humingi ng kapatawaran sa nagawan nya ng kasalanan. Ngunit ito ay kabaliktaran naman sa taong mapagmataas dahil kadalasan ay naghahanap lang sya ng masisisi sa kanyang nagawang kasalanan. Hindi nya tinatanggap na sya ay nagkakamali dahil sya ay mayabang at mataas ang tingin sa sarili. Kailangan nating matanggap ang ating mga nagagawang pagkakamali at kasalanan para tayo ay magbago. Para mabago natin ang mga ugaling dapat baguhin at mas magkaroon ng magandang pananaw sa buhay. Mas magiging matuwid ang ating pag-iisip kapag alam natin sa sarili natin na tayo ay nagkamali. Ang pagkakamali at ang pagtanggap dito ang magbibigay daan upang tayo ay tuluyang lumayo sa mga bagay na hindi makakabuti sa atin. Maiiwasan natin na magawa ulit ang mga kasalanan at pagkakamali na nagawa natin noong mga nakaraan. Mas magkakaroon ng linaw ang mga tanong sa iyong isipan kung bakit nangyayari ang mga bagay. Kailangan nating magkamali upang matuto at kailangan nating tanggapin ang pagkakamaling ito upang magbago. Ito ang magbibigay sa ating ng panibagong pag-asa sa buhay. Makakaramdam tayo ng tunay na kaligayahan kapag tayo ay napatawad ng taong nagawan natin ng kasalanan. Kapag tayo ay mapagpakumbaba ay ang Dios ang nagtataas sa atin. Hiwag nating hayaan na madaya tayo ng tukso at mabihag sa kanyang kasakiman. Layuan natin ang mga bagay na alam nating mauuwi lang sa mabigat na kasalanan. Magkamali man tayo ay huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil lahat tayo ay binibigyan ng panahon upang magbago at umiwas sa mga kasalanan. Nasa atin ang kapangyarihan upang makagawa ng mga bagay na maganda at tayo din ang magdedesisyon kung mas pipiliin natin maging masama. Magkamali ka man ng paulit-ulit ay huwag kong hayaan na hindi ka makabangon huwag kang magpatalo sa kasamaan kundi lumaban ka hanggang sa ikaw ay matuto at magbago. Masisilayan mo ang panibagong bukas at magandang kapalaran kapag mas pinili mo na maging mabuting tao. Hindi mo man maibalik sa dati ang sitwasyon dahil sa iyong maling nagawa subukan mong gawing mas maganda ang resulta kapag nabago mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng iyong pagkakamali.

@rosienne

Airdrop Hunting Another airdrop was ongoing right now and people in my Facebook group which I just joined recently were busy following back each other on Twitter. The airdrop required you to have at least 500 followers to claim the rewards. I was about to participate but suddenly when I am clicking the Connect your wallet button was not working. I already have 500+ followers and I am ready to claim the rewards anytime but an unusual thing happens. So here I am waiting to fix the bug. I hope that I can enter the raindrop before this day ends. My Twitter got locked yesterday because of unusual activity, I followed back all the users that follow me. Twitter was very strict compared to Facebook. From now on, I will participate in every airdrop. I am just not good at persuading people to join as well. But I will try because my friend told me that she earned 6 digits just by airdrop hunting. I was so shocked when she told me about that because I can't imagine the feelings of having such a big amount just by joining an airdrop. I ask her so many questions and I learned a lot from her. Although I know my knowledge about it is not enough but now I dare to do it. I am planning to do my research about airdrop and watch it on youtube when I have free time. I am so lucky I found this group that helps each other to gain knowledge and open opportunities to everyone. They also give us a warning, especially to newcomers to be vigilant and avoid investing in crypto they don't know. They always remind us that if we want to invest, just invest the amount we can afford to lose and don't drag anyone just for the referral rewards. To those who are innocent about an airdrop, An airdrop is a marketing strategy that includes giving coins or tokens to wallet addresses to promote awareness of new tokens or cryptocurrency. It's a free token. You just need to join and follow their rules to claim the rewards. When you get the rewards mostly, it has no value but soon it will have so you have to hold it and wait for its pump. You just need to be patient when it comes to airdrop because some token takes a year to pump.

@rosienne

Anong uri ng kapit-bahay ka? Pag-usapan natin ngayon ang iba't-ibang uri ng kapit-bahay sa ating komunidad. Naisipan ko lang gawing article ito dahil naalala ko ang mga kapit-bahay ko sa probinsya namin sa Bicol. Halika at isa-isahin natin ang mga uri ng kapit-bahay natin. Masipag at Maagap Ikaw ba ang kapit-bahay na madaling araw pa lang ay gising na gising na? Nagwawalis na ng bakuran at nakapagluto na ng almusal? Sa probinsya, madaling araw pa lang ay marami ka ng maririnig na kaluskos ng mga kapit-bahay lalo na mga matatanda. Ang mga matatanda doon sa probinsya namin alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na. Maaga din kasi sila natutulog, alas syete o alas otso ay tulog na sila. Sa totoo lang hindi naman tamad ang mga tao sa probinsya sadyang mahirap lang talaga ang buhay doon dahil walang masyadong regular na hanap-buhay at trabaho. Mapagbigay Naalala ko pa bata pa lang ako mababait ang kapit-bahay namin at mapagbigay. Lagi silang nagbibigay ng pagkain tuwing may handaan o okasyon sa kanila. Minsan kapag nakakaluwag-luwag sila ay namimigay ng ulam lalo na kapag marami silang niluto. Mayaman sa prutas sa probinsya katulad ng saging, bayabas at guyabano kaya madalas ay namimigay din kami sa mga kapit-bahay namin lalo na kapag maraming pinuputol na puno ng saging si papa. Maingay Umaga pa lang ay may maririnig ka ng sigawan lalo na ang mga nanay na bungangera. Tila hindi napapagod ang kanilang bunganga sa kakatalak. May madalas din mag-away na mag-asawa dahil sa bisyo ng mga lalaking asawa katulad ng sabong, sugal at alak. Minsan kahit madaling araw na ay may maririnig ka pang nag-aaway na mga lasing o di kaya naman ay nagkakantahan. Noong hindi pa uso ang videoke ay tanging gitara lang ang ginagamit na panghimig habang umaawit subalit ngayon na nauso na ang videoke ay may mga kapit-bahay na tila walang konsidersyon sa kapwa nila dahil kahit madaling araw na ay maingay pa rin sila at nagkakantahan habang nag-iinuman. Tsismosa at inggetera Maaga pa lang nasa kanto na para makipag-tsismisan sa mga kapwa kapit-bahay na walang magawa sa buhay kundi ang pag-usapan ang buhay ng mga tao sa paligid nila. Kahit naman sa social media ay hindi mawawala ang mga taong nangingi-alam sa buhay ng iba. Talamak ito sa mga probinsya dahil sa probinsya walang masyadong libangan ang mga tao kundi ang mag-usap usap kahit wala ng uwian. Kadalasan sila din yung mga kapit-bahay na naiinggit sa kung anong meron ka kaya sinisiraan ka na lang nila. Akala ng ibang tao kapag siniraan ka nila ay aangat sila sa paningin ng iba. Matulungin Hindi mawawala ang mga matulunging kapit-bahay lalo na sa malaking handaan. Lalo na sa mga emergency cases lagi silang maaasahan. Naalala ko pa noon tulong-tulong ang mga tao na maglinis ng mga balon para mapanatili ang malinis na tubig, naglilinis sa gilid ng kalsada at nagpuputol ng sobrang sanga ng mga punong-kahoy. Marami din ang mga nagbu-volunteer na maglinis sa plaza at Brgy. Hall. Magalang Isa ka ba sa mga batang magalang na lahat ng madadatnan at makakasalubong ay binabati at ikaw ay laging nagmamano? Noong nasa probinsya ako kapag may matanda na pumupunta sa bahay namin ay lagi kaming tatawagin nila mama at papa para magmano. Mahirap lang kami pero masaya ako na naturuan ako ng mga magulang ko na maging magalang sa kapwa-tao. Ang mga nabanggit ko sa itaas ay ilan lamang sa mga magagandang katangian ng mga kapit-bahay at ilan din na mga hindi magandang katangian. Medyo nalulungkot ako dahil ang kapit-bahay namin dito ay hindi namin kasundo dahil sa away-kalsada. Ayaw kasi ng matanda na may nagpapark sa kanilang harapan. Ngunit hindi naman nila pag-aari ang kalsada na yun kahit pa nasa harapan nila. Masungit ang matanda na kapit-bahay namin at napag-alaman namin na wala pala talaga iyong nakakasundo dahil ugali nito. Marami na pala syang naka-away dahil nya masungit sya at hindi maganda magbitaw ng mga salita. Ang mga ibang kapit-bahay namin ay hindi ko alam ang mga pangalan, kilala ko lamang sila sa mukha at hindi man lang namin nakaka-usap. Malayong-malayo sa probinsya kong pinagmulan. Sa probinsya ay halos lahat kilala ko ang mga tao sa buong barangay. Samantalang dito sa tinitirhan namin ngayon ay wala man lang halos kaming kakilala at maka-usap. Ang mga bahay dito ay halos natatabunan ng mga nagsisilakihan at nagsisitaasang mga bakod at gate.

@rosienne

Softdrinks Ang softdrinks ay inuming nakakapagpasaya sa tao dahil sa lasa at lamig nito. Napag-alaman ko na kaya ito na-imbento ay upang mabawasan ang drinking habit ng mga Amerikano. Inirekomenda ito bilang pamalit sa mga hard drinks katulad ng alak. Ngunit ang labis na pagkonsumo nito ay nakakasama sa kalusugan. Ang diabetes, obesity, kidney and liver problem at tooth decay ay ilan lamang sa masamang epekto nito sa ating katawan. Napag-alaman din na ang labis na pagkonsumo ng soda ay mabilis na nakakatanda at maari kang magkaroon ng osteoporosis. Alam kong masama ito sa kalusugan ngunit hindi ko alam bakit nahuhumaling ako sa inumin na ito. Coke ang paborito kong inumin lalo na ngayong summer. Ang hirap mag-kontrol lalo na kapag nagki-crave ako sa malamig, soft drinks agad ang hinahanap ko. Hindi naman ako araw-araw umiinom nito ngunit nagi-guilty pa din ako kasi alam kong balang araw ay sisingilin ako ng katawan ko dahil dito. Pinipilit kong umiwas sa inumin na ito at sinusubukan ko rin na uminom ng mas maraming tubig upang mawala ang paghahanap ko ng lasa ng coke. Ayaw ko rin na nakikita ako ng mga bata na umiinom nito kung kayat minsan ay patago akong umiinom dahil ayaw kong matulad sila sa akin lalo na at bata pa sila. Kaya ang ginagawa ko ay binibilhan ko sila ng yakult o di kaya naman ay delight para healthy sa tiyan. Dapat nga sa akin ay gatas ang iniinom dahil breastfeeding mom ako pero minsan di ko mapigilan ang sarili ko lalo na kapag stress ako. Lagi ako nagpapabili ng coke at burger sa asawa ko bilang comfort food lalo na kapag marami akong iniisip. Minsan sa kagustuhan natin na masatisfy yung panlasa natin ay nakakalimutan natin ang mga bawal. Ang hirap pa naman magkasakit lalo na sa sitwasyon ko na maraming anak. Dapat ay healthy ako para sa kanila. Para maalagaan at mabantayan ko sila ng maayos. Kaya simula ngayon ay pipilitin kong umiwas sa soda at mas piliin ang mga masustansyang pagkain at inumin upang lumakas ang aking katawan at makapag-produce ng mas masustansyang gatas para sa aking toddler at 4 months old baby boy. Isang paalala ang aking iiwanan sa inyo dahil isang beses lang tayo mabubuhay. Alagaan natin ang ating mga sarili at lumayo sa mga tukso katulad ng unhealthy foods and drinks na alam nating walang maidudulot na maganda sa ating katawan. Sikapin natin na maiwasan ito sa lahat ng oras upang iwas sakit at karamdaman pagdating ng araw. Mas magandang mapanatili natin ang malusog at malakas na pangangatawan para sa ating mga mahal sa buhay. Para sa mga katulad ko na addict sa soft drinks o kaya sa kape at milk tea, bawasan na natin ang pag-consume nito. Magtubig na lang muna tayo. Kunwari na lang na wala tayong pera para di tayo maakit na bumili ng ating gusto lalo na kung nakakasama lang naman sa ating katawan. Hindi man natin ito magawang iwasan ng tuluyan ay unti-untiin na lang muna natin hanggang sa dumating sa point na kaya na natin silang di pansinin.

@rosienne

Disadvantages ng malaking pamilya Ang pagkakaroon ng anak ay isang responsibilidad na pang-habambuhay. Once na naging magulang ka na wala ka ng kawala sa obligasyon na ito. Dito sa Pilipinas, walang policy sa pagkakaroon ng anak katulad sa ibang bansa. Ang pagkaka-alam ko sa bansang China ang mayroong 1 child policy. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay epektibo pa ang policy na yun sa kanilang bansa. Ang Pilipinas ay maliit na bansa lamang ngunit over-populated. Kaya hindi mawawala ang mga negatibong epekto nito sa kapaligiran, sa pamilya ng maraming mga anak at pati sa mga anak mismo. Karamihan sa maraming anak ay mula pa sa mga mahihirap sa lipunan. Maraming isyu ang kinasasangkutan ng mga pamilyang marami ang anak isa na dito ay ang kahirapan. Talakayin natin ngayon ang mga disadvantages ng pagkakaroon ng maraming anak. Narito sa baba ang ilan. 1.) Lalong humihirap sa buhay ang pamilyang maraming anak dahil mas marami ang expenses ng malaking pamilya kumpara sa maliit na bilang. Lumalaki ang bayarin katulad ng kuryente at tubig. Malaki din ang nagagastos pagdating sa pagkain lalo na kung mayroong pihikan sa pagkain. May mga bata na mahirap pakainin kayat kung minsan ay iba ang ulam ng mga bata sa ulam ng mga matanda. Nadodoble ang gastos dahil dito. Madalas ay kinakapos pa sa budget sa pagkain dahil sa dami ng gastusin at bayarin. 2.) Kahit anong gawing pagtitipid ay walang maiipon. Ang sahod dito sa Pilipinas ay napakaliit lamang kung kayat hindi talaga kakasya ang karampot na sahod para sa pagkain, tubig at iba pang gastusin lalo na kung isa lang ang naghahanap-buhay. Halimbawa ang sahod ng isang ordinaryong empleyado sa probinsya ay inaabot ng P500 a day, kulang ito lalo na kung marami syang anak. Ibawas mo pa ang allowance para sa pagkain at pamasahe ng nagtatrabaho. Magkano na lang ang matitira? Paano pa kung mayroon kang sanggol na anak na kailangan pa ng diaper? Huwag na nating isali ang gatas dahil maari namang breastfeed ang sanggol. Napakahalaga pa naman ng may ipon lalo sa para sa emergency funds, mahirap kapag biglaang nagkakasakit ang miyembro ng pamilya ng wala man lamang kayong hawak o nakatalagang pera para sa mga emergency cases. 3.) Hindi natutugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng anak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa aming mga magulang ay ang hindi namin matugunan ang pangangailangan ng aming mga anak dahil mas nakalaan ang pera para sa mga basic needs naming buong pamilya. Katulad na lamang ng sitwasyon namin ngayon, mayroon kaming limang anak at dalawa na ang nag-aaral. Delivery rider ang asawa ko at pinakamataas ng kita nya ay P1,000, kung tutuusin ay malaki na ito, ngunit dahil marami ang anak namin ay kinakapos pa din dahil sa dami ng bayarin. Pihikan din sa pagkain ang mga bata kaya bumibili pa kami ng sarili nilang pagkain. May dalawa pang gumagamit ng diaper, nakatipid lang kami sa gatas dahil breastfeed si baby at ang toddler ko(tandem breastfeeding). Marami kaming hindi natutugunan na pangangailangan nila katulad na lamang sa mga school supplies sobrang kulang ang naipo-provide namin. Sa kagustuhan naman ay bihira namin sila mapagbigyan dahil inuuna namin ang mga bills. Nakakalungkot ngunit ito ay reality ng pagkakaroon ng maraming anak at hindi financially stable. Kaya laking pasasalamat ko sa read.cash at noise.cash dahil malaki ang naitulong nito sa amin lalo na nitong pandemya. Kapag kinakapos kami sa budget ay ginagamit ko ang kinita kong bitcoincash . Nalulungkot lang ako dahil hindi ako nakaka-ipon pero nagagamit ko naman sa makabuluhang bagay ang bch. 4.) Hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ang lahat na mga anak. Ito ang nangyayari sa akin ngayon dahil sa dami ng anak ko hindi ko mabigyan ng sapat na oras ang mga bata. Napapakain ko sila, napapaliguan, nabibihisan at naaalagaan ngunit hindi sapat na atensyon ang naibibigay ko. Mayroon akong apat na buwang sanggol na mas nangangailangan ng aking atensyon kung kayat ang mga nakakatandang kapatid nya ay bihira ko na lang maasikaso. Pagdating sa module ay hindi ko sila natuturuang mabuti, unang-una ay dahil sa walang angkop na espasyo para sa kanilang pag-aaral. Hindi sila nakaka-focus sa mga aralin nila dahil sa ingay ng iba nilang kapatid at marami pang ibang distraction. Minsan ay hindi ko na rin sila magawang maka-usap ng maayos lalo na kapag mainit ang ulo ko dahil sa pagod sa gawaing bahay at pagbabantay sa kanila. Minsan kapag nagkakaroon ako ng free time mas gusto kong mahiga or matulog dahil yun ang hinahanap ng aking katawan kaysa makipag-laro ako sa kanila. Bihira ko lang magawa ang samahan sila sa paglalaro at panunuod dahil habang abala sila sa paglalaro o panunuod ay abala naman ako sa gawaing bahay. Ang apat na nabanggit ko sa itaas ay ilan lamang sa disadvantages ng pagkakaroon ng malaking pamilya. Marami pang ibang bunga nito. Ang mga nabanggit ko ay base lamang sa aking karanasan at sitwasyon ko ngayon dahil mahirap lamang kami. Hindi ito applicable sa mga taong may kaya sa buhay dahil kaya nyo namang tugunan ang mga pangangailangan ng inyong mga anak hanggang sa pag-aaral at paglaki nila. Ito ay madalas lamang mangyari sa mga taong kapus-palad at salat sa pamumuhay. Masaya naman ang maraming anak pero mas masaya sana kung lahat ng kailangan ng mga anak ay naibibigay ngunit kung hindi magdudulot lamang ito ng problema sa pamilya at pagmumulan ng away mag-asawa. Kayat ang payo ko lalo na sa mga wala pang asawa ay paghandaang mabuti ang pagpasok sa isang relasyon. Kung may plano kang mag-asawa at mag-anak ang unang-una mong gawin ngayon at mag-ipon. Kung kaya mong bumili ng sariling lupa at bahay mas maganda rin upang hindi nyo maranasan mangupahan at mamroblema sa pambayad kada buwan. Ngunit minsan darating ka na lang sa punto na mag-aasawa ka ng hindi mo napaghandaan lalo na kapag nabuntis ka or nakabuntis ka. Kung hindi pa handa na mag-asawa o magka-anak ngunit mayroon kang kasintahan ay magpigil muna o di kaya ay gumamit ng birth control. Sana ay kapulutan ninyo ng aral ang tekstong naibahagi ko ngayon. Maraming salamat!

@rosienne

Maulang umaga Isang maulang umaga ng martes ang bumungad sa amin ngayon. Ilang linggo din ang lumipas bago umulan ulit. Kung para sa iba ay biyaya ang ulan sa akin naman ay hindi. Hindi maayos ang aming mga bubong at mga kisame kaya tuwing umuulan ay may tumutulo. Nangungupahan lang kami kaya nagtitiis kami sa ganitong sitwasyon. Hanggat hindi ito ipaayos ng may-ari ay titiisin namin ito hanggat andito kami. Ang sabi sa amin ng karpintero ay hindi na daw kayang tapalan ng vulca seal ang mga butas dahil malalaki na raw ito. Dapat daw dito ay palitan na pati mga kahoy. Wala naman kaming sapat na halaga upang maipagawa namin ito. Isa pa hindi namin ito pag-aari para kami ang magpagawa. Mabuti sana kung sa amin na ang bahay na ito. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi kami masaya kapag umuulan ay nahihirapan ang aking asawa na bumyahe. Isa syang delivery rider ng isang courier service. Mas delikado bumyahe kapag umuulan dahil madulas ang kalsada at takaw-disgrasya. At kahit nakasuot sya ng raincoat ay nababasa pa din sya. Minsan nagiging dahilan pa ito ng pagkakasakit nya at hindi sya nakakabyahe ng ilang araw dahil mas kailangan nyang magpahinga. Kapag napag-uusapan namin ang trabaho ay nababanggit ko sa kanya na maghanap na lang sya ng trabaho na mayroong mga benefits tulad ng Philhealth, SSS at Pag-ibig na magagamit namin sa paglaki ng aming mga anak. Ngunit mas gusto nya na hawak nya ang kanyang oras kaya mmas pinili nya na courier driver na lang. Mahirap kasi bumyahe lalo na sa gabi ang gusto nyang shift dahil umiiwas sya sa init ng araw. Katulad na lang ng nangyari sa kapatid nya noong nakaraang buwan nahold-up ito, natangay ang kanyang motor at cellphone. Mabuti na lang at mabilis na rumesponde ang mga pulis at agad na naibalik ang motor ngunit hindi na naibalik sa kanya ang cellphone. Isa ito sa mga kinakatakot ko kung kaya minsan ay hinihikayat ko ang aking asawa na maghanap ng regular na trabaho. Martes ng umaga ngayon at mukhang maghapong uulan. Medyo nakakalungkot dahil kahit papaano mas masaya at maaliwalas ang mukha ng mga tao kapag maganda ang panahon. Ngunit kailangan din kasi natin ng ulan lalo na ng mga kapwa natin mga magbubukid at magsasaka na umaasa sa ulan upang madiligan ang kanilang mga pananim. Alas otso na pala, ang bilis ng oras. Kailangan ko ng maghanda ng agahan para sa mga bata at simulan ang ilang mga gawaing bahay. Magandang umaga! Tara at mag-almusal muna!

@rosienne

Overthinking Overthinking is when you think and worried about something or someone repeatedly. People who overthink may not be able to respond immediately when they are being questioned. They often struggle when it comes to decision-making. This is a bad habit. Overthinking does not do any good to anyone. You are not in your right mind when you overthink. Overthinking can't be defined as a mental health disorder but it was associated with anxiety and depression. It can affect your daily life and you will be having a lot of sleepless nights. Better to talk to someone about what you are worried about. I know the feeling and I am telling you that this is energy-draining and you can't even solve one problem. I know it's human nature to think about something that might happen but don't take it seriously. We cannot control those things that are destined to appear but we can always make and think about solutions. So don't delude yourself and try to focus. Try to breathe in and breathe out. Relax. I have a lot in my mind right now about problem-solving and decision-making and it's not easy to deal with because sometimes I feel hopeless. I always end up overthinking negative things like what if like this and like that happens. I don't want to dwell on this mindset that's why I always asked God to protect and help me every day. I need to win against this thing to protect myself and my family. One of the reasons why I overthink it is because I am scared. I am scared of all the possibilities that might happen every day. But I know God will help me all the way. I will leave it up to him. I will trust him because he knows what is best for me.

@rosienne

Paano nga ba mag-ipon? Isa sa napakahirap gawin ng isang ordinaryong empleyado ay ang mag-ipon. Minsan hindi pa sapat ang minimum na sahod para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan lalo na kapag pamilyadong tao ka pa at mayroong pinag-aaral na mga anak. Naranasan kong magtrabaho at mangupahan ng mag-isa. Napakahirap mag-budget dahil minsan kapos talaga. Sa sahod ko halos kakaunti na lamang ang natitira pagkatapos kong magbayad sa boarding house at maglaan ng para sa pagkain at allowance tuwing papasok sa trabaho. Mag-isa pa lang ako ng panahong iyon pero hindi ako nakapag-ipon. Bukod kasi sa pang-araw-araw kong pangangailangan ay nagpapadala din ako ng pera sa aking mga magulang sa probinsya. Kaya iniisip ko ngayon kung paano pa ako makakapag-ipon na wala naman akong trabaho at mayroon kaming limang anak na dapat paghandaan. Hindi biro ang magpalaki ng mga anak. Kailangan ng malaking halaga para sa araw-araw na gastusin, para sa kanilang pag-aaral at emergeency funds. Ngunit paano nga ba makakapag-ipon kung isa lang sa aming mag-asawa ang mayroong trabaho at hindi pa regular? Naisip ko ang mga bagay na nasa ibaba upang maging gabay ko sa aking pag-iipon. 1) Magtipid at magtiis sa kung magkano ang kinikita ng asawa at tipirin ito. Huwag bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. 2) Kahit gaano kaliit ang kinikita ay mag-ipon o maghulog sa alkansya kahit pabarya-barya. Ang barya kapag naipon ay lumalaki din ang halaga kaya huwag maliitin kung barya lang ang iniipon mo. 3) Iwasan tumingin sa mga online selling platform katulad ng SHEIN, shoppee at lazada pati na rin ang manood ng live selling sa facebook at instagram. Lumayo sa mga ito upang huwag matukso na bumili. Tandaan mo na nag-iipon ka at nagtitipid ka. 4) Huwag gumastos ng sobra sa pagkain. Kapag nagugutom kumain ng pagkain na nakahain sa lamesa at huwag ng maghanap ng iba pang pagkain. Huwag ng umorder online o kahit pa saan. Magtiis ng kung anong pagkain ang mayroon sa bahay. Tandaan mo na hindi ka mayaman at gusto mong makapag-ipon kaya tiis tiis muna. 5) Kausapin ang asawa at mga anak na kailangan nyong magtulungan upang makatipid at mapagkasya ang perang kinikita araw-araw. 6) Kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumita ng malaki ay itabi agad ang pera na dapat ay mapunta sa savings at iwasan ito na gastusin at kuhanin. Alam kong mahirap din itong gawin at hindi ko tiyak sa aking sarili kung masusunod ko ba ang mga gabay na nasa itaas dahil minsan ako ay hindi marunong magkontrol sa aking sarili lalo na kapag ako ay naghahanap ng pagkain. Minsan mas gusto kong magpabili ng pagkain sa labas o fast food kaysa kumain ng lutong bahay.insan kasi sa dami ng problema idinadaan ko na lang sa kain. Ang pagkain ang nakakapagpagaan ng loob ko sa tuwing ako ay may dinaramdam at dala-dalang mabigat na pasanin. Ngunit susubukan ko ang lahat ng nabanggit sa taas upang makapag-ipon para sa aking mga anak. Mag-iipon ako kahit pabarya-barya upang may madukot kapag kailangan. Mahirap pero kakayanin. Mas mahirap kapag walang ipon at hindi iniisip ang hinaharap. Kaya malaking pasasalamat ko sa read.cash at noise.cash na patuloy na sinusuportahan ang mga katulad ko na nanay. Malaking tulong ito para sa aming upang may panggastos para sa mga anak at sarili na hindi na kailangan pang humingi sa asawa. Kahit papaano ay nagkakaroon ako ng financial freedom kahit minsan lang at kahit kailunti lang.

@rosienne

My 4th week as an online seller There are a lot of things to consider once you decided to be an online seller. And I'm telling you that is not so easy but we have to go through the rough roads to be sharp and competent. I know it was hard at first but I didn't know that it was very hard. But now, I am willing to take the risk because I already started it. I asked my husband to support me to have courage and be confident as well. I needed someone like him to go with the flow. Negative and positive feedback will help us grow and improve our products and service. They said the customer is always right but I think not in all cases. Especially when they reserved the items they must take the responsibility to pay and not to cancel them. One good thing about selling clothes is that they will last longer. It has no expirations, unlike foods and drinks. I have so many reasons to quit about this but I have to keep going for my goals. I want to earn while babysitting and housekeeping. Aside from micro-blogging and doing articles I want to do something that can help my mind to function better. I have a lot of things running in mind but I also want to achieve something aside from being a full-time mom and housewife. Online selling and live selling was a trend nowadays and it comes from different marketing strategies. Some of them give free items to attract prospective buyers or customers. But in my case, I cannot afford to do this thing because it's too early for the giveaway. I need to get my investment and take some profit before doing this kind of stuff. I have a lot of things to do in the morning so I can only supervise my commodities in the afternoon and when my baby's sleeping. It was hard for me to make time to do articles but it helps my mind to release some stress by letting it out. I feel better when I am writing even though I am not good enough in this spot. I want to try and do my best for my kids and to achieve my goals. They are my reasons to work harder. They are my inspirations to start this thing even though I don't know how and where to start. I am still in the learning process as of now but I'm going to do my best to attain my goal this year.

@rosienne

Pagkakaiba-iba Bakit kahit alam natin na magkakaiba tayo ay hindi natin maiwasan na ikumpara ang sarili natin sa ibang tao? Dapat nga maging normal na lang sa paningin natin ang pagkakaiba-iba ng bawat isa dahil ipinanganak tayo na sadyang hindi magkakapare-pareho. Mula sa ulo hanggang paa ay magkakaiba ang hugis, kulay at tindig natin. May mataba at payat, maganda at pangit, maitim at maputi. Magkakaiba din tayo ng estilo ng pamumuhay. Mayroon tayong kanya-kanyang paniniwala maging sa relihiyon at mga kaugalian na namana pa natin sa mga matatanda. Ang ugali natin ay magkaka-iba rin at maging ang mga pananawa natin sa buhay. May kanya-kanya tayong pangarap para sa ating pamilya. Bilang isang Pilipino tayo ay mayroong sariling wika at mga diyalekto. Bagamat gumagamit tayo ng wikang Ingles ay mas komportable pa din na gamitin ang ating sariling wika. May sarili tayong mga batas, gobyerno, kultura, tradisyon at mga kaugalian na naiiba din sa ibang bansa. Bilang isang magulang mayroon tayong kanya-kanyang pamamaraan sa pagdidisiplina sa ating mga anak. Magkakaiba tayo ng pamamaraan na ginagamit at pinapakita upang maturuan natin sila na magkaroon ng pagmamahal at respeto sa bansa, sa sarili at sa kanilang kapwa. Bilang isang indibidwal ay mayroon tayong magkakaibang pangarap, pananaw, paniniwala at paninindigan. Magkakaiba ang ating mga ayaw at gusto sa isang bagay, tao, lugar at mga pangyayari. May sarili tayong pamamaraan kung paano natin maipapakilala, maipagtatanggol at maipagmamalaki at ating mga sarili. Madalas man akong makaranas ng pagkukumpara ng ibang tao ay tila nagiging normal na lamang ito dahil nasasanay na ako. Ngunit may mga pagkakataon na di ko matanggap dahil alam kong may kanya-kanya tayong pamamaraan lalo na bilang nanay. May sarili akong pamamaraan kung paano ko aalagaan at didisiplinahin ang mga anak ko. Minsan ayoko talagang naikukumpara ang ginagawa ko sa ibang nanay. Lalo na at alam naman nating lahat na hindi tayo perpekto. Sana matuto tayong umunawa sa mga bagay at pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Huwag tayong manghamak ng ating kapwa dahil lang sa naiiba sila. Marami man ang pagkakaiba natin ay binubuklod tayo ng pagmamahal . Mahalin mo ang iyong kapwa upang hindi mo makita ang mga mali sa.

@rosienne

Kaibigan Sino at ano ang unang pumapasok sa inyong isipan kapag naririnig ang salitang kaibigan? Ano ba ang purpose nito sa buhay natin? Ang naalala ko sa tuwing naririnig ko ang salitang kaibigan ay ang mga taong nakasama ko noong ako ay bata pa hanggang sa ako ay nagdalaga. Sa sitwasyon ko noon ay hirap akong magkaroon ng kaibigan na masasandalan ngunit may bukod tanging tao na karamay ko sa tuwing ako ay labis na napipighati sa mga pangyayari sa aking buhay. Ang aking matalik na kaibigan na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Bukod sa mga ala-ala at pagsasama na nabuo namin ay siya din ang sumagip sa akin noong ako ay muntik ng malunod. Kaya labis na ako ay nagpapasalamat sa kanyang presensya ng araw na iyon. Siya rin ang kasama ko tuwing papasok ng eskwelahan. Simula kinder hanggang grade 6 ay magkaklase kami. Ngunit nung kami ay tumuntong na ng hayskul ay magkaiba na kami ng classroom. Sobrang nalungkot ako noon dahil ganun pala ang pakiramdam kapag nawalay ka sa taong lagi mong kasama. Maraming nagbago simula noon pero hindi pa din mapapantayan ang aming pinagsamahan. Magpahanggang ngayon na mayroon na kaming mga sariling buhay at landas na tinatahak ay hindi pa din namin makakalimutan ang isa't-isa. Malayo man ang agwat ng aming kinaroroonan ay pinagbubuklod pa din kami ng aming pinagsamahan. Labis akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa kabila ng maraming pangyayari at kahit marami ang nagbago alam kong andun pa din ang friendship namin. Lumipas man ang maraming taon ay nanatili pa din ang komunikasyon namin sa isa't-isa. Hindi ko man sya masandalan sa lahat ng oras ngunit alam kong nandiyan lang sya kapag kailangan ko ng makaka-usap. Wala man akong maraming kaibigan ay masaya pa rin ako dahil nakatagpo ako ng kaibigan na totoo at may malasakit. Hindi man perpekto ang aming pinagsamahan ay mas marami pa din ang bagay na kinapulutan namin ng aral at naging mas matatag kami dahil sa aming mga karanasan. Ang kaibigan ay ang taong dapat na tutulong saiyo upang maging isa kang mabuting tao hindi para sirain ang sarili mo. Hindi bisyo ang iaalok saiyo kundi mga aral at oportunidad na magpapaganda sa buhay mo at mga bagay na hindi mo ikakapahamak. Mas gugustuhin ko ang kaunting kaibigan basta totoo kaysa sa marami ngunit mga ngiting-aso naman. Kapag wala akong maka-usap o kaya madaingan ng aking mga saloobin ay aking na lamang sinusulat dito. Malaking tulong ang pagsusulat upang maipahiwatig ko ang aking nararamdaman. Bukod sa kumikita ako ng bitcoincash ay nagkakaroon pa ako ng oportunidad upang matuto sa ibang bagay sa pamamagitan ng pagbabasa ng article na matatagpuan sa site na ito. Minsan hindi lang tao ang pwede mong maging kaibigan kundi pati ang mga bagay na kahit di mo nakakausap ay nakakapagbigay ng kasiyahan sayo at nakakapulot ka ng aral.

@rosienne

Hinanakit Paano nga ba dumadating sa punto na nagkakaroon tayo ng hinanakit sa ating kapwa at mahal sa buhay? Ano ang epekto nito sa mga tao sa ating paligid at sa ating sarili mismo? Ang pagkakaroon ng hinanakit ay ang mga bagay at salitang hindi mo masabi sa ibang tao lalo na sa taong dahil ng iyong mga di masabing saloobin. Maaring ito ay magmula sa pagkakaroon ng inggit o selos o di kaya naman ay mga bagay na hindi naa-appreciate ng mga tao sa iyong paligid at ang nakikita lang ay ang iyong mga pagkakamali at pagkukulang. Sa totoo lang ang hirap kapag may hinanakit ka sa iyong kapwa. Ang bigat sa pakiramdam na parang pasan mo ang daigdig. Maari itong magdulot ng sakit sa puso kaya mas mabuti na i-open o i-kwento mo ito sa ibang tao na maaari mong pagkatiwalaan ng iyong nararamdaman. Sa ngayon mahirap makahanap ng taong makikinig saiyo at makakaunawa ng mga hinaing mo sa buhay ngunit ganunpaman mas mabuting mayroon kang mahihingahan sa oras ng iyong kalungkutan. Mas maiging may nakaka-alam ng mga nangyayari sa iyong buhay upang matulungan ka at maibsan ang sakit at hirap na iyong nararamdaman. Kapag may hinanakit ka sa iyong kapwa ay halos di ka mapakali at makapag-isip ng tama dahil sa kanya halos umiikot ang oras mo. Kung may nagawa o may nasabi man syang masama sa iyo ay hindi mo dapat ito kinikimkim. Maaari mo itong sabihin sa kanya upang hindi na maulit pa. Maganda rin kung mapag-aaralan mo ang pagpapakumbabang loob at pagpapatawad sa iyong kapwa. Mas masarap sa pakiramdam kapag wala kang kinikimkim na galit sa iyong puso at kapag kasundo mo ang mga tao sa iyong paligid. Normal na makaramdam ka ng hinanakit lalo na kung mababaw ang iyong luha. May mga taong hindi sanay mapagalitan o mapagsabihan sa kanilang mga maling nagagawa kung kayat humahantong ito sa pagkakaroon ng hinanakit. Katulad ko kahit maliit na bagay ay nahihirapan akong tanggapin kahit na minsan ay ako ang may pagkakamali. Sinusubukan kong magbago dahil masama ang may hinanakit sa kapwa. Dapat ay marunong tayong magpatawad dahil lahat naman tayo ay nagkakasala. Mahirap kapag wala kang nadadaingan ng mga hinanakit mo sa buhay dahil naiipon lang sila sa isip at puso mo pero habang tumatagal ay naghihilom na lamang ang sugat at ang sakit ay nakakalimutan ngunit ito ay nag-iiwan ng bakas. Ngunit kung may pagmamahal ka sa iyong kapwa hindi alintana ang mga bagay na kanyang nagawa upang mapatawad mo sya. Masarap mabuhay ng may katahimikan sa isip at sa puso kung kayat piliin natin magpakababa at magpatawad sa mga taong nakagagawa sa atin ng kasalanan. Mas panaigin natin ang pagmamahalan at iwasan ang mga hinanakit sa buhay.

@rosienne

My day(March 16,2022) Isa na namang araw na puno ng pagsubok at walang katapusang gawaing bahay. Ganito talaga ang buhay ng isang nanay halos walang tigil kaka-ikot sa bahay. Linis dito, linis doon. Umaga pa lang abala na sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak at buong sambahayan. Maghuhugas at magliligpit ng pinagkainan, maglalaba at magbabantay sa mga anak. Halos wala ng oras para sa sarili ngunit sa kabila ng hirap at pagod ay may ngiti at liwanag na naghihintay. Makita lang namin na masaya ang aming mga anak at walang karamdaman ay isang malaking gantimpala na ito sa aming paghihirap. Miyerkules na naman, dalawang araw na lang at retrieval na ng module at pasahan ng answer sheets. Isa ito sa malaking nagbibigay ng pressure sa akin dahil halos hindi kami makasabay ng aking mga anak. Lagi kaming nahuhuli magpasa at kung anu-anong dahilan na lang ang sinasabi ko sa guro nila. Dulot ng pandemya, modular class ang uri ng pag-aaral ngayon ng mga estudyante. Dalawa sa aking anak ay nag-aaral na. Isang grade 3 at grade 1. Mahirap kapag sabay na nagmomodule kasi may isa kang hindi matututukan. Kaalinsabay pa nito mayroon pa akong tatlong anak na maliliit na inaalagaan. Isang apat na taong gulang na lalaki, isang 1 year old baby girl at 3 months old baby boy. Time management is the key! Habang tulog ang aking sanggol ay hinahayaan ko munang manood si Donna(1 year old) upang makapagluto ako ng tanghalian at hapunan namin. Habang nagluluto ako nagsasalang naman ako ng damit sa washing machine at naghuhugas ng pinggan. Hindi ko hinahayaan na matambakan ng hugasin upang di ako mahirapan. Malaking bagay din na automatic na ang washing machine na gamit namin, hindi na kailangan bantayan at talagang total time saver. Medyo nakaka-paranoid lang minsan kasi lagi kong iniisip paano kung habang nasa kusina ako biglang maapakan si baby ng mga kuya nya habang naglalaro o naghaharutan. Nasira kasi yung crib kaya wala akong mapaglagyan sa kanya. Nagkamali ako ng desisyon na payagan na magtrabaho ang aking kapatid sa malayo. Ngunit kung mananatili lang naman kasi sya dito sa bahay ay wala akong maiaabot sa kanya dahil kapos din kami sa pera. Kaunti lang ang naiaabot ko sa kanyang halaga at ang halagang iyon ay galing dito sa read cash at noise cash earnings ko. Malaking tulong itong dalawang site na ito sa akin dahil kahit abala ako sa pag-aalaga sa aking mga anak at gawaing bahay ay kumikita ako ng bitcoincash. Sa pamamagitan ng dalawang site na ito ay marami akong naipundar na gamit at nabiling mga bagay at pagkain na gusto ko para sa aking sarili at mga anak. Hindi lang ako abala sa gawaing bahay abala din ako kung paano kumita. Nag-oonline selling din ako ng mga paninda kong ukay-ukay. Ukay-ukay ang tawag dito sa amin sa Pilipinas ng mga thrift shop o mga panindang secondhand at used clothes. Sa ngayon ay matumal pa ang aking benta at isa pa hindi ako gaanong nakakapag-post sa ibang online selling group page. Pero ganun pa man sisikapin ko na makapag-benta ng maayos para na din makapag-ipon at makakuha pa ng iba pang paninda at iba pang pagkakakitaan. Nakakapagod ang buong araw pero nakakatuwa dahil fulfilling kapag naisagawa mo lahat ng walang aberya at problema. Kahit mahirap ay nakakaya. Thanks be to God! Dahil di nya ako pinapabayaan.

@rosienne

Walang katapusang problema Minsan nagtataka ako kung bakit hindi matapos-tapos ang problema natin. Yung tipong hindi mo pa nasosolusyunan yung isang problema tapos may dumating na naman na panibago. Tila kakambal na ng buhay natin ang problema. Lahat tayo ay may problema maliban na lang sa mga bata na wala pang alam gawin sa buhay kundi maglaro, kumain at manood lamang. Ang sarap maging bata diba? Minsan gusto ko na lang maging bata para walang problema. Kapag bata ka pa kasi wala kang ibang aatupagin kundi maglaro at kumain. Parang totoo nga yung sonasabi nila na habang tumatanda ka palungkot ng palungkot ang buhay. Siguro sa sitwasyo ko oo, pero siguro hindi naman lahat. Lalo na yung may mga kaya sa buhay, wala silang masyadong inaalala at pinoproblema pagdating sa mga bayarin kasi kaya nilang bayaran. Samantalang kaming mga mahihirap halos oras oras pera ang iniisip namin. Pera pambayad sa bayarin sa tubig, kuryente, upa sa bahay at marami pang iba. Kadalasan ito din ang pinagmumulan ng away mag-asawa na nadudugtungan ng panibagong problema. Kapag nag-away kayong mag-asawa hindi lang pera ang problema nyo ngayon kundi pati relasyon nyo ay maapektuhan. Nagsimula ako mag-isip sa mga problema noong ako ay tumuntong ng hayskul. Dahil sobrang hirap kami sa buhay laging iniisip ni mama ang allowance at pamasahe ko papuntang school. Doon ako namulat sa katotohanan kung gaano kami kahirap dahil ni bente pesos ay halos hindi kami maka-utang. Ang pinag-uugatan ng problema naming ito ay si papa. Oo, si papa ang nakikita kong dahilan kung bakit naghihirap kami. Dahil imbes na ibigay nya kay mama ang sahod nya sa kanyang pinagtatrabahuhan ay mas gusto nya pa itong lustayin at ipang-inom at sigarilyo na lamang. Kung responsableng ama sya ay uunahin nya dapat kami bago ang kanyang mga bisyo. Minsan ay wala din kaming makain kaya ang ginagawa namin ay pupunta kami sa bahay ng aking lola upang manghingi ng makakain at mapunan lamang ang aming kumukulong tiyan. Ang mga problemang dumadating sa ating buhay ay halos magkakarugtong lang at minsan isa lang ang pinag-uugatan. Minsan kahit alam natin kung ano ang mali ay hindi pa rin natin maayos ang isang bagay dahil may mga balakid sa ating isipan. Ang problemang pinagmumulan ng lahat ay komplikado kayat kung minsan ay hindi natin ito agad nagagawan ng paraan. Ganun paman mahalagang matukoy ang pinagmumulan nito upang makagawa ng unang hakbang kung paano malutas paunti-unti ang mga suliranin. Isang mahalagang batayan ang pinagmumulan ng problema upang malutas ito ng hindi na magdudulot ng isa pang panibagong problema lalo na sa ibang tao. Kahit gaano pa kabigat ang iyong problema dapat ay huwag ka susuko. Lalo na kapag magulang ka, isipin mong mabuti ang iyong mga ginagawa upang hindi maapektuhan ang iyong mga anak. Maging matatag ka para sa kanila dahil ang problema ay lilipas din yan. Wala man katapusan ang problema natin ang mahalaga ay maraming bagay pa din tayong dapat ipagpasalamat katulad ng oras na ibinibigay sa atin upang makasama pa natin ang ating mga mahal sa buhay. Gawin nating inspirasyon ang ating pamilya upang tayo ay maging matatag kahit ano pa mang pagsubok ang dumating sa ating buhay. Kasing laki man ng barko ang problema isipin mo na lang na kasing lawak ng karagatan ang solusyon at lunas. Huwag mabalisa at mawalan ng pag-asa dahil hanggat bininigyan tayo ng buhay at lakas ay binibigyan din tayo ng pag-asa upang mabago natin ang isang bagay at magawan ng paraan ang ating mga problema. Huwag papatalo sa depresyon dapat mas malakas tayo sa kanila. Humingi ng tulong kung kinakailangan.

@rosienne

Bullying Ang pambubully ay isang pang-aabuso o pangmamaltrato sa isang mahinang indibidwal o walang kakayahang ipaglaban ang sarili. Ito ay nakaka-apekto sa mental, pisikal at emosyonal na damdamin ng isang taong inaabuso. Malaki rin ang epekto nito sa araw-araw na buhay ng biktima. Madalas itong mangyari sa mga kabataan at estudyante kung saan may isang grupong nagkakasundo na abusuhin ang kanilang target o biktima. Maaring gawin nila ito sa pamamagitan ng pamamahiya, pamimintas at pagbibitiw ng mga di kaaya-ayang salita. Marami na rin ang nasasaktan ng pisikal dahil sa pambubully ng ilan. Sa aking opinion ang mga taong nangbu-bully, ito yung mga taong may pinagdadaanan sa buhay or nakakaranas din ng karahasan. Siguro wala silang mapagbuntungan ng kanilang galit o hindi sila makaganti sa taong nananakit din sa kanila dahil ito'y mas malakas sa kanila kayat binubuhos nila ang kanilang galit sa iba. Pupwede ding talagang mapanakit lang silang tao, mga walang magawa sa buhay kaya ang ginagawa nalang nila ay manakit o mambully ng iba. Ang pinsan ng aking asawa ay nabully din sa kaniyang pinapasukang eskwelahan at ito'y hindi alam ng kaniyang mga magulang, napansin na lang daw ng kaniyang ina na nag-iiba na ito ng kilos nagsasalita na minsan ng mag-isa parang nawala sa kaniyang sarili. Napag alaman ng tita ng aking asawa na ito pala ay binubully sa school. Minsan nga hindi ko lubos maunawaan ang pag-iisip ng mga taong nambu-bully kung bakit nila ginagawa yun? Hindi ba nila naiisip na dahil sa ginagawa nilang pambu-bully ay nakakasira sila ng buhay ng ibang tao? Nagiging miserable ang buhay ng kanilang biktima. Minsan humahantong sa di pagpasok sa school o paglabas ng bahay, laging takot, kinakabahan, gusto lang mapag-isa or worst ay nagpapakamatay. 😪 Sa mga biktima ng bullying huwag niyo hayaan na aapihin kayo ng ibang tao matutong lumaban sa tamang paraan. Maging open sa magulang, isumbong sa mga guro at sa mga pulis kung kinakailangan. At pinakamahagala pray for them to make them good. Ipagdasal mo sila sa Dios upang magbago ang kanilang ginagawa. Malay mo balang araw maging kaibigan mo pa sila. Hindi madali magpatawad at makalimot sa mga ganitong sitwasyo ngunit mas piliin natin ang magpakumbaba dahil ang Dios ang magtataas sa atin. Huwag gumanti kung maaari dahil baka mauwi lang ito mas malalang sitwasyon.

@rosienne

One of the happiest day in my life❤ Bawat tao may kani-kaniyang pinakamasayang araw sa buhay na hinding-hindi makakalimutan, yung tipong yung saya na iyong nararamdaman ay hindi mo maipaliwanag at kung san ito nanggagaling at di mo din alam kung paano mo pa ma e-express ang saya mo. Maraming beses ko din naramdaman ang kasiyahan na yun at ang isa sa pinaka masayang araw ng aking buhay ay ng magpakasal kami ng aking asawa. Kakaibang saya at excitement ang naramdaman ko noon na parang may kumikiliti sa aking tiyan na hindi ko maintindihan, sobrang saya dahil sa wakas ay ikakasal na din kami ng panahong iyon. Isang napakahalagang parte sa buhay ng isang babae ang makasal at maramdaman ang totoo ninyong nararamdaman sa isa't--isa na maghahatid sa inyong mag-asawa sa panibagong yugto ng buhay. Nakaka-excote na nakakakaba. Sobrang saya din ang naidulot samin ng ma-isilang ko ang aking unang anak. Mahirap man ang mga pinagdaanan ko noong ipinagbubuntis ko pa lamang siya ay sobrang saya ko naman noong makita ko na siya at nahawakan. Hindi ko maipaliwanag na kasiyahan na naramdamanan ko noon. Mahirap man ang mag-alaga ng anak ay sulit na sulit naman dahil masulyapan mo lang ang kanilang ngiti at maamong mukha ay mapapawi na ang iyong lungkot at pagod. Kahit anong bigat ng problema mo basta makita mo lang ang anak mo na masaya ay gagaan na din ang pakiramdam mo. Maraming mga bagay ang nagdudulot ng kasiyahan sa isang tao,minsan maliit na bagay lang ay nakakapagpasaya na ito lalo na kung ang tao ay marunong mag-appreciate ng mga maliliit at simpleng bagay at pangyayari sa kanilang buhay. Hindi man tayo mayaman basta marunong lang tayong makuntento sa mayroon tayo ay siguradong magiging masaya ang buhay natin lalo na kung marunong tayong magpasalamat sa mga bagay at pangyayari na dumadating sa atin. Huwag na nating hangarin ang mga kung anu-anong materyal na bagay sa mundo ang mahalaga ay mga bagay na eternal na nagpapasaya sa tao katulad ng pag-aaruga at pagmamahal na hindi kayang pantayan ng kahit anong halaga.

@rosienne

Respeto sa bawat isa Ang respeto sa bawat isa ay mahalaga, kung gusto mong respetuhin ka matuto ka ring irespeto ang iba.Isang mahalagang pag-uugali na dapat nating matutuhan dahil nagsisimula ang pagrespeto sa iyong sarili mismo. Bakit nga ba mahalaga ang respeto hindi lamang sayong sarili kundi maging sa ibang tao? Ano ba ang mahalagang bagay na magagawa nito sa ating buhay? Katulad ng pagmamahal, may iba't-ibang uri ng respeto na maaari mong ibigay sa iyong sarili, sa iyong mga magulang, kaibigan, katrabaho at sa iyong kapwa. Dito sa Pilipinas naipamamalas namin ang respeto sa pamamagitan ng pagmano, pagsagot ng may po at opo at pagtawag ng ate/kuya, lolo/lola at manong/manang sa mga nakakatanda. Isang malaking tanda din ng respeto ang hindi pagsagot o pagsalangsang sa magulang at sa mga nakakatanda. Sa simpleng pagbati tyeing nakakasalubong mo ang iyong kakilala ay tanda rin ng paggalang. Pagsabi ng "excuse me kung" makikiraan, may gustong sabihin at ipaliwanag ay malaking tanda din ng paggalang. Respeto sa sarili Ang pagrespeto sa sarili ay tanda ng pagpapahalaga sa sarili at pagkakaroon ng dignidad lalo na sa kababaihan. Sa panahon ngayon marami na ang kababaihan na halos ipakita na ang kanilang mga maseselang bahagi ng katawan upang kumita lamang, dumami ang followers, subscribers at likes. Hindi nila napapansin na nawawalan na sila ng pagpapahalaga sa kanilang sarili. Maraming paraan upang dumami ang followers at kumita kayat sana huwag daanin sa pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan na umaakit sa libo-libong kalalakihan na halos lumuwa na ang mga mata. Kapag may respeto ka sa iyong sarili ay magkakaroon din ng respeto sa iyo ang ibang tao. Respeto sa asawa Isang mahalagang impluwensya sa buhay mag-asawa ang pagkakaroon ng respeto sa isa't-isa. Mahalagang sangkap ito upang magtagal ang inyong pagsasama at lumalim ang inyong relasyon at pagmamahalan. Hindi maaaring ikaw lang ang magdedesisyon para sa inyong dalawa. Bilang tanda ng respeto ay dapat alam nya ang mga desisyon mo sa inyong pamilya upang alam nya kung paano sya lulugar. Huwag ipilit ang mga bagay na alam mong ayaw nya. Respeto sa magulang Isa sa utos ng Dios ay ang paggalang at pagsunod sa ating magulang. Ang paggalang sa ating mga magulang ay isang malaking obligasyon natin bilang mga anak dahil sila ang nagpalaki at nag-alaga sa atin. Wala man tayong maiganting malaking halaga sa sakrispisyo nila ay sapat na ang igalang natin sila at sundin ang kanilang mga bilin upang hindi tayo mapahamak. Respeto sa katrabaho Kapag ikaw ay nagtatrabaho mahalaga na may respeto ka sa iyong mga ka-trabaho lalo na sa mga nakakataas sa iyo. Malaki ang posibilidad na tumagal ka sa iyong trabaho kapag marunong kang makisama at may respeto ka sa kanila. Respeto sa kapwa Maipamamalas mo ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang pag-uugali katulad ng pagtawag ng ate/kuya kahit hindi mo kakilala. Dito sa Pilipinas ay naka-ugalian na namin ang pagtawag ng ate o kuya sa mga hindi namin kakilala basta alam namin na mas matanda sila sa amin, lolo at lola naman kapag alam namin na may edad na. Magalang din kami sumagot sa pamamagitan ng pagsambit ng po at opo. Respeto sa paniniwala May kanya-kanya tayong paniniwala kaya dapat igalang natin ang mga iyon upang maiwasan ang away. Katulad halimbawa ng lamang ng parehong nanay. Kaming mga nanay ay may kanya-kanya pamamaraan upang alagaan at palakihin ang aming mga anak kaya dapat bilang isang ina ay may respeto sa kapwa mo ina upang maiwasan ang hidwaan at pagkukumpara sa mga anak. Ang pagrespeto ay naipapakita din sa pamamagitan ng paghingi mo ng tawad, ikaw man o hindi ang nagkamali dapat ay matuto kang magpakumbaba.May mga tao na hindi marunong rumespeto sa iba kaya nga minsan ay nagkakaron ng mga di magagandang pangyayari tulad ng pag-aaway, pang-aabuso etc. na nauuwi minsan sa karahasan. Bawat tao ay karapat-dapat igalang anuman ang antas o estado nila sa buhay. Ito ay pagpapakita ng magandang pag-uuugali na maaaring maging magandang halimbawa upang tularan ng mga kabataan.

@rosienne

Doing Good Works Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay likas na sa mga tao. Minsan nga kahit wala namang kakayahan sa buhay kahit sa pinakamaliit na paraan lang upang makatulong sa kapwa ay gagawin niya. Maraming mga paraan upang tayo ay makatulong at makagawa ng mabuti dahil hindi lang naman sa pagbibigay ng pera o sa pagkain maipapakita ang pagtulong sa ating kapwa. Makakita ka lang ng isang matandang may mabigat na dalahin o akayin mo lang siya sa kaniyang pagtawid ay nagpapakita na ito ng pagtulong. Magbigay ng limos sa mga taong namamalimos tulad ng pagbigay ng sobra mong pagkain damit o anumang bagay na iyong maitutulong ay huwag mong ipagkait. Gayon din ang pagbibigay natin ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at nasunugan. Kapag nakakita ka ng tao na nakahubad mapa-bata man o matanda ay iyong bihisan. Bigyan ng tubig ang mga taong nauuhaw. Pakainin ang mga nagugutom. Pagpapahiram at pagpapa-utang sa nangangailangan. Lalo na sa panahon ng pandemya marami sa ating kababayan ang nagugutom nawalan ng trabaho o ng pagkakakitaan, mas magandang tayo ay magtulungan para ang bawat isa sa atin ay makabangon at gumaan ang pakiramdam at isipan. Sobrang na-inspired nga ako sa aking napanuod na vlog, ang vlogger ay nagpapanggap na mahirap o taong grasa na gutom na gutom at siya ay nanghingi ng tubig na maiinom sa isang taong mahirap din na nagbubungkal lamang ng lupa upang makakain sa araw araw. Tubig lang ang kaniyang hiningi ngunit pagbalik nito ay tubig na may kasamang kanin at tuyo ang kaniyang dala-dala. Sobrang nakakatuwa ang mga ganitong tao dahil sa kabila ng kahirapan niya sa buhay ay hindi siya nag-alinlangan upang tumulong. Dito ko napatunayang walang pinipiling estado sa buhay ang pagtulong mahirap man o mayaman ay pwedeng tumulong sa kaniyang kapwa basta ito ay bukal sa kaniyang kalooban. Sa ating pagtulong ay huwag tayong maghintay ng anumang kapalit sa taong ginawan natin ng kabutihan dahil ang Dios ang bahalang gumanti sa atin. Dahil ang pagtulong ay hindi kailanman naghihintay ng kapalit kundi ito dapat bukal sa ating puso. Masarap sa pakiramdam na nakakatulong tayo sa ating kapwa kahit sa pinakamaliit lang na magagawa natin sobrang fullfilling. Makita mo lang na naging masaya ang taong natulungan mo kahit hindi pa sila nagsasabi ng salamat ay sobrang gaan na sa pakiramdam. Sabi nga ng isang pinuno ng isang Iglesia: "ANG PAGGAWA NG MABUTI AY HINDI MAGBUBUNGA NG MASAMA." Huwag nating kasawaan na tayo ay tumulong sa ating mga kapwa dahil ito ay gawang mabuti. Sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti ay nauudyukan natin ang ibang tao na gumawa din ng kabutihan. Kumbaga ang pagtulong natin ay nagmu-multiply dahil naniniwala ako na kahit gaano pa kasama ang panahon natin ngayon ay marami pa din ang mga taong may busilak na kalooban na patuloy na gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit.

@rosienne

Having a child with comorbidities Mahirap sa isang magulang na makita ang kaniyang anak na may sakit o may dinaramdam. Nkakataranta, hindi ka mapalagay, hindi makatulog ng maayos at hindi halos makakain. Minsan nasasabi pa natin na sana tayo nalang ang may sakit huwag na sila. Ganyan tayong mga magulang. Pero paano kung ang anak mo ay ipinanganak na may sakit na talaga(inborn)multi-congenital disorder? Sa article na ito ibabahagi ng aking pinsan ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng anak na may multi-congenital disorder. *" Nang mai-panganak ko ang aking bunso hindi ko pa agad nalaman na siya ay may sakit sa dahilang tulog ako (ceasarian)nalaman ko na lang ng sabihin sa akin ng asawa ko na siya ay naka-incubator, may tubo, naka-ventilator oxygen at naka-dextrose. Hindi ko alam ang lungkot na nararamdaman ko ng marinig ang kalagayan ng aking anak sobrang hirap sa kalooban na malaman na ganon ang kaniyang kalagayan. Hndi padin matukoy ng mga doctor ang kaniyang tunay na sakit dahil ang kaylangan nya ay isang dalubhasa o Geneticist upang malaman ang kaniyang tunay na lagay. 15 days ang lumipas bago tuluyang naging stable sa paghinga at mailabas sa incubator ang aking anak at tuluyang ma-discharge.* *Nalaman namin sa geneticist na siya pala ay may moebius at poland syndrome isang sakit na kung saan paralyze ang iyong mukha walang facial reaction, maliit din ang kaniyang kanang kamay at maliliit ang ang buto ng ribs sa kanan. Napakasakit sa kalooban ko bilang isang nanay na alam mong iningatan mo siya sa loob ng 9 na buwan, ininom ang mga vitamins na inireseta, mga prutas o pagkain upang maging healthy siya sa sinapupunan ngunit hindi pa din pala sapat. Maraming beses din akong nagtanong sa aking sarili kung ano ba ang mga maling nagawa ko alam ko hindi ako perpektong tao pero bakit sa anak ko pa? Nagtanong din ako sa Dios kung bakit naging ganito ang aking anak pero sobrang mali. Mali ang magtanong sa Dios, inisip nalang namin na may purpose siya kung bakit nya sa amin binigay si Chabel. Siguro nakikita niyang kaya namin at maa-alagaan namin siya ng mabuti.* *Ngunit aaminin kong hindi madaling magkaroon ng anak na may special needs, pangunahin na dito ay ang pinansyal niyang pangangailangan dahil 2 beses sa isang linggo siya kinakailangan i-therapy, dagdag pa dito ang iba't-ibang test na dapat gawin sa kanya at ang palagiang pag punta sa ospital sa kaniyang mga check-ups. Minsan ay sumasagi padin sa aking isipan na paano kapag lumaki at nagtanong siya kung bakit iba siya. Kaka-awaan niya ang kaniyang sarili, baka kantiyawan lang siya, kapag nag-aral paano kung ma-bully siya dahil iba siya sa mga normal na bata? Maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko ngunit kailangan naming mag-asawa na magpakatatag upang maproyektahan at maalagaan namin sya.* *Napawi lang ang aking pag-aalala ng mapayuhan ako na dapat ay ilagak natin ang ating mga kabalisahan sa Dios dahil siya ang magtuturo sa amin kung paano namin mapapalaki ang aming anak na maayos. At nasa amin din na mga magulang niya kung paano siya lalaki, na dapat hindi namin maparamdam sa kanya na nakakaawa siya kundi dapat maboost namin ang kaniyang confidence at hindi maawa sa kaniyang sarili. Mahirap sating mga magulang na makita silang may karamdaman pero isipin nating mas mahirap para sa kanila.Gawin natin ang lahat upang mapalaki sila sa kabila ng kanilang kapansanan o kaibahan."* Hindi madali sa kanilang mag-asawa ang naging sitwasyon ng kanilang anak ngunit itinuturing nila itong malaking blessing. Naniniwala sila na makakayanan nilang malagpasan ang pagsubok na ibinigay sa kanila ng Dios at naniniwala sila na kaya ibinigay sa kanila ang ganitong sitwasyon ay may tiwala ang Dios sa kanilang kakayahan bilang mga magulang. Walang perpektong magulang ngunti kaya nating gawin ang lahat para sa ating mga anak upang maprotektahan lamang sila at masiguro ang kanilang kaligtasan. Ang mga bata o taong ipinanganak na mayroong special na kondisyon ay mas nangangailangan ng atensyon, pagmamahal at pag-aaruga upang hindi nila maramdaman na kakaiba sila.

@rosienne

Pagdisiplina sa anak Paano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa ating mga anak? Bawat magulang ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagdidisiplina sa kanilang mga anak upang maturuan ito ng tama at maging gabay sa kanilang paglaki. Ako bilang isang ina inaamin ko na mahirap talaga ang magdisiplina sa anak. Minsan hindi ko din alam ang gagawin ko upang mapasunod lamang ang aking anak. Naiiyak na lamang ako kasi napapalo ko siya minsan nasisigawan dahil gusto ko bilang isang ina na sumunod siya sa akin. Dumarating sa point na gusto ko na lang siya hayaan, hindi pansinin dahil hindi ko na alam ang disiplinang gagawin ko, which is wrong dahil anak ko siya at ako bilang magulang ang dapat pangunahing hindi susuko sa aking anak. Humingi ako ng tulong sa Dios upang ituro sa akin ang mga dapat kong gawin at mas maging mabuting ina sa aking mga anak. Ang aking ginawa ay nanghingi ako ng mga payo sa mga friend kong may mga anak din lalo na doon sa mga friend kong mommy na ka edad ng aking anak. Sa gayong paraan ay makakuha ako ng impormasyon kung anu-ano ang bagay na ginagawa nila kapag may tantrums o ayaw sumunod ng kanilang mga anak. Isa pa ay nagbabasa din ako sa smart parenting upang makakuha din ng inpormasyon. Doon nalaman ko na kapag may tantrums ang anak natin mas maigi na wag mo sya sasabayan ng init ng ulo hayaan mu lang sya, after ng tantrums nya ay pwede mo na sya kausapin sa mali niyang nagawa. Mas effective kaysa sasabayan mo siya ng palo mas magwawala o iiyak siya at lalong hindi susunod. Nakuha ko din sa aking kaibigan na huwag sila pansinin, minsan mas effective pa yun kaysa paluin sila dahil pwede nila marealize na galit ka dahil sa ginawa niyang kasalanan bandang huli magsosorry sila. Ito'y karanasan ko sa aking anak minsan ay nauubusan din ako sa kanya ng pasensya dahil hindi nasunod sa akin. Hindi nag-aattend ng online class ng maayos. Kung ano-ano ang ginagawa, naglalaro hindi sumusunod sa sinasabi ni teacher, madalas kami nagpapaluan dahil hindi siya nasunod ngunit napansin ko sa kanya na parang wala nalang sa kanya ang paluin at sigawan dahil paulit-ulit nya lang ginagawa. Ginawa ko ang payo sa akin ng aking friend at ang nabasa ko tingin ko ay naging effective sya dahil hindi na siya nagwawala tulad ng dati madali natin pagsabihan may mga times lang talaga na hindi padin nasunod pero malaki ang pagbabago. Tayong mga ina o magulang kung maaari ayaw natin napapalo ang ating mga anak,sino ba namang magulang na gusto nasasaktan ang kaniyang anak? Wala diba? Ngunit minsan kinakailangan natin itong gawin ang pagdisiplina upang lumaki sila ng maayos. Ang sabi nga sa Biblia: Huwag mong ipagkait ang saway sa bata:sapagkat kung itong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. Ang pagpalo ay tanda ng pagsaway sa maling ginawa. Ito ay tanda din ng ating pagmamahal sa ating mga anak upang lumaki sila na may disiplina at takot na gumawa ng masama. Dadalhin nila ito sa kanilang paglaki at papakinabangan nila ito habambuhay. May kanya-kanya man tayong paniniwala at paraan ng pagdidisiplina sa ating mga anak ang mahalaga ay maitama natin ang kanilang maling ginagawa. Mahalaga na magabayan natin sila habang bata pa lamang upang matandaan nila ito at dalhin nila hanggang sa kanilang pagtanda. Huwag lamang sosobra ang pagpalo na halos ikabali na ng buto ng mga bata o di kaya naman ay magkaroon ng mga pantal at sugat. Maging maingat at mapili din tayo sa mga salita na binibitawan natin dahil maari itong matandaan at gayahin ng mga anak natin o mga batang nakakarinig sa atin. Turuan natin silang maging magalang at palakihing may respeto sa kanilang kapwa, kakilala man o hindi. Mahirap magpalaki ng anak ngunit mas mahirap kapag hindi natin sila naturuan ng magandang asal bago pa sila magkasungay. Kaya habang bata pa sila agapan na natin, turuan natin sila ng mga tama at iwasan ang mga mali at masamang gawain. Higit sa lahat, ilapit natin sila sa Dios. Kapag may takot sa Dios ang isang bata/tao ay siguradong takot din syang gumawa ng masama o magkasala. Hindi man maging perpekto ang pagpapalaki natin sa kanila isang malaking gantimpala naman kapag sila ay nagabayan at naturuan ng tama.

@rosienne

Good and bad debt Sa panahon ngayon, sino nga ba sa atin ang walang utang? Minsan nga kahit mayaman na ay nagkaka-utang pa rin. Bakit nga ba tayo nangungutang? Saan nga ba natin mas magandang mailaan ang ating uutangin at ano-ano nga ba ang mabuti at masamang maidudulot sa atin ng pangungutang? May 2 uri ng utang o debt 1.)Bad debt- Ito yung uri ng pangungutang na hindi naman gagamitin sa makabuluhang bagay. Mga selebrasyon tulad ng birthday, anniversary at iba pang uri ng handaan. Mayroon akong kakilala na talagang ipinangungutang nya makapaghanda lamang sya sa kaniyang kaarawan na sa tingin ko ay mali dahil nakakahiyang isipin na may ihanda kalang ay mangungutang ka kahit hindi naman kailangan. Kinabukasan ay mamroblema lang kung saan kukunin ang pambayad sa inutang. Hindi naman masama na paghandaan natin ang ating kaarawan ngunit dapat hindi natin ito kinukuha sa utang, isang taon ang lilipas para dumating ang kaarawan mas maganda na pag-ipunan ito kung gusto ng handaan. May mga taong nangungutang para lamang ipuhunan sa pagsugal. Alam natin na walang maidudulot ang pagsusugal. Maari lang itong magdulot ng lalong pagkabaon sa utang. Mangungutang para makabili ng mga bagay na uso katulad ng damit, bag, sapatos, pagkain at mga alahas. Sa kaguatuhan ng iba na makasabay sa uso ay humahantong sila sa pangungutang masunod lamang ang kanilang gusto. Ito ang ilan sa mga bad debt, nangungutang tayo kahit hindi naman natin kinakailangan minsan dahil sa luho lang o gusto lang mabili ang isang bagay. Matutong magtiis at magtipid kapag kapos sa pera. 2.Good debt-Ito yung pagkakataon na nangungutang tayo para iinvest natin halimbawa sa negosyo. Naging karanasan din ng aking pinsan ang mangutang sa homecredit ng cash loan at cellphone ngunit ito ay ginamit niya sa pagnenegosyo bilang online seller. Nakita kong lumago ito dahil naipa-ayos nila unti-unti ang kanilang bahay, nakabili ng mga kagamitan at nagkaron din ng ipon. Nabayaran din nila ang kanilang inutang sa itinakdang panahon. Hindi masama ang pangungutang lalo kung sa tama o sa mabuti naman ito gagamitin. Ang pangungutang ng tama ay pwede pang magdulot sayo ng ginhawa sa hinaharap. Samantalang ang bad debt ay dadalhin ka lang sa buhay na puno ng problema at pwede mo pang ikapahamak. Minsan nangungutang tayo dala ng mga hindi inaasahang pagkakataon katulad halimbawa kapag nagkakaroon ng sakit ang isa sa miyembro ng pamilya. Likas ito sa mga mahihirap lalo na kapag walang ipon at pinagkakakitaan. Mangungutang para may pambili ng gamot at pambayad sa ospital. Ang pangungutang ng pera ay pagpapahiram din ng tiwala. Kapag pina-utang mo ang isang tao ay nagtitiwala ka sa kanya. May tiwala ka na magbabayad sya kaya pina-utang mo. Ngunit may mga hindi inaasahang pagkakataon na may ilan ang hindi nakakapagbayad sa napagkasunduang panahon. Dito nagkakaroon ng trust issue sa pagpapa-utang at nagiging ugat pa ng hidwaan. Kaya sa mga nangungutang sana ay marunong din kayong magbayad. Hindi biro ang kumita ng pera lalo na sa panahon natin ngayon. Matutong magpahalaga sa mga bagay na ipinagkatiwala ng mga tao sa ating paligid upang ang buhay ay magaan at tahimik.

@rosienne

Teenage Pregnancy Sa panahon ngayon pababa na ng pababa ang edad ng mga kababaihang nabubuntis. Ito ay isa sa masaklap na katotohanan, napakamurang edad pa lamang ngunit marami na sa kanila ay mayroon ng sariling anak. Ano nga ba ang kadalasang nagiging dahilan kung bakit ang isang batang babae ay nabubuntis ng maaga? Paano nga ba ito pwedeng maiwasan?Napakaraming dahilan kung bakit ito nangyayari. Narito sa baba ang mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang teenage pregnancy. Kakulangan sa kaalaman patungkol sa pakikipagtalik. Isa ito sa dahilan ng maagang pagbubuntis. Marami sa mga kabataang babae ay hindi alam na kapag sila ay nakaranas na ng menstruation ay maari na silang mabuntis kapag sila ay makipagtalik. Minsan kasi nag-eexplore ang kabataan, sinusubukan ang mga bagay bagay na hindi pa nila lubusang naiintindihan kaya kadalasan humahantong sa mas malalang problema. Walang pagpipigil sa sariling emosyon na humahantong sa kapusukan. May mga kabataan na alam nila kung ano ang magiging consequences ng kanilang ginagawa ngunit hindi sila natatakot sa magiging resulta nito. Kakulangan ng kaalaman sa birth control. Bagamat hindi sang-ayon ang karamihan sa sex education, mas magiging maayos sana ang kapakanan ng mga bata kung may sapat na kaalaman sila tungkol dito. Mapoprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa maagang pagbubuntis lalo na kapag sila ay mayroong agresibong kapareha o boyfriend. Ang mga kabataan ngayon ay sobrang dunong na sa paggamit ng cellphone at computer kung saan malaya silang nakakapunta sa iba't- ibang website na maaaring makakita ng mga bagay na hindi pa nila dapat makita katulad ng malalaswang larawan o mga videos kung saan nakaka-encourage sa kanila na gawin ang bagay na yun kahit hindi pa dapat dahil mga menor de edad pa lamang sila. Kakulangan ng atensyon ng magulang. Dahil sa lumalaganap na crisis ngayon na dulot ng pandemya ang mga magulang ay abala sa paghahanap-buhay. Hindi lang sa panahon ngayon ngunit noon pa. Hindi na nabibigyan ng atensyon ang mga kabataan dahil karamihan ay abala sa pagtatrabaho at ibang bagay. Napapabayaan ang mga anak at halos hindi na alam kung saan galing, ano ang ginagawa at ano ang nangyayari sa kanilang mga anak. Magugulat na lang sila buntis na pala ang kanilang anak. Ang isa pa sa maaaring dahilan ay ang pag-gimik o pakikipag-barkada. Kadalasan ay magkakaibigan o magkaka-partner ang nagkakayayaan na lumabas upang mag-inuman dahilan para maging mas mapusok ito at gumawa ng mga di dapat gawin. Personal na problema. Kagaya na lamang ng aking pinsan siya ay nakapag-asawa sa murang edad pa lamang. 17yrs old pa lang sya noon, dahil sa problema sa pamilya ay naghanap siya ng libangan upang makalimutan ang problema. Natuto siyang mag-cutting classes, uminom at mag-boyfried. Humantong ito sa pagbubuntis na mas lalong nag-dulot ng mabigag na problema sa kanya at kanilang pamilya. Pang-aabuso at karahasan. Marami ang napapabalita ngayon na inaabuso o ginagahasa na mga kabataan. Ang isa sa mga nakakalungkot na balita ay sa kanila pa mismong tahanan. Ang tahanan ang lugar na dapat maramdaman mo na ikaw ay ligtas ngunit sa ilan ito ay kalbaryo dahil mismong kapamilya nila at kasama sa bahay ang nang-aabuso sa kanilang pagkababae. Dahil sa maagang pagbubuntis ito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa buhay mismo ng nabuntis, nakabuntis, at sa pamilya ng dalawang sangkot sa problema. Inaasahan na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano kapag ganito ang mga kabataan natin ngayon? Kaya para maiwasan ang bagay na ito mahalaga na magabayan ng mga magulang na magabayan ang kanilang mga anak. Mahalaga ding kilalanin kung sinu-sino ang nagiging kaibigan nila, pilitin din nating maging mapalapit sa kanila ng sa gayon ay maging open sila sa lahat ng kanilang nararamdaman at problema. Mahalaga ding maituro natin na sa kabila ng murang edad pa lang ay mai-educate sila na ang pakikipagtalik ay hindi isang laro o biro lamang na kapag ikaw ay nagbuntis ay pwede ka ng umayaw. Isang pang-habambuhay na responsibilidad ang maging isang magulang. Ang mabigat pa nito kapag teenager ang nabubuntis ay naipapasa pa nila ang kanilang responsibilidad sa kanilang magulang dahil sa kakulangan nila ng kaalaman tungkol sa pagpapamilya at pag-aalaga sa sanggol habang nasa sinapupunan at hanggang sa pagsilang. Payo ko sa mga kabataan natin ngayon na makinig sa magulang. Maaring mali man ang opinyon nila sa iyong paningin ngunit may malalim silang dahilan kung bakit mahigpit sila saiyo. Isa sa hangarin naming mga magulang ay mapabuti kayo, makapag-tapos kayo ng pag-aaral at hindi nyo maranasan ang mga mapapait na karanasan na pinagdaanan namin. Kaya marami kaming ipinagbabawal dahil tanda iyon ng aming pagmamahal at pag-aalala sainyo. Hindi iyon paghihigpit. Magtapos kayo ng pag-aaral at mag-business pagdating ng araw upang maging matiwasay ang inyong pamumuhay. Ang pag-aasawa at pag-aanak ay nakakapag-hintay ngunit ang oras na lumilipas na nasasayang dahil sa mapait na nakaraan ay magdudulot ng pang-habambuhay na pinsala. Maging maingat at pag-isipang mabuti ang pahat ng gagawin.

@rosienne

Forgiveness Pagpapatawad mahirap na salita lalo sa mga taong may galit o poot na kinikimkim sa kanilang puso,salitang mahirap sabihin. Bakit nga ba minsan mahirap masabi ang salitang patawad? At kung tayo'y magpapatawad ano ang mabuting maidudulot nito sa atin at sa ating kalusugan? Isa sa dahilan kung bakit mahirap magpatawad ay dahil sa naaalala natin ang kasalanan ng taong nagkasala sa atin. Paulit-ulit itong sumasagi sa ating isipan. Hindi natin ,,,,,,, maisip na kaya nila itong gawin sa atin. Mahirap magpatawad lalo na kapag labis mong pinagkatiwalaan ang isang tao na akala mo ay kakampi mo sa lahat ng oras. Sa aking karanasan, may tao din na nagkasala sakin, inaamin ko na mahirap talaga ang magpatawad lalo na kapag naaalala ko ang mga bagay na ginawa nya sakin. Wala naman ako kasalanan sa kanya, kaya labis kong pinagtataka kung bakit nya ginawa sakin ang mga bagay na yun. Tuwing naaalala ko, kinamumunghian ko sya dahil hindi lamang isang beses sya nagkasala kundi maraming beses. Ilang taon kong kinimkim ang galit na yun minsan dumadating ako sa point na pati narin sa aking sarili ay galit ako hindi ko mapatawad ang aking sarili. Ngunit dumating sa punto na kinakailangan nating magpatawad hindi lang sa taong nagkasala sa atin kundi maging sa sarili nadin natin. Dahil sa puntong yun magiging masaya tayo at wala ng bigat na dala-dala sa ating dibdib nakakagaan ito ng kalooban. Ito ay nakakasama din sa ating kalusugan pwede tayo magka-anxiety, magkaron ng sakit sa puso depression at ibat-ibang sakit dahil sa galit na hindi natin mapakawalan. Sabi nga sa kantang "Past" To forgive is to forget. Mas masaya at magaan ang buhay kung wala tayong galit sa ating puso, given na wala kang kasalanan pero mas maganda na ikaw ang magpapatawad at magpakumbaba. Sabi sa Bible magpatawad ka sa taong nagkasala sayo kung gusto mo ding patawarin ka ng Dios sa mga kasalanan mo. Kaya kung gusto mong patawarin ka ng Dios sa mga kasalanan mo ay matututo ka ring magpatawad. Tandaan na "Nobody is Perfect." Hindi man natin makalimutan ang nagawa ng mga taong nagkasala sa atin ay maghihilom naman ang sugat na idinulot nila. Mag-iwan man ng bakas ang isang kasalanan, mamumulat naman tayo sa katotohanan at mag-iiwan ito ng aral sa ating buhay. Aral na magiging gabay sa atin upang hindi na maulit ang nakaraan. Kapag nagpapatawad tayo magiging maluwag ang ating kalooban. Masarap sa pakiramdam kapag napatawad ka at nagpatawad ka lalo na sa iyong mga mahal sa buhay. May mga oras man na hindi tayo magkakasundo ang mahalaga ay nagpapatawaran tayo sa bandang dulo. Maliban sa Dios, wala tayong ibang malalapitan kundi ang ating mga mahal sa buhay, pamilya at kaibigan.

@rosienne

Masama nga bang mainggit? May mga bagay na kahit anong pilit natin ay hindi natin kayang pigilan na ito ay maramdaman. Katulad ng inggit o selos hindi natin ito maiiwasan. Oo, masama ang mainggit sa kapwa lalo na sa mga taong malapit sa atin. Ngunit minsan dahil sa pagnanais natin na makuha ang isang bagay at atensyon na napupunta sa iba ay nakakaramdam tayo ng pagka-inggit o selos. Ito yung pakiramdam na ipinagbabawal sa bibliya ngunit nararamdaman natin itong lahat. Bakit nga ba ito ipinagbabawal? Unang-una ang utos kasi sa atin ng Dios ay magmahalan at magbigayan. Kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat makaramdam ng pagka-inggit dito. Lalong-lalo na pagdating sa mga materyal na bagay. Hindi ka dapat mainggit sa mga taong may magagandang pamumuhay, mayroong magagarang sasakyan, bahay at mga ari-arian dahil ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. At isa pa turo din sa atin ang makuntento at magpasalamat sa lahat ng bagay na mayroon tayo. Iwasan natin ang magreklamo bagkus ay maging mapagpasalamat tayo sa lahat ng pagkakataon na ipinagkakaloob sa atin ng Maykapal. Ipinagbabawal din ito dahil pinagmumulan ito ng mga masamang gawain. Kapag nainggit o nagselos ang isang tao na hindi marunong magpigil sa kanyang nararamdaman maaaring makagawa sya ng masama sa kanyang kapawa katulad ng pamamahiya, pananabotahe at pagpatay. Bagamat madalas sa movie o series ko lamang napapanood ang mga eksena ng pagpatay dahil sa inggit o selos di na rin maiwasan na mangyari ito sa totoong buhay. Maraming mga magkapit-bahay, mag-kaibigan at magkapamilya ang nag-aaway dulot ng inggit. Maiiwasan sana ito kung tayo ay mayroong pag-ibig sa isa't-isa. Sabi nga nila, kapag inggit, pikit na lang. Yung iba kasing tao halatang naiinggit dahil lagi na lang nilang pinupuna ang mga tao sa paligid nila kahit wala naman itong ginagawang masama. Kesa nga naman sa may masabi kang hindi maganda sa iyong kapwa pumikit ka na lang. Dapat alam natin ang hangganan ng ating mga nararamdaman huwag nating hayaan na umabot tayo sa sukdulan at maging ugali na natin ito habambuhay. Minsan kasi nagdudulot ng isang malaking problema ang pagkakaroon ng inggit sa kapwa. Nagiging komplikado ang inyong sitwasyon dahil sa inggit o selos sa katrabaho, kapatid o kaibigan. Mas masayang mabuhay na kasundo mo ang lahat. Magaan sa pakiramdam kapag wala kang kaaway. Tahimik ang iyong puso at isipan. Huwag kang maiinggit dahil pareho tayo may mga pinagdadaanan sa buhay. Minsan akala mo lang na maayos at masaya ang buhay ng iba ngunit di mo alam sa likod ng mga ngiti nila ay may nakakubling paghihirap at dusa na pilit din nilang tinatakpan. Yung akala mong magandang buhay na mayroon sila ay isa palang maskara lamang. Pahalagahan at pagyamanin na lang natin ang mga bagay na mayroon tayo at iwasan na natin maghangad ng mga bagay na pag-aari ng iba. Sa ganitong paraan maiiwasan natin ang pagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi dulot ng inggit at selos.

@rosienne

Why do people lie? We have different reasons why we are lying. Sometimes we don't want to lie but the situation forces us to do so. Well, it is normal for us people to lie but the thing is you need to be in control. Trust will start to vanish if lying becomes your habit. Don't forget that there's always a limitation in every situation. Don't push too hard. Sometimes it's better to keep things the way they should be. If it's going to cost you so much pain then let it be. Your wound will heal when the right time comes. So, what are the reason why most of us tell a lie? Sometimes we lie to protect someone we loved. Sometimes it is better to lie than to hurt someone's feelings. We are just trying to protect them from getting hurt and this is what we also called white lies. We lied to avoid punishment. Who would like to be punished? No one, right? So we lied to be safe. We lied to survive the world we are trying to fit in. We lie to be accepted by society. Making friends is not so easy especially when you are not so versatile. To obtain something like a reward or a prize. There are a lot of people who are willing to do anything just to get a reward especially when it comes to financial matters. We lied to hide a secret. Cheaters know how to make any excuses. They tend to lie just to make their emotions look genuine. Lies cover-up embarrassment. We lie to prevent ourselves from awkward situations and defend ourselves from others' criticism. Others lie because they find it interesting and fun. Lying is terrible but people get used to it because of their environment. But there's one thing you should be worried about when you are lying- trust issue. The trust issue is a big deal when you are caught up. So you have to be careful to avoid that circumstance or better to explain yourself before making lies. Don't lie because you just want to. Be responsible for your actions. Don't take your lies as a joke. It was crucial when it comes to a relationship. You can lie a hundred times but you can't bring back everything you've said and done. And trust is the most precious thing you can lose once you lied. Don't get too delusional, lived for what you are. Stop making a story that will only cause you trouble for a lifetime. Be honest and be true to yourself, that's the only way you can live peacefully.

@rosienne

Ang hirap maging ilaw ng tahanan Hindi madali maging isang magulang lalo na ang maging isang ina na nagsisilbing ilaw ng tahanan. Ang akala ng iba ay masarap ang buhay namin kapag kami ay nasa bahay lang. Hindi man kami kumilos ng gawaing bahay tiyak na umiikot at gumagana pa din ang utak namin kaka-isip sa mga problema katulad ng mga bayarin, mga gawaing bahay, mga paraan paano namin maturuan ang aming anak ng magandang asal at kung paano kami magiging enough sa aming kasama sa buhay. Ang gawain bahay ay walang tigil lalo na kapag marami ka ng anak. Walang tigil ang pagluto, paglaba, paghugas, paglinis at pag-alaga sa mga bata. Araw-araw yan ang mga gawain namin. Samahan pa ngayon ng module dahil sa pandemya. Dagdag pagsubok sa aming mga nanay ang modular class na dulot ng pandemya, hanggang kasi ngayon ay hindi pa pinahihintulutan ang face-to-face class sa aming lugar. At kung sakali man na maaprubahan na ito tanging ang mga estudyanteng bakunado lamang ang maaaring pumasok sa paaralan at ang mga hindi bakunado ay mananatili sa modular class learning system. Dagdag stress ito sa amin dahil hindi naman kami katulad ng mga teachers na nag-aral ng effective learning strategy para sa mga estudyante. Ngunit kapag natatapos namin ang gawain ay isang malaking katiwasayan ito sa isip at puso naming mga nanay. Isa pa sa nagbibigay ng pressure sa amin ay ang mga taong laging nakikita kung paano namin alagaan ang aming mga anak. Mahirap mag-alaga at magpalaki ng anak lalo na kung sunod-sunod ang iyong pagbubuntis. Katulad ng sitwasyon ko ngayon mayroon akong 3 months old baby at 1 year & 8 months old na tandem breastfeeding. Ang hirap dahil minsan kailangan ko ng magluto ngunit di ako maka-alis sa higaan dahil pinapadede ko pa sila. Hindi ko naman pwedeng awatin sa pagdede ang aking 1 year old na anak dahil hindi naman kayang i-sustain ng asawa ko ang pagbili ng gatas dahil may binabayaran pa sya ngayon buwan buwan na motor loan. Kailangan ko munang magtiis hanggang sa maging ok na ang lahat. Kahit minsan mabigat sa kalooban na makarinig ng hindi magandang salita ay ayos lang, parte na iyon ng buhay. Minsan nakakalungkot lang kasi may mga taong ikukumpara nila ang iyong ginagawa at sa kung paano nila pinalaki ang kanilang mga anak. Normal lang na magkakaiba tayo ng paraan sa pagpapalaki ng ating mga anak dahil magkaka-iba ang mga sitwasyon natin. Unang-una hindi tayo perpekto. Pangalawa habang tayo ay tumatanda ay nag-aaral pa din tayo at natututo sa mga bagay at pangyayari sa sanlibutan at higit sa lahat likas na sa atin ang magkamali dahil tao lang naman tayo. Sa ating pagkakamali doon tayo natututo kaya walang masama doon. Hinuhubog nito ang ating kakayahan upang malagpasan natin ang mga unos sa buhay kabilang na ang mga sasabihin ng mga taong nakapaligid sa atin. Bilang isang ina halos wala ka ng oras sa iyong sarili dahil mas inuuna mo ang iyong mga anak at gawaing bahay. Magkaroon ka man ng libreng oras ay mas pipiliin mo na lang magpahinga kesa pumunta kung saan. Kung isa lang naman ang iyong anak ay marami ka pang oras kumpara sa marami ang anak na halos hindi na magkamayaw sa mga gagawin dahil sa dami ng aalagaan. Minsan hindi tayo mauunawaan ng mga tao sa paligid natin. Akala nila ay nagdadrama lang tayo pero ang totoo kailangan natin ng tulong at hindi ng kung anu-anong mga salita at panghuhusga. Sa mga kapwa ko ina, tatagan po natin para sa ating mga anak. Huwag tayong sumuko dahil lang sa mga hindi magagandang pangyayari at tanawin sa ating paligid. Gawin na lang natin itong motivation para malagpasan natin ang mga pagsubok. At higit sa lahat tingnan natin ang ating mga anak na silang nagbibigay ng kakaibang lakas upang magpatuloy tayo sa laban ng buhay. Huwag din nating kalilimutan na mayroon tayong asawang umaasa sa atin upang mag-alaga sa kanyang maiiwan habang sya ay nasa trabaho. Sila ang gawin nating inspirasyon upang maging masaya tayo kahit madaming problema ang ating kinakaharap araw-araw.