Araw ng Pasalamat Tuwing kailan ba tayo dapat magpasalamat sa Dios? Isang beses lang ba sa isang taon? Tuwing birthday? Anniversary? Kapag tumama sa jueteng o nanalo sa sugal? Tuwing sinagot ng nililigawan? O tuwing masaya lang? Sa totoo lang kahit araw-araw tayong magpasalamat sa Dios ay walang katumbas ang lahat ng bagay na kanyang kaloob sa atin ngunit sya ay masaya kapag tayo ay nakaka-alala sa kanya. Araw-araw dapat tayong magpasalamat sa Dios sa lahat ng mga bagay na ibinibigay nya. Walang kahit sino man ang makakapantay sa mga bagay na kaya nyang gawin sa sanlibutan. Dapat tayong magpasalamat sa oras na ipinapahiram nya sa atin dito sa mundong ibabaw. Sa pagkakataon na ibinibigay nya sa atin upang makasama natin ang ating mga mahal sa buhay at upang magawa natin ang ating mga kagustuhan at mga kailangan. Magpasalamat tayo sa mga talento at kakayahan na ipinagkaloob nya sa atin upang mapakinabangan natin sa ating araw-araw na buhay. Sa mga oportunidad na ibinigay nya upang guminhawa ang ating buhay. Kaya dapat magpasalamat tayo sa kanya tuwing may pagkakataon kang sambitin ang salitang "Salamat sa Dios." Ngunit bakit may mga taong nakaka-alala lamang sa Dios kapag may kailangan at tuwing espesyal lang na araw nila. Nagsisimba lang kapag birthday o anniversary. Nagdadasal lang kapag may kailangan. Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari kadalasan. Maaari naman tayong lumapit sa Dios kahit wala tayong kailangan. Magpasalamat tayo sa kanya araw-araw sa mga bagay at tao na ibinibigay nya para maging makabuluhan ang pag-iral natin dito sa mundong ibabaw. Humingi tayo ng kapatawaran sa kanya sa ating mga pagkukulang at mga kasalanan. Humingi tayo ng pagkakataon upang baguhin natin ang ating mga sarili. Lahat ng ito ay papakinggan nya ngunit hindi nya ibibigay ang alam nyang ikakasama mo lang. Hindi lahat ng hinihingi mo ay ipagkakaloob nya dahil katulad ng ating magulang sa laman, hindi nila tayo pinagbibigyan lalo na kapag alam nila na ikakapahamak natin ito. Ganyan tayo kamahal ng Dios higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng ating mga magulang. May kanya-kanya tayong paniniwala tungkol sa Dios at mayroon ding hindi naniniwala. Gawin na lang natin kung ano ang utos ng Dios, maging mabuti tayo sa ating kapwa. Ibigin natin ang ating mga kaaway ng sa ganun ay maramdaman nila ang kabutihan kahit sila ay nakakaramdam ng pagkamunghi sa iba. Ang pang-unawa at pag-ibig ay mga bagay na ipinagkaloob sa atin upang maging isang mabuting nilalang. Isa ito sa mga dapat nating ipagpasalamat araw-araw. Sabay sabay nating bigkasin ang salitang "Thanks be to God." Hindi natin kailangan ng isang malaking handaan para magpasalamat. Ang pagpapasalamat ng bukal sa kalooban at walang halong pagpapanggap ay sapat na para tanggapin ng Dios ang ating pasasalamat sa kanya sa lahat ng bagay.
@rosienne
Joined 30 June 2020 · 268 posts
120 KT
0 KT · $2.05 received · 0 KT · $1.45 given
Posts
Mga bagay na hindi ko maiwasan kahit alam kong masama sa kalusugan May mga bagay talaga na mahirap iwasan kahit alam nating masama ang epekto nito sa ating katawan. Narito sa baba ang ilang listahan ng mga bagay na hindi ko maiwasan kahit alam kong masama ito sa aking kalusugan. 1. Pagpupuyat Bilang isang ina marami akong ginagawa sa umaga. Simula pagkagising ay abala na ako sa pag-aaalaga sa aking mga anak. Pinapakain, pinapaliguan, tinuturuan ng mga aralin sa eskwelahan at nililibang ko sila. Halos paulit-ulit lang araw-araw ang aking ginagawa bilang isang housewife. Wala akong oras matulog sa hapon dahil kailangan kong bantayan ang aking maliliit pang anak. Minsan alas dyes or alas onse na ako nakakatulog sa gabi at pagising-gising pa ako sa madaling araw dahil breastfeeding mom ako. Kailangan kong i-check ang mga anak ko kung nakakatulog ba sila ng maayos at kung puno na ang diapers nila. Halos araw-araw ay kulang ako sa tulog, alam kong masama ang pagpupuyat ngunit wala naman akong magagawa kundi gumising dahil kailangan ako ng mga bata. Alam kong masama ang laging kulang sa tulog dahil humihina ang aking immune system. Nararamdaman ko din palagi ang sakit ng aking katawan at parang pagod na pagod ako minsan.Kapag kulang sa tulog naaapektuhan din nito ang mental health ng isang tao. Halos di ako makapag-isip ng maayos dahil na rin sa stress at puyat ngunit patuloy pa din lumalaban para sa pamilya. 2. Kape Nais kong iwasan ang pagkakape lalo na at breastfeeding mom ako. Mas kailangan ko ang gatas at tubig ngunit hindi ako maka-iwas magkape. Alam kong masama sa katawan ang kape lalo na kapag sobra ang pag-inom nito bagamat nakakatulong ito upang maging active tayo pansamantala kailangan ay marunong tayong magpigil upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa ating katawan. Ang kape ay acidic kaya kapag labis ang pagkonsumo mo nito ay maaari kang magkaroon ng ulcer. 3. Softdrinks Hindi ko alam kung bakit nahuhumaling ako sa softdrinks nitong mga nakaraang araw, halos gawin ko na itong tubig sa dalas ko ng pag-inom nito. Nakaka-addict ang lasa ng softdrinks para din itong kape. Mabuti na lamang at hindi ako nagkaka-uti dahil sa labis na pagkonsumo ng inumin na ito. Malaking tulong ang pag-inom ng maraming tubig upang mailabas ang mga toxins sa katawan. Kaya ang ginagawa ko ay madalas din akong uminom ng tubig upang maiwasan ang uti at iba pang uri ng sakit na dulot ng pagkonsumo ng labis na kape at softdrinks. 4. Labis na paggamit ng cellphone Pagkagising hanggang sa pagtulog hawak ko ang aking cellphone. Oo, labis na ang paggamit ko ng gadget at nakakasama na ito sa aking paningin ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili sa labis na paggamit nito. Lumalabo na ang aking paningin dahil sa kaka-cellphone ngunit wala pa rin akong tigil. Siguro karamihan naman sa atin ganyan. Lalo na simula noong nag-lockdown wala na tayong ibang magawa kundi ang maglibang gamit ang cellphone, computer at manood ng tv. Habang may pagkakataon pa ay pinipilit ko itong baguhin at iwasan. Alam kong nasa huli ang pagsisisi kung kayat minsan nagtatalo ang aking isipan. May mga pagkakataon na gusto kong magkape o uminom ng softdrinks pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil iisa lang ang aking katawan. Mahirap kalabanin ang sarili lalo na pagdating sa paggamit ng cellphone. Kahit na anong iwas ko ay nauuwi pa din sa paghawak at paggamit nito lalo na kapag ako ay nakahiga habang nagpapadede sa aking sanggol. Gustong-gusto ko itong iwasan dahil ayaw kong tuluyang lumabo ang aking paningin. 28 years old pa lang ako ngunit ramdam ko ang pagbabago sa aking mata at katawan dulot ng mga unhealthy habits. Kaya habang hindi pa huli ang lahat pipilitin ko itong baguhin. Sana kayo din baguhin nyo ang mga dapat baguhin habang may pagkakataon pa. Hindi lang ito para sa sarili natin kundi para na rin sa mga mahal natin sa buhay.
Habaan mo ang iyong pasensya Sino ba naman sa atin ang hindi naiinis o nagagalit? Tao lang naman tayo, natural na maramdaman natin ang mga bagay na iyon ngunit kailangan ay mayroon din tayong panlaban dito. Dapat ay marunong din tayong magkontrol ng ating nararamdaman. Hindi maganda sa kalusugan ang palagiang makaramdam ng poot dahil maaarinitong magdulot ng sakit sa puso. Ayon sa isang pag-aaral sa Harvard Medical School ay natagpuang nasa 24% ang namamatay sa sakit sa puso dahil sa sobrang pagkagalit kumpara sa mga karaniwang tao na kayang mag-kontrol sa kanilang emosyon. Kaya iwasan natin na magalit upang maka-iwas tayo sa pagkakasakit sa puso at pag-aralan natin kung paano natin pakakalmahin ang ating mga sarili sa mga hindi inaasahang pagkakatao na mag-uudyok sa atin upang magalit at magtanim ng sama ng loob. Isa sa susi upang maging masaya sa buhay ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. Napatunayan ko ito mismo sa sarili ko dahil kapag maiksi lang ang pasensya mo, mabilis kang mainis o magalit kahit na simple at maliit na problema lang. Nagiging sanhi ito ng away at hindi pagkaka-unawaan lalo na kapag marami kang kasama sa bahay. Ngunit kung mahaba ang iyong pasensya makaka-iwas ka sa mga sigawan dahil mas pipiliin mo na lamang manahimik at unawain ang sitwasyon. Mas maganda ang pagsasama sa isang tahanan kapag kayo ay marunong umunawa sa isa't-isa. Isang dahilan kung bakit lumalala ang isang problema ay dahil na rin sa walang gustong magpatalo, walang gustong umunawa dahil pareho kayong walang pasensya at hindi marunong mag-kontrol ng emosyon. Maraming positibong epekto ang maidudulot sa buhay ng isang tao kapag mahaba ang pasensya. Isa na rito ang pagkakaroon ng peace of mind. Kapag mahaba ang iyong pasensya ay madali kang magpatawad at umunawa sa mga bagay. Naayos ang isang problema sa magandang paraan at naiiwasan ang alitan. Kapag wala kang kaaway may peace of mind ka. Hindi ka mag-aalala na baka may gawin sayong masama ang iyong kaaway. Kaya habaan ang iyong pasensya upang makaiwas sa mga alitan. Kapag mahaba ang iyong pasensya ibig sabihin lang nito ay may mabuti kang kalooban. Alam mo kung paano mo kokontrolin ang iyong nararamdaman upang hindi na lumala ang isang sitwasyon. Sa isang pagsasama at relasyon kailangan din na marunong umunawa o magpasensya sa bawat isa upang magtagal at tumibay ang inyong relasyon. Isa sa mga dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan at mag-asawa ay ang kawalan ng pasensya at pang-unawa sa isa't-isa. Walang gustong magpatalo at magpakumbaba. Ang tendency kapag walang pasensya ang isang tao ay laging masasangkot ito sa away kahit saan magpunta at kahit sino ang makasama. Kaya habaan ang iyong pasensya kahit saan ka magpunta upang makasundo mo ang mga tao sa iyong paligid. Mas magandang mamuhay ng may katahimikan at maraming nagmamahal sa iyo kaysa sa maraming galit sa iyo dahil sa ugali mo.
The purpose of having kids Did you ever wonder why you had a child? Having a child is not only because you want or you need to or it's just happened for no reason but it has something to do with your whole life. It has a purpose. Sometimes spending time alone on earth can make you feel anxious. It is more comfortable when you have someone to rely on. But you have the freedom to choose whether you will have it or not. Having kids is a lifetime duty and there is no way to escape from this matter unless you are inhuman. You should know the consequences of your actions before doing them to avoid a mishap. When you decide to be in a relationship try not to commit those things that will cause an unexpected incident like getting pregnant. Because when you get pregnant you will only have two options; sacrifice everything you have for your child or let your child sacrifice to save everything you have. I can't blame those people that choose not to give birth but they have to face the consequences of what they did because destroying the baby is immoral. The main purpose of having a child is to complete a family. Husband and wife should get pregnant to complete and build a strong relationship. The purpose of marriage is to bring unity and happiness but without having a child most of the couples ended up in separate ways. You can't call it a family if it's only a husband and wife. You can just call them a couple or partners. But before anything else ensure that you are emotionally, physically, mentally, and financially prepared to avoid difficulties. When the baby arrives at an unexpected time be responsible and stand your ground. To give and receive unconditional love. Being in love with your significant others can make your world turns upside down but being loved by your children is the most precious feeling on earth you can have. The feeling of giving all your best to them is exceptional. Yes, it's a roller coaster of emotions but the love you can find in your children is worth more than thousands of diamonds. Raising kids was never been easy but once you did it right, it was satisfying. As a mom, my purpose for having kids was to raise them well. They should fear God and follow our God commandments. Not all kids can grow well behave but as a parent, I believe, we are also responsible for their actions. While they were young we should teach them well. If they can't control their emotions supervised them and hush them with our warm hearts and hands. Our responsibility as a parent is to give them an adequate education, a happy family, freedom, security, and comfortable life. A strong foundation in a family is a must. We should know how to let them choose what they want and we should also have the authority to restrict their behavior. Raise your kids properly not because they will give you a better life in the future but it was your responsibility. Kids are the main Ingredients to complete a happy family. Kids will spice up our life. They might be the reason why we are struggling right now but believe me when the right time comes all the hardships will be replaced with rewards. Well, I am not expecting anything in return from them but I will be forever grateful if they will. `All the statements above are just my opinions. Feel free to leave a comment below.`
Feb.14: Araw ng pighati Ang inyong mababasa ngayon ay hango sa totoong pangyayari na inilathala ng aking kamag-anak. Ito ay isa sa mapait na ala-ala na hindi nya makakalimutan. *" Hayaang niyo po akong maibahagi sainyo ang aking malungkot na karanasan sa pagkawala ng aking ina at makapag bigay aral na din sa mas nakakaraming mga anak sa kanilang magulang o Ina.* *Araw ng mga puso sa kanila o sa karamihan ito yung araw na maraming nananabik, nagde-date, nagbibigayan ng flowers, chocolate o teddy bear, pero ang Feb.14 samin ay araw ng sakit, pinaka masakit na araw hinagpis at kalungkutan.* *Pinaka ayokong buwan at petsa ang araw na ito dahil ito yung araw na biglang kinuha sa amin ang aming nanay😪* *Naalaala ko lang bago ako tawagan ng step father ko na sinugod daw ang aking ina sa ospital Feb.14@3:00am* *Nanaginip ako nasa isang kwarto ako na madaming nakahigang tao, na para bang may sakit,pero yung kwarto napakadumi naglalakad ako sa gitna may hinahanap hanggang sa nagising ako ng mag ring ang telepono at nasabi sakin ang masamang balita. Ang nanay namin sinugod sa ospital, comatose ang nanay ng madatnan namin maraming ginawang test sa kanya hanggang sa sinabihan kami ng doctor kinagabihan na kailangan tubuhan ang nanay. Sobrang hirap sa pakiramdam na makita ko siyang tinutubuhan kasi kahit na comatose sya nakita ko kung paano nag-cross ang mga paa nya.* *Mag 11 pm ng tawagin kami, pina-pump na pala ang aming ina una ay narevive pa sya pero sa pangatlong pagkakataon ay bumigay na. Feb.14 11:00 pm bukod tangi ako lang nakakaya na makita si nanay ko na pina pump akala ko sa t.v lang yun nangyayari pero hindi pala. Kapag mahal mo pala sa buhay di ka matatakot yakapin ang isang patay na. Sobrang lungkot sobrang hirap ang biglaang pagkawala sobrang lakas pa niya ng magkita kami bago siya madala kinabukasan sa ospital.* *Nang mailibing ang nanay doon ko naalala yung panaginip ko before ko malaman ang nakakalungkot na balita.Sa E.R kasi sya namatay.* *Yung kwarto pala na maraming tao na nakahiga maruming kwarto, sa wari ko yun yung E.R noong araw kasi noon madami ang pasyente sa e.r ang dumi din crowded din kasi.* *Dito ko nasabi na ang Dios na makapangyarihan sa lahat talaga ang may hawak ng buhay ng isang tao,kanina o kahapon lang sobrang lakas nya pa ni wala nga siyang sakit pero bigla bigla nalang siya naputukan ng ugat na naging sanhi ng biglaan nyang pagkawala.* *Nanay sobrang miss na kita kung pwede lang maibalik ang oras na kasama kita bago ka nawala gagawin ko,4th year anniversary na niya ang bilis ng panahon parang kahapon lang. Ito talaga yung araw na pinaka mabigat na nangyari sa aking buhay ang mawala ang taong nagpalaki, nagmahal sa aming magkakapatid.* *Ang hirap mawalan ng nanay na laging nandiyan naka-alalay sayo lalo na kapag nadadapa ka. Kaya yung may mga nanay pa dyan mas ipakita nyo sa kanila na pinapahalagahan nyo sila minamahal, yakapin habang mayayakap nyo pa sila dahil laging nasa huli ang pagsisisi. Sobrang laki ng naging sakripisyo ng ating mga ina sa atin simula ng tayo'y isilang. Walang sinuman ang pwedeng pumalit sa pagmamahal ng isang ina.* *Mahal na mahal kita nanay."* Mahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung nanay mo pa dahil walang kayang pumantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sa totoo lang ngayong buwan din ang anibersaryo ng pagkamatay ng aking kapatid na babae. Noong una sobrang hirap sa pakiramdam dahil sobrang bata nya pa para mawala dito sa mundong ibabaw. Halos hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko noon. Hindi ko lubusang maisip na mangyayari iyon sa amin. Hanggang sa lumipas na lang ang mga araw, buwan at taon na unti-unti na naming natanggap ang pangyayari. Kaya habang nandiyan pa sila sa tabi natin iparamdam natin kung gaano sila kahalaga.
Isang malungkot na balita Isang malungkot na pangyayari ang naganap kahapon ng umaga. Pasado alas sais ng umaga ay nagising ako sa sigaw ng aking biyenang babae. Ginising nya ang aking asawa at sabay sabi ng "Si Daddy sumusuka ng dugo!". Bigla akong naalimpungatan pagkarinig ko ng linyang iyon. Tumayo ako sa higaan upang makita ang kalagayan ng aking biyenang lalaki na noon ay sumusuka ng dugo sa banyo. Pagkalabas nya ng banyo habang sya ay akay-akay ng kanyang mga anak ay bakas sa kanyang mukha ang pamumutla at pangamba. Pagka-upo sa silya sya ay humiling sa Dios na bigyan pa sya ng buhay at lakas para sa kaniyang mga apo(aking mga anak). Sa ganitong mga pangyayari mas piliin natin ang magtiwala sa magagawa ng Dios na hindi kayang gawin ng tao. Nangangamba kaming lahat dahil biglaan ang mga pangyayari. Wala naman syang iniindang sakit noong mga nakaraang araw. Hindi naman sya nilagnat at inubo. Kaya labis na pinagtataka namin ang pagsusuka niya ng dugo na ngayon ay nangangailangan ng agarang lunas at atensyon. Nakakalungkot lang dahil sa lumalaganap na sakit na covid-19 ay mahigpit ang ibang ospital. Ang unang napuntahan nilang ospital ay kailangan munang i-swab test ang pasyente bago i-admit. Ngunit ang resulta ng test ay 3 days pa bago malalaman. Gusto nilang i-confined ang aking biyenan as covid-patient kahit wala pang resulta pero hindi kami pumayag dahil alam namin na hindi covid-19 ang sakit ni Daddy at ito ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Napag-desisyunan namin na ilipat sya ng ibang ospital dahil kapag pumayag kami na i-admit sya ng araw na iyon ay sya lang mag-isa sa kwarto at ang bantay ay labas lamang ng ospital maaring pumwesto. Paano kapag may kailangan ang pasyente? Iba pa din kapag sarili mong kamag-anak o pamilya mo ang mag-aasikaso saiyo. Hindi naman namin matitiyak kung maaalagaan sya ng mabuti ng titingin sa kanya na nurse. Bago pa sya nailipat ay naghintay pa sila ng pitong oras bago mailabas si Daddy sa ospital na iyon. Mabuti na lamang at ang kaibigan ni Mommy ay nag-suggest ng ospital kung saan na-admit ang kanyang kamag-anak. Maganda daw ang serbisyo doon kaya doon sila nagtungo. At tama nga ang kanyang sinabi pagkadating doon ay nagpa-antigen test muna sila upang matiyak na wala silang covid-19. Salamat naman sa Dios at pareho negative ang resulta. Maayos nga daw talaga ang serbisyo doon kaya malaking pasasalamat namin dahil nabawasan na ang aming pag-aalala. Yun nga lang bawal muna daw kumain si Daddy pero naka-dextrose na sya kahit papano maiiwasan na madehydrate sya at tuluyang manghina. Maghihintay na lamang ng go signal ng Doctor para sa mga test na dapat gawin sa kanya upang malaman ang totoong dahilan ng kanyang pagsuka ng dugo. Sa ngayon wala kaming ibang pinanghahawakan kundi ang patuloy na umasa sa magagawa ng Dios upang tuluyan na syang gumaling at manumbalik ang kanyang lakas.
Araw ng mga puso Ano ang unang pumapasok sa isip nyo kapag sumasapit na ang araw ng mga puso? Ang Valentines day ba ay para lamang sa mga magkasintahan? Ano sa tingin ninyo? Ayon sa aking nabasang artikulo ang Araw ng mga puso ay pagdiriwang ng kapistahan ni San Balentino. Si San Balentino ay isang pari at naging Santo eksakto sa araw ng mga puso. Galing ang araw ng mga puso sa paganong pagdiriwang na Lupercalia kung saan nagsasayawan at nag-iinuman ang mga tao. Sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak, kard at donasyon ay ipinapahiwatig nila ang kanilang pagmamahal sa kasintahan, kaibigan at kapamilya. Sa madaling salita ang araw ng mga puso ay para sa lahat, hindi lang para sa magkasintahan. Ngunit bilang isang kristiyano kami ay hindi nagdiriwang ng araw na ito. Isa itong oportunidad para maipakita mo ang iyong pagmamahal sa isang tao upang maramdaman nya na sya ay espesyal ngunit maari mo itong iparamdam araw-araw hindi lang tuwing araw ng mga puso. Huwag ka ng maghintay ng mga espesyal na araw upang maipadama mo ang iyong pagmamahal sa mga tao dahil pwede mo itong gawin araw-araw. Gawin mo hanggat pwede pa at kaya mo pang gawin dahil baka magsisi ka kapag wala ng pagkakataon para masabi mo ang iyong nararamdaman. Marami na naman akong nakikitang nagbebenta online ng mga chocolate at bulaklak, ito ay tanda na malapit na nga ang Valentine's Day! Naalala ko noong highschool, tuwing araw ng mga puso ay gumagawa kami ng Valentine's card bilang project namin sa subject na Arts. Pagandahan ng mga puso at cards upang makakuha ng mataas na marka. Noong nagtatrabaho na ako ay nakakatanggap din ako ng mga bulaklak, teddy bear, chocolate at mga cards. Magaan sa pakiramdam na nakakatanggap ka ng mga ganitong bagay dahil nararamdaman mong espesyal ka. Ang araw ng mga puso ay eksaktong araw din kung kailan ipinanganak ang kapatid ko kung kayat kami ay nagdiriwang ng kanyang birthday at hindi ng Valentine's day. Sa ngayon ay hanggang kumustahan na lang muna kami via messenger/video call dahil sa pandemic at malayo kami sa isa't-isa. Sa mga nagdiriwang tuwing Valentine's Day, sana ay maayos nyong maganap ang inyong mga paghahandang sorpresa para sa inyong mga mahal sa buhay. Walang masama kung ipagdiwang ninyo ito ng bongga basta kaya ng bulsa. Ito ay tanda ng pagmamahal sa iyong kapareha, kaibigan at kapamilya. Advance Happy Valentine's Day sa inyong lahat!
Addiction Ano nga ba ang addiction? Sa anu-anong bagay tayo pwede malulong? Ano ang posibleng maging dulot nito sa ating pagkatao at kalusugan? May mabuti bang maidudulot ito sa ating buhay? Ang addiction ay isang kondisyon kung saan nahuhumaling o nahihilig ka sa mga gawain o isang bagay. Maraming bagay kung saan pwede kang ma-addict tulad ng mga sumusunod: **Sigarilyo**- Ang sigarilyo ay isa sa mga uri na kinahuhumalingan ng nakararami lalo na ng mga kalalakihan. Mayroong tinatawag na chain smoker na kung saan ay walang patid ang paninigarilyo nito at madalas nakaka-ubos ng dalawa hanggang tatlong pakete ng sigarilyo sa isang araw. Masama ito sa kalusugan ng naninigarilyo pati ng mga taong nakakalanghap ng usok o yung tinatawag na second hand smoker. Maaring magdulot ito ng sakit sa baga, pag-ubo at hika lalo na sa mga bata at sanggol pa lamang. **Pag-inom ng alak**- Bukod sa sigarilyo, ang pag-inom ng alak ang isa sa mga bisyo na kinahuhumalingan lalo na ng mga kabataan ngayon. Walang mabuting naidudulot ito sa buhay ng isang tao ngunit katwiran ng ibang manginginom nakakalimutan nila ang kanilang problema kapag sila ay naglalasing. **Pagsusugal**- Merong mga tao na nagsasabi na kaya sila nagsusugal ay pampalipas oras lamang o para malibang pero hindi nila namamalayan ay naa-addict na pala sila dito. Madalas kahit di na kumain basta makapag-sugal lang or kahit maubos na ang pera ay wala silang paki-alam basta ang nasa isip nila ay makapaglaro o makapagsugal lamang. Kadalasan dahil sa pagkalulong sa sugal ay nagagawa nilang mangutang, mag-sangla o magbenta ng mga gamit o ari-arian para lang makapagsugal. Maraming uri ng sugal katulad ng sabong, casino, bingo, sugal gamit ang baraha at marami pang iba. **Video** **games-** Hindi naman masama ang paglalaro ng video games kung minsan o sandali lang. Ang kaso habang tumatagal hahanap-hanapin mo ang paglalaro dahil ang laro ay aakitin ka at hihikayatin ka na maipanalo mo ang laban at para manalo ka o makabawi ka sa kalaban maglalaro ka ng ilang oras hanggang sa di mo namamalayan ay nalululong kana pala rito. Mayroon akong nakita sa balita na dahil maghapon na sya sa computer shop, pinuntahan at tinawag sya ng kanyang ina upang kumain pero imbes na sumunod sa kanyang magulang ay nagawa nya pa itong saktan at sya pa ang nagalit ng dahil ayaw nyang ma-abala sa kanyang nilalaro. Mayroon ding mga mag-asawa ang nag-aaway dahil dito. Ang Dota, Cabal, at mobile legends ay ilan sa mga laro na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon. **Droga**- Marami ang nalululong sa ipinagbabawal na gamot kahit alam nila ang epekto nito sa kanilang pag-iisip at katawan. Alam naman nating lahat na ito ay nakakasama at nakakasira sa katawan ng gumagamit nito. Marami na ang sinirang buhay, relasyon at pamilya ang ilegal na droga ngunit marami pa rin ang patuloy na gumagamit nito. **Sex**- Hindi masama kung ang iyong pakikipagsiping ay sa isang tao lamang o sa iyong kasintahan o asawa lang. May mga taong nagmamalabis sa ngalan ng sex. Marami ang nagagawang magtaksil sa kanilang mga kapareha dahil lamang sa pagkalulong sa sex o sa ibang lalaki at babae. Pagbili ng mga bagay na kahit hindi naman kailangan. Minsan nagiging habit natin ang bumili ng mga bagay na hindi naman natin kailangan at gagamitin. Pagkabili itatago lang at gagawin na parang collections na kalaunan ay nalululong na pala tayo ng hindi natin namamalayan. Pag-alaga ng napakaraming hayop katulad ng aso at pusa. Sa aking palagay ay ayos lang kung isa, dalawa o tatlong hayop lang ang aalagaan natin pero kung ito ay aabot na ng sampu at higit pa ay addiction na ito. May napanood akong isang video ng matanda na maraming alagang pusa. Anak na daw ang turing nya sa mga ito. Kasama nya ang mga ito na kumain at matulog sa kanyang higaan. Maraming mga bagay ang kinahuhumalingan ng isang tao na nagdudulot ng mga bagay na ikakasama nila o ikakasira ng katawan. Minsan nagdudulot pa ito upang madala sa piitan o pagkasira ng kanilang pamilya. Lagi natin tandaan na ang lahat ng sobra ay nakakasama. Limitahan natin ang ating mga sarili sa mga bagay na alam nating magdadala sa atin sa kapahamakan. Nasa huli ang pagsisisi kaya dapat mas maagap tayo upang maka-iwas sa mga negatibong pangyayari. Hindi lang buhay natin ang masisira dahil pati ang iyong mga mahal sa buhay ay magiging mesirable kapag ikaw ay napahamak dahil sa iyong bisyo. Para sa ibang miyembro ng pamilya maging mapagmatyag ka sa iyong mga kasama. Maaaring magbago ang isip ng isang tao kapag sya ay naimpluwendyahan mo ng magandang asal. At para sa mga magulang bantayan maigi ang inyong mga anak upang maiwasan ang mga ito sa pagkalulong sa mga bisyo katulad ng sigarilyo, pag-inom at illegal na droga. Palakihin natin silang malapit sa Dios upang sa tamang daan sila mapunta.
Mga katangian ng isang mabuting asawa *Ano nga ba ang mga katangian ng isang mabuting asawa?* Ang pag-aasawa ay isa sa pinakamahirap na desisyon sa buhay pag-ibig. Hindi mo alam kung sino ang nakatadhana para saiyo pero ikaw ang magdedesisyon kapag dumating ang panahong makatagpo ka ng iyong mamahalin at makakasama habambuhay. Napakapalad mo kung ang mapupunta saiyo ay isang mabuting asawa. Alam mo ba na ang mabait na asawa ay galing sa Dios? Kawikaan 19:14 "Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon." Ang swerte mo kung ang iyong napangasawa ay may mabuting kalooban. Ngayon isa-isahin natin ang mga katangian ng isang mabuting asawa. 1) Responsable Kapag sinabing responsable ay alam nya ang mga obligasyon bilang asawa at haligi at ilaw ng tahanan. Inuuna ang iyong pangangailangan at ng inyong pamilya kaysa sa kanyang sariling pangangailangan at kagustuhan. Umiiwas sa mga bagay na alam nyang ikakasira ng inyong relasyon. Alam ang limitasyon sa lahat ng bagay. 2) May paninindigan Dapat ay mayroon isang salita, marunong manindigan at tapat sa kanyang pangako. Handa kang ipaglaban kahit kanino man. Paninindigan ang inyong pagmamahalan at tutuparin ang mga pangako at mga salitang binitawan. Kaya kang ipaglaban sa mga taong umaapi sa iyo kahit sa sarili nya pang pamilya at mga kamag-anak. Hindi dapat laging naka-asa sa mga tao sa paligid lalo na sa magulang at mga kapatid. 3) Mapagbigay at maunawain Sa isang pagsasama napakahalaga ng bagay na ito. Ang pagiging mapagbigay ay magbubunga ng isang magandang pagsasama at tahimik na buhay mag-asawa. Mapagbigay hindi lang sa materyal na bagay at pera kundi pati na rin sa mga desisyon sa buhay. Hinahayaan ka na magkaroon ng papel sa buhay nya at inuunawa ang mga pagkukulang mo. Nauunawaan na hindi sa lahat ng oras ay magiging tama at perpekto ka. Mas pinipili nyang unawain at pagbigyan ka para matapos na agad ang mga bagay na hindi dapat pinag-aawayan. 4) Mapagmahal at Malambing Syempre hindi dapat mawala ang bagay na ito. Napakahalagang papel ang ginagampanan ng pagmamahal at paglalambing sa pag-aasawa. Hindi mo masasabing mahal mo ang iyong asawa kung hindi mo man lang ito kayang hagkan at yakapin. Naglalambing dahil mahal ka hindi dahil may kailangan lang saiyo. 5) Tapat Isa sa katangian ng isang mabuting asawa ay kung sya ay tapat sa iyo at walang tinatagong sikreto. Sinasabi nya ang mga bagay at pangyayari sa magandang pamamaraan upang hindi ito magdulot ng ibang kahulugan sa iyo. Sa panahon ngayon mahirap ng makatagpo ng ganitong tao kaya napakapalad mo kung ang iyong asawa ay tapat at walang tinatagong sikreto. 6) Maalalahanin Ang pagiging maalalahanin ay senyales na mahal na mahal ka ng iyong asawa. Hindi sya mapakali hanggat hindi nya nasisiguro na maayos at komportable ka. Nag-aalala sya kapag hindi ka nakaka-uwi ayon sa iyong itinakdang oras lalo na kapag inabot ka ng gabi sa daan. Lagi ka nyang paaalalahanan na mag-ingat lagi kahit san ka man magpunta. 7) May takot sa Dios Napakahalagaa ng salik na ito sa pagsasama. Ang asawang may takot sa Panginoon ay hindi ka dadalhin sa masama. At dahil may takot sya sa Dios sya ay magiging responsableng asawa at haligi ng tahanan. Bihira na lang sa tao ngayon ang may takot sa Dios. Halos karamihan sa tao ngayon ay hindi na takot gumawa ng kasalanan dahil hindi sila naniniwala na may Dios. 8) Walang bisyo Karamihan sa mga tao ngayon ay may bisyo ngunit mayroon naman na kahit may bisyo ay alam pa rin ang kanyang obligasyon bilang asawa. Marami akong kakilala na napapabayaan ang kanilang pamilya dahil nalulong sila sa masamang bisyo. Nambababae, naninigarilyo, naglalasing, nagsasabong, nagsusugal at marami pang iba na nagiging dahilan para mawasak ang isang pamilya at masira ang isang relasyon. Isang katangian ng mabuting asawa kapag sya ay walang bisyo lalo na kung ikaw ay babae. Hindi lang kasi relasyon ang sinisira nito kundi pati na rin ang kalusugan ng mismong gumagawa ng bisyo. Masama sa katawan ang labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak pati na rin ang pambababae dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit tulad ng AIDS lalo na kung ang babaeng iyong nakasiping ay bayaran at marami ang karelasyon. Maging tapat na lamang sa iyong asawa upang maka-iwas sa mga gablnitong sitwasyon. 9) May plano sa buhay Ang pagkakaroon ng plano sa buhay ay napakahalaga upang mapag-yaman ninyo ang mga bagay na inyong nasimulan bilang mag-asawa. Hindi pwedeng wala kayong plano para sa isa't-isa. Katulad halimbawa ng pagpapakasal, mahalaga ito upang maiparamdam mo sa iyong asawa na tapat ka sa kanya lalo na kung ang pag-uusapan ay ang legal na pagsasama. Ang pagpaplano ay mahalaga upang magkaroon kayo ng maayos na pagsasama lalo na kapag kayo ay nagkaroon na ng mga anak. Kapag mayroong plano ay mayroon ding direksyon ang inyong buhay. 10) Laging nakasuporta Masaya sa pakiramdam kapag ang iyong asawa ay laging nandiyan sa tabi mo para suportahan ka sa iyong mga gusto at plano sa buhay. Mahalagang maiparamdam mo sa iyong asawa na hindi sya nag-iisa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagsuporta sa kanyang mga ginagawa at mga nais pang gawin. Marami ngayon ang nakakaranas ng pang-aabuso galing sa kanilang asawa mapa-pisikal man, mental at emosyonal kaya napaka-swerte mo kung ang iyong napangasawa ay mabuting tao. Hindi man lahat ng katangian na nabanggit ko ay nasa kanya pero kung taglay nya ang ilan sa mga ito ay yun ang mahalaga. Tingan natin ang mga magaganda at mabubuting nagagawa ng ating asawa dahil alam natin na hindi tayo perpekto. Magkakamali at magkakasala tayo pero ang mahalaga ay dapat marunong tayong magpatawad at umunawa. Ang mga katangian na nabanggit ko sa itaas ay ilan lamang sa mga katangian ng isang mabuting asawa. Maaari mong ibahagi ang iba pang mga katangian na iyong nalalaman sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa ibaba.
Breastfeeding Mom be like Ang hirap maging nanay no? Imagine 9 months mong dinala sa sinapupunan mo yung baby. Dahil sa bigat ng iyong tiyan hirap kang kumilos at kailangan sobrang maingat ka lalo na kapag pupunta ka ng c.r. upang huwag kang madulas o madapa. Ang hirap din mag-labor dahil sobrang sakit lalo na kapag malapit na talagang lumabas si baby at 50/50 pa ang buhay mo. Kapag naipanganak mo na sya akala mo nakaraos ka na pero simula pa lang yun ng pagiging nanay mo dahil ang totoo madami ka pang pagdadaanan araw-araw. Sa unang buwan diyan mo mararanasan na halos wala kang tulog dahil gising si baby sa gabi at kailangan mong palitan sya ng diaper dahil madalas syang dumumi. Kapag pinili mong magpasuso(breastfeeding) dapat ay handa ka sa puyatan. Kailangan mong kumain ng madami, bawal muna ang diet para maka-produce ka ng maraming gatas. Kailangan ninyo pareho ni baby ng sapat na sustansya at lahat ng iyon ay manggagaling saiyo kaya dapat huwag kang magpapalipas ng gutom at kumain ka ng mga green leafy vegetables, prutas, karne at sabaw. Damihan mo rin ang pag-inom ng tubig dahil makakatulong ito para mas marami kang ma-produce na gatas. Wala naman pinagbabawal na kainin or inumin sa nagpapasuso pero kailangan ay mag-ingat pa din sa mga kinakain at iniinom dahil maaaring makaapekto ito saiyo at mahirapan kang alagaan ang iyong baby. Mas mainam na umiwas din sa kape at soft drinks. Uminom na lamang ng gatas at maraming tubig na mas higit na kailangan ninyo ni baby. Walang araw na hindi ka mapupuyat kapag may pinapasuso ka lalo na kung below 6 months old pa lamang dahil wala silang ibang kinakain kundi gatas. Kapag 6 months ay maaari mo ng pakainin ng solid foods si baby kung kayat mababawasan na ang oras mo sa pagpapasuso sa kanya. Mas marami ka ng magagawang gawaing bahay at magkakaroon ka ng oras para sa iba mong anak. Sa sitwasyon ko ay sobrang nakakapagod dahil tandem breastfeeding ang newborn ko at ang 1 year and 8 months old kong baby girl. Ang hirap lalo na noong una naiisip ko na para akong hayop tulad ng aso, pusa at baboy na kapag nagpapasuso sa kanilang mga anak ay sabay-sabay. Ayaw ng baby girl ko na uminom ng gatas sa baso o feeding bottle. Ayaw nya sa lasa ng formula milk na nabibili namin, hindi naman namin afford ang mga mamahaling gatas kaya hindi namin masubukan. Kaya hinayaan ko na lamang na pareho silang i-breastfeed. Malaking tulong ang breastmilk sa kanilang dalawa lalo na sa baby girl ko dahil hindi sya sakitin. Minsan nakakainip lang magpasuso lalo na kapag may nais kang gawing gawaing bahay hindi mo talaga magagawa agad lalo na kapag hindi natutulog si baby sa umaga. Nakaka-stress pero kapag iisipin mo ang benefits na makukuha mo sa pagpapasuso dun mo marerealize na tama lang ang ginagawa mo. Dahil bukod sa nakakatipid ka na mas masustansya pa ang breastmilk kumpara sa formula milk. Halos mawawalan ka na rin ng time para sa sarili mo. Minsan di mo na magagawang magsuklay ng buhok man lang dahil uunahin mo ang iyong anak at mga gawaing bahay. Hindi kana makakapag-ayos katulad noong dalaga ka pa lalo na kapag marami ka ng anak. Kapag nagkaroon ka man ng oras ay mas pipiliin mo na lang magpahinga kaysa sa mag-ayos ng katawan o ng iyong itsura. Kailangan mo ng mahabang pang-unawa at pasensya sa lahat ng bagay lalo na kapag may anak ka na. Minsan hindi mo maiiwasang mainis o magalit dahil dala iyon ng pagbabago sa iyong katawan at pagbabago sa buhay mo lalo na kung hindi ka sanay na nasa bahay lang. Kapag nagka-baby ka na kasi expected na ikaw ang mag-aalaga at igigive-up mo ang iyong trabaho para sa iyong anak kaya mananatili ka na sa bahay hanggang sa lumaki ang iyong mga anak. Sa mga nanay na katulad ko na nasa bahay lang dahil mas pinili na makasama ang kanilang mga anak humahanga ako sa inyo. Ipagpatuloy lang natin ang ating nasimulan at huwag susuko sa laban. Kaya natin ito mga momshie. Laban lang!
Kamag-anak Ano ang una mong naiisip kapag nababanggit ang salitang kamag-anak? Kasundo mo ba ang iyong mga kamag-anak o kaaway? Alam mo ba na isa sa rason kung bakit tayo hindi umuunlad ay dahil sa ating mga kamag-anak na may mga ugaling crab mentality? Hindi ko naman nilalahat pero karamihan ay ganyan. Imbes na tulungan kang umangat ay hahatakin ka pa pababa. Base sa aking karanasan maraming mga negatibong pag-uugali ang mas nakita ko sa aking mga kamag-anak at bibihira ang nagustuhan ko sa kanila. Dahil kami ay mahirap lamang naranasan ko na kutyain kami ng sarili naming kamag-anak. Ang liit ng tingin nila sa amin dahil kami ay mahirap lamang at sila ay nakaka-angat sa buhay. Pasalamat ako sa aking ina dahil kahit mahirap lamang kami ay napalaki nya kami ng maayos at may respeto sa mga taong katulad nila. Hindi kami pumapatol sa mga humahamak sa amin. Mayroon din naman na mga inggetera, oo, mahirap lang kami pero may mga kamag-anak kaming naiinggit sa amin. Hindi na mawawala yan kahit saan ka man magpunta. Mayroon din mahilig maki-alam. Lahat ng ginagawa namin pinapaki-alaman kahit wala naman silang ambag sa buhay namin. Bihira ang kamag-anak na mayroong magandang intensyon at may mabuting kalooban. Ang iba ay nakikipag-plastikan lamang. Ang iba naman ay mayayabang na akala mo ay kaya na nilang bilhin lahat ng bagay. Mabuti pa ang ibang tao minsan mahihingan mo ng tulong samantalang sa kamag-anak mo hindi kana tutulungan makakarinig ka pa ng masasakit na salita. Malungkot isipin ang mga ito pero ito ay pawang katotohanan lamang. Kaya napaka-swerte ninyo kung mayroon kayong kamag-anak na talaga namang mababait at matulungin sa lahat ng oras. May mga pamilya kasi na nagtatalo sa mga maliit na bagay at lumalaki dahil makikitid ang utak at hindi marunong magpatawad. Ang simpleng problema na dapat pag-usapan sana ay ginawa ng dahilan upang mag-away-away na nagiging ugat ng pagkakabaha-bahagi. Kung marunong lang sana lahat ng tao magpakumbaba ay mas masaya at magaan ang buhay natin kahit ano pang problema o pagsubok ang dumating. Dapat sa pamilya ay nagtutulungan hindi naghahatakan pababa na gaya ng gawain ng iba. Sana lahat marunong magpatawad dahil lahat naman tayo ay nagkakamali at nakakagawa ng kasalanan. Bilang pamilya dapat tayo sana ang nagtutulungan upang guminhawa ang ating mga puso at isipan. Daig pa natin ang mayaman kung tayo ay may peace of mind!
Madali lang ba gumawa ng article? Noong una nag-aalangan ako subukan ang site na ito dahil hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Lagi akong may doubt sa sarili ko noon pa man. Lagi kong iniisip ang magiging reactions ng ibang tao sa ginagawa ko. Kaya hindi ako sumusubok ng mga bagay na hindi ko pinag-iisipang mabuti. Natagalan bago ko naisipan na ayusin ang ginagawa kong artikulo dito sa read.cash. Noong una kasi hindi ako nagsubok na gumawa ng Tagalog article dahil ang alam ko English lang ang pwede hanggat sa may nakita akong post dito na Tagalog Language ang gamit nya. Nahikayat ako ng isang kaibigan na subukan kong gumawa lang ng gumawa hanggang sa mapansin ako ni Random Rewarder. At hindi rin nagtagal hindi ako nabigo dahil unti-unti na akong nabibiyayaan ng bitcoincash kahit hindi ako magaling magsulat at mali pa ang grammar ko kapag English ang sulat ko. Hanggang ngayon aminado ako sa sarili ko na hindi ako confident sa mga gawa ko. Alam kong hindi ako magaling magsulat pero sinusubukan ko pa rin hanggang sa lumago na lang ang aking kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat ng madalas. Hindi rin ako magaling sa banyagang salita kung kayat mas pinipili ko na magsulat ng Tagalog. Ito ang lengguaheng kinasanayan ko at komportableng gamitin ko ito kahit anong oras. Mas naipapahiwatig ko ang aking saloobin sa pamamagitan ng lengguaheng Filipino. Bagamat mas mainam sana kung English para naiintindihan din ng mga dayuhang manunulat subalit hindi ko naman masyadong naipapaliwag ang mga bagay na gusto kong maiparating sa mambabasa. May mga pagkakataon na nakakagawa ako ng English na artikulo lalo na kapag ako ay motivated at inspired magsulat dahil sa isang pangyayari o bagay. Masaya magsulat lalo na kapag hindi ka napipilitan lang at mayroon kang pinaghuhugutan ng topic na napili mong gawin o isulat. Maari kang mag-kwento ng isang pangyayari sa iyong buhay, magbigay ng reactions sa isang bagay at magbahagi ng iyong mga karanasan at natutunan. Bukod sa makakatanggap ng reward(bch) magkakaroon ka din ng mga kakilala at kaibigan na magsisilbing gabay at inspirasyon mo sa pagsusulat. Marami kang matutunan sa kanila na diskarte at pamamaraan upang maging maayos ang iyong artikulong ginagawa. Malaking tulong ang mga kakilala na nagbibigay sayo ng motivation para ituloy mo ang iyong nasimulan dito. Hindi madali ang pagsusulat lalo na kung hindi malawak ang iyong pag-iisip. Kailangan ay mahaba din ang iyong pasensya para makagawa ng isang makabuluhang artikulo. May mga iba't-ibang dahilan tayo kung bakit natin ginagawa ang isang bagay maaaring kaya ka nagsusulat dahil gusto mong kumita, lumago ang iyong kaalaman at maging eksperto sa pagsusulat. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nagsusulat ay para maka-ipon. Kaunti pa lang ang naiipon kong bitcoincash dahil sa tuwing nauubusan ng budget ang aking asawa ay ako muna ang bumibili ng mga pangangailangan namin sa bahay. Marami na din akong naipundar na gamit dahil sa site na ito at noise.cash. Nakabili ako ng cellphone na nagkakahalagang P9,500 at ito ang gamit ko ngayon. Nakabili din ako ng cabinet, storage boxes, blender, damit ko at damit ng mga bata. Bukod pa diyan nakakapagpadala din ako ng pagkain sa aking ina at mga kapatid sa Bicol(province) sa pamamagitan ng online transactions. Sobrang pasasalamat ko sa Dios dahil natagpuan ko ang site na ito na nagbibigay ng pag-asa sa bawat katulad ko na nasa bahay lamang pero kumikita habang nag-aalaga ng mga anak. Isang malaking pasasalamat ko sa inyong lahat! Thank you so much read.cash at noise.cash! Maraming salamat din po sa mga sumusuporta sa akin dito at sa noise.cash, alam niyo na kung sino kayo.
Katamaran Ilang araw din ang lumipas na halos wala akong nagagawang gawaing bahay at pati mga extra income online ay napabayaan ko na. Hindi ko na nabubuksan ang mga paid survey site at app, maging ang mga play to earn ay nakalimutan ko na. Nakakapanghinayang isipin pero wala na akong magagawa sa mga lumipas at nasayang na oras na iyon. Susubukan ko na lamang ulit maging masipag bukas at sa mga susunod na araw. Minsan dumadating sa punto na parang wala akong gana sa lahat ng bagay. Parang wala akong motivation or inspirations man lang kaya walang kabuhay-buhay. Parang nauubusan ako ng driving forces at reason para sipagin pero nanghihinayang din naman ako afterwards kasi alam kong marami akong nasayang na opportunity para kumita at gawin ang isang bagay. Hindi ko maiwasan ang katamaran, hindi ko alam kung bakit parang pagod na pagod ako. Minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko, minsan kailangan ko pang hanapin ang mga reason kung bakit ganito or bakit ganyan ako. Kaya hindi ko masisisi ang ibang tao kung bakit hindi nila ako maintindihan kasi ganun din naman ako sa sarili ko minsan. Sa sitwasyon ko ngayon hindi pwede ang tatamad-tamad dahil may mga bata na nakaasa sa akin. May lima akong anak na inaasikaso araw-araw. Papaliguan, papakainin, tuturuan at lilibangin. Sa dami nila nakakapagod talaga maghapon. Nakaka-stress mag-isip ng mga bagay at pangyayari pero kailangan kong labanan lalo na ang kalungkutan dahil may mga anak ako. Bawal magkasakit at bawal ang tamad! May mga bata na nakaasa sa akin kaya dapat matatag ako at masipag upang magawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin para sa kanila. Ang dami din gawaing bahay na minsan hindi ko na nagagawa dahil sa katamaran. Minsan kasi may mga bagay na iniisip ko pa lang gawin pero nakakapagod na. Minsan nanonood ako upang malibang pero hindi ko namamalayan na nauubos na ang oras ko dito at hindi ko na magawa ang mga gawaing bahay. Yung paglilibang na ginagawa ko ay nauuwi na sa kapabayaan dahil pati anak ko ay hindi ko na maasikaso ng maayos. May mga araw na sobrang pilit ang mga galaw ko, may ginagawa ako pero sapilitan lang dahil kailangan. Mabilis din akong magalit o mainis ngayon, napaka-sensitive ko, lagi ko tuloy napapagalitan ang mga bata. Sana bumalik na yung dati na bukal sa kalooban ko lahat ng ginagawa ko. Mas masarap kumilos kapag gusto mo ang ginagawa mo.
Dengue: Uri, Sintomas at Pag-iwas Maraming sakit ang posibleng makuha sa kagat ng lamok kabilang na dito ang dengue na aking tatalakayin ngayon. Isa sa mga nakakabahalang sakit ang dengue lalo na sa mga bata pa lamang. Marami na ang naiulat na namatay dahil sa sakit na ito. Kapag tag-ulan ay dumarami ang kaso ng dengue sa isang lugar. Ngunit ano nga ba at saan nagmula ang sakit na ito? **Dengue-** ito ay isang viral infection na nakukuha sa kagat ng lamok. Ang carrier ng virus na ito ay tinatawag na Aedes aegypti at Aedes albopictus. Mga uri: 1) Dengue Fever 2) Dengue Hemorrhagic Fever 3)Dengue Shock Syndrome Mga sintomas: 1) Pagkakaroon ng mataas na lagnat. 2) Pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan. 3) Pamamantal sa braso at mga hita. 4) Pagsusuka at pagtatae 5) Pagkawala ng gana sa pagkain 6) Pagdurugo ng ilong at gilagid 7) Pagbaba ng platelets 8) Pananamlay o panghihina 9) Pagiging irritable Lunas: Wala pang tiyak na gamot sa dengue. Ang tanging magagawa lang natin ay gamutin ang mga sintomas nito. Paracetamol para sa lagnat. Tubig at oral rehydration solution para hindi madehydrate ang maysakit nito. Ang dengue ay parang dehydration dahil nagkakaroon ng plasma leakage o pagkabutas sa ating mga ugat na nagiging dahilan upang bumaba ang BP at platelets na maaari itong ikamatay. Kailangang bantayang mabuti ang maysakit ng dengue dahil delikado kapag sila ay nadehydrate o kaya naman ay bumaba ang platelets. Marami na din ang namatay dahil sa sakit na ito. Kung kinakailangan na dalhin sa ospital ang maysakit ay dalhin kaagad lalo na kung sanggol o bata pa lamang ito upang malagyan sila ng dextrose at maiwasan ang tuluyan nilang paghina at pananamlay. Painumin ng maraming tubig upang maibalik ang nawalang fluids sa katawan lalo na kapag nagsusuka at nagtatae ang pasyente. Mga paraan upang maka-iwas sa dengue 1) Panatilihing malinis ang kapaligiran at itapon ang mga stagnant water na maaaring pamahayan ng mga lamok. 2) Iwasan ang pagtambak ng mga gamit sa bahay na maaaring magkaroon ng stagnant water lalo na tuwing umuulan. 3) Magsuot ng damit na mahaba upang maiwasan ang kagat ng lamok 4) Gumamit ng insect repellent lotion at spray upang mabawasan ang tyansa na makagat ng lamok. 5) Panatilihin na maliwanag ang bahay dahil ang mga madidilim na lugar ay paboritong pamahayan ng mga lamok. Ang ganitong uri ng sakit ngayon ay nababaliwala na dahil sa covid-19. Naalala ko noong nagka-dengue ang kapatid kong lalaki, hindi sya na-confine dahil puno ang mga hospital beds at emergency room ng mga hospital. Hindi rin agad tinatanggap ang mga pasyente ngayon. Kailangan ay magpakita ka muna ng RT-PCR test result or swabtest result na negative upang makapasok ka sa emergency room. Nakakalungkot man isipin pero yan ang nangyayari ngayon sa mga ospital. Halos wala ng ibang balita kundi puro na lang covid-19. Hindi na napagtutuunan ng atensyon ang ibang sakit kaya dumarami din ang mga namamatay. Hindi man lang mabigyan ng paunang lunas ang mga isinusugod sa emergency room dahil required sila na magpakita ng negative result sa covid-19 bago makapasok. Bottom line ng lahat ng pangyayari ay mag-iingat tayong lahat. Hindi natin nakikita ang mga virus sa ating paligid kaya ugaliin natin na maglinis ng katawan bago pumasok sa bahay lalo na kung tayo ay galing sa mga matataong lugar. Mahalaga rin na tayo ay nananalangin sa Dios upang gabayan nya tayo sa araw-araw na gawain.
Normal delivery at Caesarian Section May dalawang uri ng panganganak ang normal delivery at caesarian section. Magkaibang proseso ngunit parehong delikado. Sabi nga nila kapag nanganganak daw ang isang babae ay nasa hukay ang isa nyang paa. Maari kasing malagay sa bingit ng kamatayan ang isang nanganganak lalo na kapag tumaas ang blood pressure nito o ang tinatawag na preeclampsia. Kaya napakahalaga ang buwanang pagpapasuri sa doctor or obgyne upang matiyak ang kalusugan ng mag-ina at makita ang mga bagay na dapat paghandaan sa pagsapit ng kabuwanan o due date. Sa aking kalagayan at sa loob ng aking apat na pagbubuntis laking pasasalamat ko sa Dios dahil nairaos ko sila ng normal delivery. Kapag normal delivery ito ay ang panganganak sa pamamagitan ng puwerta na kung saan makakaranas ka ng pagli-labor ng ilang oras o araw hanggang sa lumabas ang iyong baby. Kapag normal delivery ay kailangan ay marunong kang umere ng maayos upang masabayan mo ang contractions kapag sinabi na ng midwife o doctor na push ay dapat sumunod ka. Kailangan mong tiisin ang sakit upang mailabas mo ng maayos ang sanggol. Masasabi kong ang panganganak ang isa sa mga naranasan kong pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay ngunit noong nasilayan ko na ang aking mga anak ay napawi ang aking hirap at sakit na nararamdaman. Parang musika ang kanilang pag-iyak. O Sabi ng karamihan mas madali daw ang manganak via Caesarean Section kasi hindi kana magli-labor. Hindi mo na mararamdaman ang sakit kasi may anesthesia ka kapag nanganak. Ang aking pinsan ay CS sya sa dalawa nyang anak. Noong sya ay magbuntis sa kanyang panganay iniisip nya na CS na lamang kasi ayaw nya daw mag-labor. Kapag nagli-labor kasi yun ang pinakamatindi mong mararamdaman na sakit dahil dahan dahan ng bumubuka ang cervix dahil malapit ng lumabas ang baby. Noong sumapit na ang kanyang due date, 40 weeks na ang kanyang tiyan noong makaramdam sya ng paghilab o labor. Hinding-hindi nya daw makakalimutan iyon dahil 10 hrs syang nag-labor. Sobrang hirap at sobrang sakit, magdamag syang nag-labor ngunit hindi bumaba ang baby kaya napagdesisyunan nila nai-CS na lamang sya. Ang buong akala nya ay madali lang ang caesarean section pero hindi daw pala. Sobrang sakit din sa tiyan at balakang pero kailangan mong tiisin ang lahat ng iyong mararamdaman upang maging maayos ang pagturok ng anesthesia dahil delikado ito kapag nagkamali. Pagkatapos nyang maturukan ay unti-unti ng namanhid ang kanyang pakiramdam. Nilagyan din sya ng dextrose at oxygen. Hindi nya nakita ang operation na ginawa sa kanya dahil may nakaharang na tela pero naririnig nya daw ang mga tunog ng kagamitan. Mas nanaisin mo daw matulog para maiwasan ang pagkanerbyos lalo na at hihiwaan ang iyong tiyan upang mailabas lamang ang iyong sanggol. Nakatulog sya habang ino-operahan at nagising na lamang sya noong nakalabas na ang baby at inilapit ito sa kanya. Nakatulog sya ulit at nagising sya na nasa recovery room na. Tumulo ang kanyang mga luha dahil naisip nya ang hirap na kanyang pinagdaanan sa panganganak. Hinanap nya agad ang asawa nya ngunit sinaway daw sya ng nurse na wag magsalita dahil papasukin sya ng hangin. Hindi sya makagalaw at walang pakiramdam ang kanyang pang-ibabang katawan. Bago tanggalin ang dextrose dapat naka-utot kana kaya kahit masakit pa ang tahi mo kailangan mong gumalaw-galaw na. Bawal din agad uminom ng tubig at kung iinom man ay dapat ay unti-unti lang. Akala ng iba madali lang kapag caesarean section pero hindi nila alam na mas masakit ito kaysa normal delivery dahil matagal maghilom ng sugat at tahi. Kailangan mo mag-ingat upang hindi bumuka ang tahi at magkaroon ng impeksyon. Soft diet lang muna ang irerekomwnda sayong mga pagkain. 3-5days lang nagtatagal sa ospital kalimitan ang isang babaeng na-CS. Caesarean o normal delivery man ang paraan ng panganganak ay hindi matatawaran ang sakripisyo ng isang ina upang mai-labas lamang ng maayos ang kanyang sanggol. Parehong masakit at mahirap pero ang lahat ng hirap na ito ay mapagtatagumpayan mo sa pamamagitan ng suporta ng iyong asawa, mga kasama sa bahay at kaibigan. Tamang pangangalaga sa sariling katawan pagkatapos manganak, balanced diet at maraming tubig at gatas upang bumalik agad ang nawalang lakas noong ikaw ay nanganak. Ang pagiging isang ina ay panghabam-buhay na propesyon na hindi kayang higitan ng kahit sino man.
My Tuesday Jan.18,2022 My whole day was just running around the house. Doing household chores, babysitting, and watching videos on Facebook and TikTok while breastfeeding.😂 Nothing special happened to this day but it was a blessing. I manage to finish my job as a mom without yelling even though it was exhausting. Thank God for lending me so much patience and understanding towards my children. It was just a plain Tuesday because we just do the usual things and activities the whole day. I usually woke up at 8 am, or sometimes at 9 am because I am not able to sleep properly because I am a breastfeeding mom. I have to wake up from time to time to breastfeed my one-month-old baby and check his nappy. Prepare breakfast for my kids and help them to eat. Bath them one by one, put their clothes on, and let them play. Luckily I have my sister who is helping to do household chores and babysit my baby Donna(1-year and 8 months old). From time to time I have to breastfeed my 1-month-old baby. Breastfeeding is one of the most exhausting jobs being a full-time mom. I can't get enough sleep and sometimes I just fall asleep without eating because of stress. I have to keep our room clean even though sometimes it was messy because my kids love to play around and they are also eating there. We only have a small room, we don't own a house or even rent a house because we are just living with my in-laws. It's not bad at all because they are very supportive and help us to raise our kids well. Sometimes it was just so stressful because you can't do everything you want. We don't have privacy and freedom but overall it was good. In the afternoon I have to teach my kindergarten and help him to do his module. Due to covid-19, they are not allowed to go to school at this rate, so I choose a modular class for him. It was also stressful because I easily got annoyed with my son. He hates writing but he needs to. I don't know what to do with him. But I am patiently teaching him to do it regularly wishing that someday he would love to do it by himself. At the same time, I have to prepare some snacks for them. If I don't have much time to cook I just give them a sandwich or an apple and banana. At 5 pm I start to cook again for our dinner. After cooking I feed them one by one. Luckily, we have an automatic washing machine right now. It was very helpful in minimizing time and effort. All I have to do is to hang and fold the clothes. I am not the kind of mom who's reading or telling a story before bed or singing a lullaby to my kids. I think their childhood was boring and not so special. I don't dare to do it because I feel awkward even though it was for my kids. I just play some lullabies or relaxing songs and let them watch a short story on Youtube. I know there's nothing such a perfect mom in the world but I am not also one of the best moms. I am just doing what I have to do with love. I don't know if I am good enough but I am trying to be a good one just like everyone. That's all for today! Despite all of my shortcomings, I am still grateful for everything I have. Thanks be to God!
Feeling Blue I don't know why I have to feel this from time to time. It is not only because of the pandemic or the covid-19 cases surge but I think it is all because I am already bound to different kinds of responsibilities that sometimes I cannot fulfill. I am lack in so many aspects that causes me to doubt myself. I always compared myself to other moms I know. I know they are doing their best for their kids to raise them well. Meanwhile, I am not able to do and give my kids their needs and demands. I feel like an empty pocket. I feel like I am useless. I know this isn't right but I don't know how to get rid of this odd feeling of mine. There's a lot of things I want to do but I just can't do it because I am not capable of doing so and something is blocking my way which is myself. I am the hindrance. I am the one who's making my dreams to be just a dream. I am the one who's making things not to be settled on time. It was very hard for me to understand what exactly I want. Sometimes I end up daydreaming of the past where I can freely do something I want. I am not regretting having kids and family but sometimes I wish that I can go somewhere or anywhere I want especially when I am feeling sad. I also wish to have my room so I can have privacy and so I could cry without hesitation and feeling of awkwardness when someone saw me weeping. Why do I have to feel this way all of a sudden? I mean I think I am lucky enough to have shelter, food, and water because others don't have it every time. I have kids that someone wishes for. I have in-laws whom I can count on. I have supportive brothers and sisters. But I just don't have any Cash in my wallet right now, haha. Maybe that's the reason why I am feeling blue right now. You know what? I am dreaming of having a small but durable house for my family but without money, I can't keep that dream. I am just unhappy knowing the fact that I am not able to give my kids a good and beautiful life they could have. I am just leaving it here, I hope someday my dreams will come true, and when that happens I am gladly and willingly share with you my happy journey.
Online Selling Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa iba't-ibang uri ng hanap-buhay. Nagtinda ng mga meryenda at kakanin, mga frozen foods, prutas, hanger at mga damit na ukay-ukay(thrift/used clothes) Minsan ay inilalako namin sa mga bahay-bahay at napupunta pa kami hanggang munisipyo. Hindi madali ang pagtitinda dahil minsan naabutan pa kami ng ulan at madalas maghapon kaming naaarawan dahil sa pag-iikot ng paninda namin. Minsan may mga bumibili ngunit panay pa ang hingi ng discount sa aming paninda. Hindi madali ang pagtitinda lalo na kung hindi mahaba ang iyong pasensya at wala kang strategy kung paano mo mapapa-ubos ang mga paninda. Sa artikulong ito nais kong ibahagi sainyo kung paano ako natuto sa pag o-online selling. Noong ako'y napunta sa kaibigan ko nakita ko siyang nakaharap sa cp at pinapakita ang mga panindang damit, naging interesado ako at pagkatapos niya tinanong ko kung ano ginagawa niya, Live Selling daw ang ginagawa nya. First time kong marinig yun kaya naman nagpaturo ako sa kanya. Maaari kang mag-live sa pamamagitan ng Facebook live gamit ang iyong cellphone o di naman kaya ay computer. Mas mainam na marami ang iyong kaibigan sa facebook para mas malaki ang iyong tyansa na makapagbenta at makahanap ng mga prospect buyers. Mas maganda rin na madalas kang mag-live upang dumami ang iyong viewers at kailangan at mayroon ka ding strategy at mga pang-akit sa mga prospect buyers mo upang sila ay bumili ng iyong produkto. Kailangan mong pag-aralan ang mga proseso sa pagla-live selling upang maging epektibo ang iyong pagtitinda at upang maiwasan ang abala. Narito ang ilang mga paraan at proseso ng mabisang pagla-live selling. Unang-una siguraduhin mo munang stable ang inyong internet connection upang maiwasan ang abala sa iyong gaganaping live selling at dapat fully charged ang iyong gagamiting gadget sa pag-live. Dapat nakahanda na ang iyong mga ibebenta at mga gamit tulad ng ballpen at masking tape na ididikit mo sa produkto na nabili ng isa sa viewers mo. Gumawa ng pin post(rules and policy mo bilang seller) upang mabasa ng mga viewers mo at maiwasan ang misunderstanding. Kapag magpapakita ng items dapat may code kang ibibigay para yung nanunuod sayo yun ang i-comment nila. Kung sino ang unang makapag-comment sa code na binigay mo sa kanya ang items,syempre dapat lagyan ng name ang items kung kanino ba ito napunta para may palatandaan ka. After live mo i-send mo sa kanila ang pictures ng mga mine items nila or para walang hussle sayo ipa-screenshot mo at i-invoice kung magkano ang kanilang na-mine na items, at huwag mo din pala kakalimutang i-remind sila sa live mo na magsend ng private message upang mas mapadali ang pag-invoice. Siguraduhin na nagkasundo kayo ng buyer upang maiwasan ang delay. Payment 1st policy dapat bayad muna bago i-ship ang items,mahalaga ding bibigyan mo sila ng cut-off sa pagbabayad example: 1 day reservation only hindi kung kaylan lang nila gusto magbayad ay doon lang sila magbabayad. Pwede sila magbayad sa mga mode of payment na ibibigay mo. Shoulder ng buyer ang shipping fee kapag sila ay bayad na doon mo lamang ipapadala ang kanilang items, dapat may courier ka din para mapadala mo ang items sobrang dami naman ng courier natin ngayon kaya may choices. Sa pag-oonline selling ay hindi din mawawala ang mga manloloko, nangti-trip lang kung tawagin ng mga seller ay JOY miner or BOGUS buyer at JOY reserver ito yung mga buyer na nagcocoment ng mine sa items pero hindi naman sila mag message sayo or kahit i-massage mo ay hindi sila magre-reply. Mga walang magawa sa buhay,joy reserver naman ito yung nag-message naman sayo pero puro pangako na bukas kukunin ang items pero inabot na ng isang buwan ay hindi pa din kinuha ang items. Hindi din mawawala yung mga nagrereklamo sayo bakit matagal dumating ang parcel nila. May magrereklamo dahil hindi maganda ang items na nakuha nila. Dapat bilang seller obligation mo din na maging responsive at responsible seller sa buyers mo, need mo din sila i-update kung naipadala mo na ang items, mas mainam din kung isesend mo sa kanila ang resibo, kung natagalan naman ang dating ng parcel dapat kontakin mo din ang courier para mai-update mo din sa kanila. Kung halimbawa naman napangitan may damage ang items kasi 2nd hand na mga damit tinda mo or ukay-ukay dapat matuto kang makipag-usap ng maayos hindi ikaw pa yung galit kasi lahat naman ng bagay mapag-uusapan ng maayos.Maganda din na magiliw ka para hindi boring ang live selling mo at maraming maengganyong manood sayo. Ito ang mga bagay na natutuhan ko sa aking kaibigan n ginagawa ko na din ngayon. Kaya noong ako'y makauwi galing sa bahay ng kaibigan ko sinubukan ko agad magtinda online. Mahirap pala sa simula pero kapag tumagal kana sa live selling madali na lang para saiyo ang lahat kahit minsan ay hindi talaga miiwasan ang mga pasaway na buyer. Sobrang malaki ang naitulong ng Online Selling sa aking buhay dahil mas napadali nito ang aking pagtitinda, ang dating nagtitinda sa arawan ngayon hindi na kailangan pang lumabas ng bahay dahil cellphone at data or internet lang makakabenta kana. Lalo na ngayong panahon ng pandemya maraming nag-oonline selling dahil malaki din ang kita dito lalo na kapag maganda ang serbisyo at produkto mo. Sa online may pera👌👌
Mga bagay na dapat mayroon sa isang relasyon Bakit maraming relasyon ang nasisira? Ano nga ba ang puno't-dulo nito? Walang perpektong relasyon ngunit merong nagtatagal. Ano nga ba ang mga bagay na dapat mayroon ka upang ang relasyon ninyo ay maingatan at magtagal katulad ng sa iba. Maraming mga bagay ang nakaka-apekto sa isang relasyon upang masira ito at tuluyan itong mawala. Ngunit kung nais mong magtagal ito may mga bagay na dapat kang alalahanin at taglayin upang gumanda ang inyong pagsasama bilang magkasintahan o bilang mag-asawa. Narito ang ilan sa mga bagay na dapat iyong taglay upang magkaroon ka ng maganda at matagal na relasyon sa iyong kapareha. 1. Pagmamahal Isa ito sa pangunahing bagay na dapat mayroon ka dahil ito ang unang magbubuklod sa inyong dalawa. Ito dapat ang inyong pundasyon kung bakit kayo nasa isang relasyon hindi dahil lang sa kailangan nyo ang isa't-isa. Masarap at magandang makipag-relasyon sa taong mahal ka. Mayroong kasing mga taong pumapasok sa isang relasyon dahil kailangan lang nila o di kaya ay may gusto lang silang makuha. 2. Tiwala Ito ang magpapatibay sa inyong pundasyon bilang magkasintahan o mag-asawa. Isa ito sa pinakamahalagang sangkap sa isang relasyon upang magtagal at maging panatag ang isa't-isa. Kapag wala kang tiwala sa iyong kapareha ay hindi kayo magtatagal. Mabubuo ang pagdududa na pagsisimulan ng away at magbubunga ng at sakitan. Kapag mahal mo ang isang tao dapat may tiwala ka. 3. Katapatan Mahalaga sa isang relasyon ang katapatan upang tumagal, maging maayos at tahimik ang inyong pagsasama. Kapag tapat ka ikaw ay pagkakatiwalaan ng iyong karelasyon at maiiwasan ang mga pagdududa. 4. Pasensya at Pang-unawa Sa isang relasyon kailangan ay marunong kang magpasensya at umunawa sa mga pangyayari at sitwasyon ninyong dalawa. Para maiwasan ang away ay matuto kang unawain ang iyong kapareha at igalang ang ilan sa mga desisyon nya lalo na kung para naman ito sa ikabubuti ninyong dalawa. 5. Respeto Kahit saan ka magpunta dapat ay bitbit mo ang bagay na ito. Dito masusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Kapag may respeto ka sa iyong kapareha at sa mga taong nakapaligid saiyo hindi ka mahihirapan makisama. Ang isang relasyong walang respeto sa isa't-isa ay hindi magtatagal at lagi lang mag-aaway dahil sa mga hindi mabuting asal na ipinapakita. 6. Oras Dapat may sapat na oras ka sa kanya. Hindi pwedeng ipagpapaliban mo sya dahil may priority kang iba. Para magtagal ang inyong relasyon kailangan mong gumawa ng paraan para makasama mo sya at maiparamdam mo ang pagmamahal mo sa kanya. Kapag nawawalan ka ng oras sa iyong kapareha dahil sa maraming kadahilanan dyan magsisimula ang kanyang pagdududa at makapag-iisip sya ng hindi maganda. Maaring tanungin nya ang kanyang sarili kung mahal mo pa ba sya o busy ka lang talaga? Kapag pumasok ka sa isang relasyon dapat ay handa ka. 7. Effort Isa ito sa mga bagay na maaari mong gawin sukatan ng pagmamahal. Hindi kasi pwedeng sasabihin mong mahal mo lang kailangan ay may kasamang effort o pagsisikap upang maipakita at maiparamdam mo sa isang tao na mahal mo sya. Sabi nga nila *"Actions speak louder than voice".* Dapat marunong kang magpahalaga sa mga bagay na ipinapakita at ibinibigay nya saiyo. Tanggap mo sya ng buo, kung ano at sino sya. Hindi mo dapat tingnan ang mga bagay na wala na kanya. Tingnan mo ang mga bagay maganda sa kanya at mga bagay na kaya nyang gawin at ibigay saiyo. Intimacy. Ang pagyakap at paghalik ay pagpapakita ng affection. Ito ay parte ng isang relasyon ngunit mayroon din naman itong limitasyon lalo na kung ayaw ng iyong kapareha. Give and take process. Hindi pwedeng ikaw o sya lang ang laging napag-bibigyan. Kailangan ay marunong kayo mag-balanse ng mga bagay sa inyong relasyon. Magbigayan kayo sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang mga away at hindi pagkaka-intindihan. Maraming relasyon at pamilya ang nawawasak dahil sa maling pamamaraan ng pag-handle ng isang relasyon. Kung mayroon lang sana ng lahat ng nabanggit ang bawat isa, magkakaroon ng matibay na pagsasama ang magkasintahan at mag-asawa. Kung taglay mo ang mga bagay na nabanggit sa itaas ay malaki ang posible na magtatagal kayo ng iyong kerelasyon. Iwasan lamang ang mga bagay na ito: Mga bisyo tulad ng alak, sugal at sigarilyo Pakikipag-usap o chat sa ibang babae/lalaki Online games Pagpapakita ng interest sa iba Pagsisinungaling at paglilihim Ang isang relasyong may matibay na pundasyon ay hindi nagigiba kahit daanan pa ng maraming pagsubok yan. Tibayan ang inyong tiwala sa isa't-isa upang magtagal ang inyong pagsasama. Iwasan ang mga bagay na dapat iwasan upang hindi maging komplikado ang inyong relasyon. Maging tapat sa lahat ng oras at bagay. Gawin ang lahat ng may pagmamahal.
Sakit sa Kidney:Mga dapat gawin at Iwasan "Health Is Wealth" Ito ang katagang lagi nating naririnig pagdating sa usaping pangkalusugan. Tunay nga namang mahalaga ang kalusugan at malakas na pangangatawan. Ang pera ay pwede mo pang makuha ulit ngunit ang katawan natin ay iisa lang at isang beses lang tayo magkakaroon nito kaya dapat matuto tayong pahalagahan at ingatan ito. Ngayon, pag-uusapan natin ang tungkol sa pangangalaga sa taong may sakit sa kidney at ano ang mga bawal sa may sakit na ito. Ayon sa kwento ng aking pinsan, taong 2006 nang ma-diagnosed na may sakit sa kidney IgA Nephropathy ang kanyang asawa. ANg IgA Nephropathy ay tinatawag ding Berger's disease ay isang uri ng sakit sa kidney kung saan ang IgA(protein that protects our body from bacteria and viruses) ay namumuo at nagiging dahilan ng pamamaga sa kidney na nagiging dahilan upang mahirapan ang kidney na salain ang di sa ating katawan. Bago sya na-diagnosed na may ganitong sakit sya muna ay nilagnat sa loob ng 2 linggo ng paulit-ulit kung kaya naman ay napag-desisyunan ng kanyang magulang na ipatingin sya sa manggagamot. Sa biopsy napag-alaman na ang kanyang asawa ay may IGA Nepropathy. Halos 2 taon ding naratay ang kanyang asawa dahil sa sakit na ito. Tila isang bangungot ito para sa kanila dahil sa sobrang hirap ng kanilang kalagayan dahil sa pagkakasakit ng kanyang asawa na bukod tanging nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Sa artikulong ito ibabahagi ko sa inyo ang ilang mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang pag atake ng sakit sa kidney at mga bagay na may kaugnayan sa sakit na ito. **Mga sintomas na may sakit sa kidney ang isang tao** 1 Mataas na lagnat 2 Pagsusuka 3 Walang ganang kumain 4 Pamamanhid o paninigas ng katawan 5 Mabulang ihi at iba ang kulay Ang ibang may sakit sa kidney ay nakakaranas din ng altapresyon at namamaga ang mukha at ibang bahagi ng katawan. Narito naman ang mga Dapat at Di dapat gawin ng mga taong may sakit sa kidney. Mga dapat gawin at iwasan ng taong may sakit sa kidney 1) Proper Diet, kung ikaw ay may sakit sa kidney dapat marunong kang mag-control sa sarili,dahil nahihirapan na ang kidney na sumala ng mga kinakain mo. Kaya mas mainam na kumain ng mga leafy vegetables at mga prutas. Ang bawang ay makatutulong din upang makadagdag sa lasa ng kinakain ng may sakit sa kidney pati na rin ang saging kamote na mayaman sa potassium, idagdag pa dito ang pag-inom ng alingatong tea at ginger tea na mataas sa body natural oxidants. Ito rin ay nakakapag-alis ng mga toxins sa kidney. 2) Iwasan ang mga maaalat na pagkain upang mabawasan ang trabaho ng kidney sa pagsala nito. 3) Uminom ng maraming tubig upang hindi mahirapan ang iyong kidney na alisin ang urea, creatinine at iba pang dumi sa iyong katawan. 4) Dapat din na lagi magpakonsulta sa iyong doctor upang mabantayan ang iyong kalagayan. 5) Makakatulong ang pagkain ng cabbage, fish, lemon, onion, kale, red grapes, cherries at blueberries upang mapalakas ang kidney. 6) Iwasan ang mapagod, less stress dapat sa mga taong may karamdaman sa kidney. Ayon sa aking pinsan ang kanyang asawa ay mas lalong nahirapan dahil sa stress na naging dahilan sa madalas na pagsusuka at bumaba ang potassium. Libangin ang sarili at mag-isip ng masasayang bagay at pangyayari. 7) Umiwas din sa mga pagkain tulad ng baka, baboy at manok lalo na ang balat nito dahil mataas ang protein nito na nakakasama sa may sakit sa kidney. Iwasan din ang pag-inom ng softdrinks at kape, pagkain ng mga junk foods at mga de lata. 8) Umiwas at kung maaari ay itigil ang bisyo tulad ng alak at sigarilyo na siyang nakakadagdag sa paglubha ng karamdaman. Ito ang ilan sa mga bagay na nalalaman ko tungkol sa taong may sakit sa kidney. Sana ay nakatulong ito sainyo lalo na sa mga taong may sakit sa kidney. Kung sa kasalukuyan ay wala ka pang sakit katulad nito mas mainam na ngayon pa lang ay umiwas na sa mga pagkain na nagpapahirap sa kidney natin upang salain ang mga dumi sa ating katawan. Paalala: "Prevention is better than cure" Alagaan natin ang ating mga sarili lalo na ngayong may pandemya at higit sa lahat tayo ay humingi ng pag-iingat ng Dios at gabayan tayo araw-araw.
Pagkabalisa at Depresyon Sa panahon natin ngayon marami ang nakararanas ng kalungkutan at pagkalumbay dahil sa maraming kadahilanan. Kalungkutan dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, iniwan at niloko ng asawa o kasintahan, nawalan ng trabaho, walang mahanap na trabaho at ang pinakamabigat sa lahat ay ang mga negatibong epekto ng pandemya. Marami sa atin ang sobrang nalungkot at nababahala sa kasalukuyang nangyayari lalo na ng maranasan natin ang malawakang lockdown sa bansa at buong mundo. Ang pagkalat ng virus ay isa sa katakot-takot na pangyayari na nagsimula noong taong 2019 sa bansang China at kumalat sa iba't-ibang bansa. Dahil dito marami ang nawalan ng pag-asa at nalumbay at isa na ako doon. Ako ay nakaranas ng anxiety at depression ng ako'y nanganak sa aking bunso ng nalaman kong siya ay may karamdaman, sobra-sobrang lungkot ang aking naramdaman, lumilipad ang aking isip at hindi malaman ang aking gagawin.Matamlay, walang ganang kumain at iyak ng iyak maghapon at magdamag. Lahat ng yan ay aking naranasan at kung minsan hanggang sa ngayon ay dinadalaw parin ako ng kalungkutan lalo na kapag nakikita ko syang nahihirapan. Gusto kong maibahagi sainyo ang aking sariling karanasan kung paano ko nalampasan ang anxiety at depression dulot ng mga pangyayari sa aking kapaligiran. Una sa lahat, PANALANGIN sa Dios na sa awa niya ay malagpasan ko ang bigat na nadarama ko at ang kabalisahang aking nararanasan. Pangalawa, yung Pagtitiwala sa magagawa ng Dios. Kung hindi ako magtitiwala sa kanyang magagawa hindi maiibsan ang bigat ng aking damdamin. Bukod sa aking asawa, siya ang una kong sandigan dahil alam kong di nya ako pababayaan kahit gaano pa kahirap ang aking problemang dinadala. Naniniwala ako na ibinigay nya sa akin ang problemang ito dahil alam nyang kaya ko itong malagpasan. Pangatlo, ginawa ko din ang makinig ng music na na nakapagpalakas ng aking loob,naglibang sa panonood ng TV upang mabaling ang aking atensyon. Nakipag-usap sa aking mga kakilala at kaibigan upang masabi ang aking nararamdaman. Malaking tulong kapag nailabas mo ang bigat ng iyong kalooban at naibahagi sa mga taong handang makinig saiyo at umalalay. Ito ang ilan sa mga bagay na aking ginawa upang ang anxiety at depression na aking naranasan ay aking mapagtagumpayan. Isa sa aking natutuhan ay minsan ang kabalisahan sa buhay ay magsisilbing paraan upang tayo'y maging isang BETTER person, maging mas matatag sa hamon ng buhay. Huwag nating ilugmok ang ating mga sarili sa pagkabalisang ating nararamdaman dahil pwede rin tayong magkasakit dahil dito. Gawin nating inspirasyon ang ating mga anak upang maging malakas at matatag sa kabila ng ating mga problemang kinakaharap. Magtiwala tayo sa magagawa ng Dios dahil maliban sa mga gaong handang tumulong sa atin sya ang tanging makakapitan natin sa oras ng kagipitan.
Lost and found:Hope When the pandemic started way back in 2020 I almost breakdown. I was like how can we survive this? We didn't even see our enemy(virus) and we don't know who has it right now. There's a lot of questions running through my mind. I also nearly lost my faith because of this pandemic but thanks to God he is greater than anything in this world. He doesn't let me down by the anxiety caused by the covid-19. He strengthens me and my family. He gave us a reason to calm and relax. He answered our prayers and take away our doubt and fear. We are just humans who made a mistake and whether you accept it or not, we are a sinner. Sometimes we lost our faith in God because he doesn't answer and give us what we want. But did you know why God doesn't let us always get what we want? It is because those things you are asking for will only harm you or can turn you into a bad person. God will only provide what we need and he will only allow us to get it when it is the right time and place for certain things. I believe God has a purpose for all of us. A good purpose. When covid-19 cases keep surging I keep thinking of "What if someone in our household gets infected with the virus? What will happen to us? Will we be able to bear it or not? And as a mother, what was I afraid of the most is my kids getting sick. I can tolerate it if I was the one who gets sick but not my kids. I just want them to feel free, active, and secure in my arms. I cannot help but think of possible things to happen because of a pandemic. Pandemic affects our daily activities, we cannot go out together because kids were not allowed to go out. My kids keep asking me when they can go to a mall to play and to explore? They are so innocent to the extent that they still cannot understand the current state of the whole world. All they want is to play and enjoy their childhood and there's nothing wrong with that but there is a crisis that shuts off that happiness. I am losing my hope that someday everything will go back to normal. Staying at home causes anxiety and depressions which also leads to a fight between family members. But what I learn from that is, you just need to expand your patience and be humble. Understand each other shortcomings and learn to forgive. You will find peace, hope, and love if you do that. It was not easy to forgive but if you think wisely you will know the benefits were for your good and to others. Pandemic teaches us many lessons we never realized before. You may be lost someone or something in your life because of coronavirus but don't forget the things you've found at the same time. There's always good and bad in every situation, we just need to stay stronger and move forward. Letting go was the hardest part but once you accept and get used to it, it's easy to move on. But of course, asking God's permission and guidance is the best way to start a new life. God is the only way for us to survive this pandemic. Even if we have money and power it was useless because no one can keep us safe except God.
Why I decide to pursue on writing? There's always a reason in everything we do in our life. We may not be in the best stage of it but having a courage to do something is better than giving up. When I start writing and doing some article to publish here on read.cash I was having doubt because I don't have any experience in writing and I was lack in confidence. I am not confident at all at first but I gave it a try. It's not a bad idea to try something you've never done before. My reason why I am not that confident is because I am not good in English Language. Yes, I can speak and write but not too well. I am having a hard time on constructing words. But after all, I choose to step out of my comfort zone. I am lying if I'm going to tell you that I come back here just to write. It's not only because I want to improve my writing skills but the biggest reason why I pursue on writing is because I want to accumulate more bitcoincash this year 2022. Sometimes I cannot help but to get jealous to someone that gain 1-3 bch or more than that in a year. I think I can do that too if I strive more and educate myself on how to do better on writing. I also want to gain virtual friends whom I can talk to whenever I want to. I want to step out from my comfort zone for the second time. I am not the kind of person that seeking for others attention but I think I need that right now. I need to reach out through my writings if I can't do it personally. This way, I can communicate to the whole world without hesitations. I am a shy type girl when it comes to talking. I am not good in communication, sometimes when someone ask me I'll just nod or shake my head to answer. I think, writing will help me to enhance my confidence and become chatty in a silent way. If I can't do it verbally atleast I can communicate through my writings. Read.cash platform is not only about bitcoincash but it has everything. It's not only about giving or tipping because there's a lot of people here who loves to share their knowledge and skills where you can learn a lot from them. If you need to improve your knowledge about crypto then you can search it right here. If you just want to read something,then just search a topic you want to read or just scroll up and down here on read.cash and find something interesting. Sometimes I don't want to waste my time on other social media platform so I came here to read, to learn and to explore. Aside from that, I was also inspired by other writers when I saw their article getting a huge tip from the bot. I feels like "Wow! He/She made it!" And I was so proud when I saw my fellow citizen(Filipino) doing a great job as a writer. Writing is not so easy especially, when your heart is only for getting tips. You should write because you want to write and inspire people not because you just want to earn. That's why I came back here. I want to make some noise virtually as a way of challenging myself, to change and to step out from my comfort zone.
Kwento ng aking Nanay Ang artikulong ito ay hango sa talambuhay ng aking pinsan. Ako ay humingi ng kanyang pahintulot upang mailahad ko ang kwento ng kanyang ina tungkol sa kung paano nya nalagpasan ang mga pagsubok noong sya ay ipinagbubuntis pa lamang. Tunghayan ang maikling kwento na sumukat sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. *" Sa tuwing sasapit ang aking kaarawan laging naiku-kwento ng aking ina ang pinagdaanan nya noong ako'y ipinagbubuntis nya pa lamang.* *Sabi nya ito ay pwedeng gawing drama o palabas sa telebisyon. Iisipin nyo ba na ako'y nabuo ng isang beses lang? Oo, isang beses lang daw may nangyari sa kanila sabi ng aking ina. Sya noon ay isang single parent at ang aking tatay ay isa nya lamang trainee at nagi nyang tagabuhat. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may nangyari sa kanila at ako ay nabuo.* *Noong ako'y ipagbuntis ng aking ina ay walang naka-alam kahit na sino sa kanyang pamilya ni ang kanyang ina ay hindi alam dahil ako'y itinago nya at nagpa-alam lamang na maghahanap ng katulong at taga-pangalaga sa nakakatandang kapatid ko. Nagawa ng aking ina na ako ay ipitin, uminom ng softdrinks na may kasamang gamot, nag-jogging para ako ay malaglag at pinakamalubha sa lahat ay ang naisip nya na ipadurog ako pero that time na dudurugin na ako ay bigla daw syang nakaramdam ng takot sa Dios at nagsisi sa naisIpan nyang gawin. Simula noong araw na iyon ay pinagpatuloy nya na lamang ang pagbubuntis sa akin. Nakitira sya kung saan-saan, sa mga kaibigan nya para mairaos nya ang 4 na buwan pang pagbubuntis nya sakin. Naging malungkot daw ang kanyang pagbubuntis dahil mag-isa lang sya at nangungulila sya sa aking ate pero sya ay umiiwas sa kahihiyan kaya mas pinili nya pa din na magtago at makitira kung saan-saan sa kanyang mga kaibigan. Ngunit isang gabi habang sya ay kumakain ay nakaramdam sya ng pananakit ng tiyan pero imbes na sabihin sa kanyang kaibigan ay pinili na lang ng aking ina na mag-iwan ng sulat pasasalamat sa pagpapatuloy at pagkupkop sa kanya at tumungo sya sa pinakamalapit na hospital.* *Madalas na sinasabi sakin ng nanay na kasabay nya ang mgtataho kasi noong oras na naglalakad sya papuntang ospital ay may naka-sabay syang magtataho kahit na pasado alas dose na ng gabi. Humanga ako sa kanyang katapangan dahil nagawa nyang manganak at magtungo sa ospital ng mag-isa. Noong ako ay naipanganak na at dinala sa Neonatal ward ay nagdadalawang isip daw ang aking ina na ako ay puntahan at tingnan dahil sa pangamba na baka ako ay may kapansanan dahil sa pagtatangka nyang ako ay ipalaglag. At dahil wala ding pambayad sa ospital ay naisip nya na ako'y ipa-ampon na lamang sa kanyang kaibigan.* *Ngunit noong sya ay magising isang gabi dahil sa iyak ng isang baby ay agad nyang naisip na baka ako daw ang iyak ng iyak na iyon kaya dali-dali syang nagtungo sa neonatal ward. At ng makita nya ako ay bigla na lang daw tumulo ang kanyang mga luha. Ako ay malusog, walang kapansanan, maputi at mamula-mula ang pisngi. Laking pasasalamat nya daw sa Dios dahil hindi nya kami pinabayaan. Kaya nasabi nya sa kanyang sarili na kahit sampalin ako ng nanay ko ay iuuwi ko ang batang ito. At nang sya ay maka-uwi ganon na lamang daw ang gulat ng aking lola dahil imbes na katulong ang dala ay baby ang kalong-kalong nya. Mabait ang aking lola dahil imbes na magalit sya sa aking ina ay yakap at halik ang dumampi sa kanya. "* Sana naiibigan ninyo ang maikling kwento ng mag-ina. Hindi biro ang kanilang pinagdaanan dahil kung tutuusin kahit sinong buntis ay kailangan ng kalinga ng pamilya lalo na ng asawa. Ngunit sa kalagayan nila ay piniling itago ng kanyang ina ang pagbubuntis nito dahil sa takot na itakwil ng kanyang pamilya. Ngunit totoo nga ang kasabihan na " A mother's love is unconditional" dahil sa kabila ng mga pangyayari ay hindi nya nagawang pagalitan ang anak na baby ang dala pag-uwi.
Selos Minsan sa buhay natin may mga bagay at pangyayaring di natin inaasahan, yung akala nating imposible ay posible pa lang mangyari kahit di kapani-paniwala. Aking isasalaysay sa artikulong ito ang aking karanasan na hindi ko makakalimutan na kahit imposible ay nangyari ito ng di ko inaasahan. Noong ako ay labin-walong taong gulang pa lamang ako ay namasukan bilang kasambahay sa isang bayan sa Nueva Ecija. Katabi ng bahay na aking pinapasukan ay bahay ng aking lola na kung saan kasama nyang naninirahan ang kanyang dalawang anak na lalaki na tiyuhin ko. Mababait silang tao, masisipag at mapagkakatiwalaan. Kapag wala akong ginagawa sa bahay ng aking amo pumupunta ako sa bahay nila upang tulungan ko si lola sa pagluluto ng kanyang mga panindang kakanin. Lumipas ang ilang buwan ay kinausap ako ng aking amo kung gusto ko daw bang mag-aral sa kolehiyo. Noong una ay nag-alangan ako dahil alam kong hindi biro ang aking pagdadaanan. Pagsasabayin ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. Medyo may kalayuan ang paaralan kung kayat napagkasunduan namin na ang maghahatid sundo sa akin ay isa sa mga tiyuhin ko. Bago ako pumasok ay nagluluto muna ako ng paninda ni lola sa umaga, nagdidilig ng mga halaman at nagwawalis ng bakuran. Pag-uwi ko naman galing sa paaralan ay deretso sa bahay ng amo ko para maglinis at gawin ang iba pang gawaing bahay. Medyo nakakapagod nga lang kasi halos gabi lang talaga ang pahinga ko ng mga panahong iyon pero iniisip ko na mas magkakaroon ako ng magandang kinabukasan kapag ako ay nakapagtapos sa kolehiyo. Noong una ay wala kaming problema ng tito ko, magkasundo kami sa lahat ng bagay at minsan ay binibilhan nya pa ako ng pagkain at mga groceries para naman daw natitipid ko yung allowance ko at makakapag-ipon pa ako. Ngunit habang patagal ng patagal nagkakaroon kami ng mga bagay na pinag-aawayan. Katulad na lamang kapag lumalabas ako upang magpa-load sa tindahan, bakit daw labas ako ng labas baka daw may pinagpapatasyahan ako o di kaya naman ay may inaabangan. Noong una iniisip ko na concern lang sya sa akin pero habang tumatagal medyo naiilang ako sa mga kinikilos at mga sinasabi nya. Tandang-tanda ko pa noong mayroong handaan sa bahay ng pinagtatrabahuhan ko habang ako nag-iigib sa poso, nilapitan ako ng isa sa mga bisita at gustong makipag-kilala sa akin at hinihingi ang number ko. Kilala sya ng mga tita at tito ko kaya naman pumayag ako at binigay ko ang number ko sa kanya . Tinulungan na din nya ako sa ginagawa ko at pagkatapos noon ay nagpa-alam na ako na matutulog dahil may pasok pa ako kinabukasan. Naiwan ko silang nag-iinuman at nagkakantahan sa labas ng bahay. Ngunit bago ako matulog ay nagpalitan pa kami ng text message ni John. John ang pangalan ng kaibigan ng tito ko na gustong makipagkilala sa akin. Mukha naman syang mabait at maayos naman syang kausap. Lumilipas ang araw ay napapansin ng tito ko na lagi akong may katext at sinabi ko na si John yun. Doon nagsimula na magalit sya sa akin ng hindi ko alam ang dahilan. Sinabi nya sa akin na tigilan ko na daw ang pakikipagtext kay John dahil manloloko daw ang lalaking iyon. Wala pa ako noong facebook at messenger kaya sa text lang kami nagco-communicate. Simula din noon ay bihira na lang kami mag-usap ng tito ko na parang nagkaroon kami ng gap communication dahil lamang sa pakikipag-kaibigan ko sa kaibigan din nila. Kapag hinahatid at sinusundo nya ako sa school ay wala na din masyadong usapan di na katulad dati na lagi nya akong tinatanong kung kumusta ako sa maghapon. Isang beses ay pumunta ako sa tindahan upang magpa-load dahil tatawagan ko si mama sa probinsya(Bicol). Pagbalik ko sa bahay nagulay na lang ako dahil andun pala sya sa may gate. Kinalabog nya ang gate pagkapasok ko at parang galit na galit. Lalo kaming nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan dahil hindi ko talaga alam noong una kung ano ang ikinagagalit nya sa akin. Sa pagkaka-alam ko ay wala nan akong ginagawang masama subalit sya lahat ng kilos ko ay bantay-sarado nya at lagi nyang pinupuna. Lagi na syang galit sa akin at di na rin kami nag-uusap hanggang sa isang araw ay bigla na lang akong nagulat sa sinabi nya. Humingi sya ng pasensya sa akin dahil sa mga ipinakita nyang hindi magandang asal noong mga nakaraang araw. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya, hanggang sa bigla ko na lang na naisip na baka may gusto sya sa akin. Alam kong mali iyong naiisip ko pero base sa mga binibitawan nyang salita ay yun nga ang dahilan. Hanggang sa inamin nya na nagkagusto sya sa akin ng di nya inaasahan. Alam nya daw na mali pero habang lalo nyang pinipigilan ang sarili nya lalo daw syang nagseselos. Sobrang gulat na gulat ako ng marinig ko ang mga sinabi nyang iyon dahil totoo pala ang naisip ko. Hindi ako makapaniwala kasi hindi normal para sa akin ang nangyari at nalaman ko. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin sa mga susunod na araw at kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Wala akong nasabi sa kanya pagkatapos kong marinig ang pag-amin nya sa totoong nararamdaman nya. Kinausap din ako ng pinagtatrabahuhan ko na huwag ko na lang daw munang pansinin o patulan kapag nagagalit o may sinasabing hindi maganda. Pero lumilipas ang ilang araw ay lalong lumalala ang galit nya lalo na kapag may kausap o katext ako. Oo, nagseselos sya kahit hindi pwede at bawal. Hindi ko na alam ang gagawin ko noon kaya bigla na lang pumasok sa isip ko na umuwi na lang sa probinsya namin sa Bicol at tumigil na lang muna sa pag-aaral kahit sobrang nanghihinayang ako sa oportunidad na ibinigay sa akin. Ngunit hindi ko kakayanin na makita sya araw-araw na ganun ang pakikitungo nya sa akin. Ang akala kong kabaitan na ipinakita nya sa akin ay dahil sa magka-mag-anak kami ngunit dahil pala sa totoong nararamdaman nya. Parang gumuho ang mundo ko noon, pakiramdam ko trinaydor nya ako dahil akala ko concern sya sa akin bilang kamag-anak ngunit iba pala ang intensyon nya. Simula noon nagkaroon ako ng trust issue sa mga taong nasa paligid ko lalo na kapag lalake. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari umuwi ako ng biglaan sa probinsya at naghanap na lang ulit ako ng ibang trabaho na mapapasukan. Inisip ko na lang na parang panaginip lang ang mga nangyari para makapag-simula ulit ako ng bagong buhay. Akala ko sa pelikula lang nangyayari iyon pati rin pala sa totoong buhay. Kahit nga sa pelikula bihira iyon mangyari pero ganun pa man ang mga nakalipas ay ala-ala na lang at ang mahalaga maayos ng naisantabi ang mga bagay na hindi na dapat pag-usapan. Kung saiyo man mangyari ang mga bagay na ito sana maayos mo itong harapin at huwag magdylot ng malaking abala at pinsala sa buhay ng ibang tao.
Paano mo masusukat ang totoong pagmamahal? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko bakit ito ang napili kong topic ngayon. Malayong malayo ito kumpara sa mga ginawa kong artikulo noong mga nakaraang araw. Pero susubukan kong maipaliwanag ng mabuti ang kahulugan ng totoong pagmamahal sa pamamagitan ng pagpahayag base sa aking karanasan. Hindi ako eksperto sa larangang ito ngunit sisikapin ko na maibahagi sa inyo ang kahulugan nito at mga bagay na sumasaklaw dito. Hindi masusukat ang totoong pagmamahal sa isang magarbong handaan ng kasal lalo na kung ang dahilan ng pagpapakasal ay nabuntis ang babae ng hindi inaasahan. Napansin ko lalo na sa mga probinsya kapag nalaman na nagalaw o nabuntis na ang babae ay agad nila itong ipapakasal sa lalaking responsable dito. Ngunit hindi nila inisip kung ano ang magiging epekto nito sa pagsasama ng mag-asawa. Maaring mapabuti ngunit karamihan ay nauuwi lang naman sa hiwalayan. Alam nyo ba kung bakit? Unang-una dapat kasi kapag magpapakasal ay pareho nyong gusto hindi dahil kailangan lang. May ilan na napipilitan magpakasal dahil nga buntis na ang babae pero hindi dahil sa gusto nila. Ako bilang isang babae mas gugustuhin ko na ikasal ako kahit pagkatapos ng manganak o kapag nakasama ko na sa isang bahay ang mapapangasawa ko. Yung lubusan mo na syang kilala at alam mong hindi ka nya kayang saktan ng pisikal. Ako at ang aking asawa ay may apat na anak na ngunit hindi pa kami kasal. Anim na taon na kaming nagsasama at marami na rin kaming pinagdaanang pagsubok at problema ngunit sa kabila ng lahat ng yun ay nananatili pa rin kaming matatag para sa isa't-isa. Hindi nyo maiiwasan na magkaroon ng problema kayat kung dumating man sa punto na maharap kayo sa isang mahirap na sitwasyon iwasan nyo ang magsumbatan bagkus kayo ay magtulungan na malutas ang problema. Ang totoong pagmamahal ay hindi marunong manumbat lalo na pagdating sa mga materyal na bagay at pera. Kung mayroon ka man naibigay sa iyong kapareha dapat mananatili yun na bigay mo sa kanya hindi para maging utang na loob nya iyon saiyo. Kung talagang mahal mo sya maluwag sa iyong puso ang pagbibigay sa kanya ng lahat ng bagay. Ibibigay mo ito ng kusa at walang walang hinihinging kapalit. Ang totoong pagmamahal ay marunong magparaya. May mga bagay at pangyayari na dapat pinag-uusapan ngunit mayroon din naman na sa pamamagitan ng pakiramdam ay nagpaparaya ka na agad para wala ng away. Kung totoong mahal mo ang isang tao hindi mo sya kayang saktan ng pisikal lalo na kung ikaw ang lalake. Ang lalake ay dapat pinoprotektahan nya ang kanyang asawang babae hindi sinasaktan. Utos ng Dios sa lalake na ibigin ang kanilang asawa na gaya ng kanilang sarili at ang babae naman ay dapat magpasakop sa asawang lalake dahil ang lalake ang dapat mamuno sa isang pamilya kaya nga sya ang tinatawag na haligi ng tahanan. Kaya dapat lalake ang masusunod lalo na kung tama at para sa ikabubuti ng lahat ang kanyang ginagawa. Dapat mahaba ang iyong pasensya o pang-unawa. Hindi ka dapat agad nabubugnot, naiinis o nagagalit. Ang taong may pagmamahal ay may mabuting puso. Ang may mabuting puso ay umuunawa. Tingnan mo sa iyong asawa ang kanyang mga nagawang kabutihan hindi ang kanyang mga pagkukulang. Kapag ang mga pagkukulang nya ang iyong laging napupuna hindi kayo magkakaroon ng katahimikan sa bahay, lagi kang manunumbat ng mga bagay na hindi nya nagagawa at ikukumpara mo sya sa iba. Ito ang kadalasang pinagmumulan ng away kaya dapat marunong kang magpahalaga sa mga bagay na kanyang ginagawa. Huwag mong laging silipin ang kanyang mga pagkakamali bagkus unawain mo na lang. Minsan madali lang magsalita ngunit mahirap manindigan pero once na nag-commit kana wala ng bawian at atrasan. Dapat alam mo ang mga salitang iyong binitawan. Dapat mayroon kang paninindigan lalo na kung ikaw ay lalake dahil ikaw ang magdadala ng iyong pamilya. Hindi mo dapat hayaan na mahirapan ang iyong mapapangasawa sa sitwasyon na ibibigay mo sa kanya. Tandaan ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa salita lamang o sa pagsabi ng "mahal kita" araw-araw, makikita mo ito sa kilos o gawa ng isang tao para saiyo. Isang magandang halimbawa din ng isang relasyon kapag ang Dios ang ginawa nyong sentro ng inyong relasyon. Bago matapos ang artikulong ito nais kong mag-iwan sa inyo ng isang tanong. Kung ikaw ang tatanungin, sino ang pipiliin mo "ang taong mahal ka o ang taong mahal mo?"
Mga pamahiin sa pagsalubong ng Bagong Taon Bata pa lamang ako marami ng mga pamahiin ang naririnig ko sa mga matatanda tuwing may kaganapan tulad halimbawa kapag mahal na araw, pasko at bagong taon. Bagamat walang sapat na basehan at paliwanag tungkol dito patuloy pa rin ang pagtangkilik sa mga paniniwala o pamahiin dahil ito ay matagal ng kinagisnan ng mga tao.Ilang oras na lamang ay taong 2022 na kayat isa-isahin natin ang mga paniniwala ng mga Pilipino sa pagsalubong ng bagong taon. 1) Labindalawang pirasong bilog na mga prutas Hindi ko man lubusang maintindihan ang mga kahulugan nito sa buhay ng tao at koneksyon ng prutas sa bagong taon ay masaya ako kapag nakakakita ng maraming prutas sa ibabaw ng lamesa. Ayon sa mga matatanda ang bilog na prutas ay sumisimbolo sa pera at ang labindalawa ay ang bilang ng buwan sa isang buong taon. Ibig sabihin daw nito ay para magkaroon ng masaganang pamumuhay buong taon. 2) Polka dots na damit Naalala ko noong bata pa ako excited akong mag-suot ng bagong damit na makulay at may disensyong polka dots. Dahil ang bilog ay sumisimbolo sa pera naniniwala ang mga tao na maghahatid ito ng swerte sa buong taon. 3) Money Tree Wala kaming money tree sa bahay pero nakakita ako nito noong ako ay naimbitahan ng aking kaibigan na kumain sa kanila noong nakaraang taon. Ito ay magdadala daw ng swerte kapag inilagay sa mga pintuan. 4) Mga barya sa bawat sulok ng bahay Noong ako ay namasukan bilang isang kasambahay sa isa sa aming kamag-anak sa Maynila nakaugalian na nila na maglagay ng mga barya sa bawat sulok ng kanilang bahay. Ito ay may dala din daw na swerte sa buong taon. 5) Paputok at torotot Hindi kumpleto ang pagsalubong ng bagong taon kung walang paputok at torotot sa bawat tahanan ng pamilyang Pilipino. Bagamat ipinagbabawal ang ilan sa mga paputok ay hindi pa rin maiiwasan na magdiwang ang mga tao sa bagong taon ng wala nito. Isa sa mga nagpapasaya sa pagsalubong ng bagong taon ay ang fireworks. Ang ingay na dala nito ay pinaniniwalaan na nakapagtataboy ng mga masasamang espiritu at bad luck. Marami pa ang ang nakaugalian ng mga tao tuwing sasapit ang bagong taon. May ilan na nagsasabi na huwag daw maghanda ng manok para hindi isang tuka, isang kayod sa buong taon. May ilan din na naniniwala na ang paglagay ng barya sa bulsa ay maghahatid ng swerte sa kanila at hindi mawawalan ng pera. Noong ako ay bata pa inaabangan ko din ang pagsapit ng alas dose tuwing bagong taon upang tumalon sa paniniwalang ako ay tatangkad. May ilan sa mga pamahiin ang halatang walang katotohanan ngunit ginagawa pa din dahil ito ay matagal ng nakaugalian at katulad ng sinasabi ng iba wala naman masama at wala naman mawawala. Ngunit isa sa mga pinagtataka ko wala man lang paniniwala para magkaroon ng magandang kalusugan buong taon. Sa pera at swerte lang nakatuon ang atensyon ng mga tao. May prutas pero hindi para sa kalusugan ang kahulugan.Huwag sana nating kalimutan ang mga bagay na pangmatagalan at ang mga bagay na may mas katotohanan. Huwag nating kalimutan na ang magdadala ng swerte sa ating buhay ay kung tayo ay may pananampalataya sa Dios. Ang mga bagay na inihanda natin ngayong bagong taon ay mawawalan ng saysay kung tayo ay hiwalay sa kanya. Tandaan din natin na kahit isang sako pa ng prutas ang ilagay natin sa ating hapag kainan ngunit kung ikaw ay naman ay tamad walang pera at swerte ang darating sayo. Magsikap at magtrabaho ng marangal upang magkaroon ng maayos na buhay.


+1 more
Mga negatibong epekto ng pandemya(Covid-19) Kung iyong mapapansin ang aking nakaraang artikulo ay tungkol sa positibong epekto ng pandemya kung kaya't naisipan ko rin na gawin at ilathala ang mga negatibong epekto nito sa mundo at sa buhay ng mga tao. Hindi ko lubos akalain na ang isang salot na noon ay nababasa ko lamang sa mga libro at mga pahayagan at napapanood sa tv o napapakinggan sa radio ay mararanasan din natin sa kasalukuyan. Isa-isahin natin alamin ang mga negatibong epekto ng pandemya at tunghayan ang mga sumusunod na pahayag. 1) Pagbagsak ng ekonomiya Dahil sa pagpapatupad ng lockdown maraming tao ang nawalan ng hanap-buhay. Nagsara ang mga malalaking kompanya at pabrika na pinanggagalingan ng kita ng bansa. Pati na rin ang turismo na nagbibigay ng malaking pondo sa bansa ay labis na apektado ng pandemyang ito. Ang pagpapalitan ng produkto ng mga iba't-ibang bansa ay limitado kung kaya't unti-unting naapektuhan ang ekonomiya ng bawat bansa. 2) Maraming nawalan ng trabaho at hanap-buhay Limitado ang pinapayagang lumabas upang makontrol ang pagkalat ng virus ngunit labis na naapektuhan ang mga tao lalo na ang mga mahihirap. Dahil sa pagsara ng ilang mga kompanya at pabrika upang makasunod sa ipinatupad na health protocol marami ang nawalan ng trabaho at hanap-buhay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mangilan ngilan pa din na lumalabas ng bahay kahit ipinagbabawal dahil kung aasa lamang sila sa bigay ng lokal na pamahalaan ay magugutom ang kanilang pamilya at lalo lang silang magkakasakit. 3) Nagdulot ng labis na pagka-takot at pangamba sa mga tao Ang sakit na covid-19 ay nagdulot ng labis na pangamba sa mga tao dahil sa ito ay mabilis makahawa at delikado. Marami din ang naiulat na namatay dahil sa sakit na ito kung kayat lalo pang nangamba ang mga mamamayan. Ang sakit na covid-19 ay nakakamatay lalo na kung hindi agad maagapan at magagamot ng maayos sa ospital. Nagdulot din ito ng labis na pagkabahala sa mga tao dahil walang sinuman ang gugustuhin na mawalan ng mahal sa buhay dahil sa sakit na covid-19. 4) Pagkakaroon ng mental health issue mapa-bata man o matanda Ang labis na pagkabalisa o anxiety at pagkakaroon ng depression ay mga dahilan ng pagkalat ng sakit na covid-19. Dahil sa limitado ang galaw ng mga tao dahil sa sakit na nakakahawa malaki ang epekto nito sa araw-araw na gawain ng mga tao. Marami na ang bawal at hindi dapat gawin. Hindi ka maaaring lumabas ng walang facemask at faceshield. Hindi biro ang pagsusuot ng facemask at faceshield lalo na kung matagal na panahon. Dahil sa pagkawala ng trabaho ng ilang mga mamamayan ay nababahala sila sa mga gastusin at bayarin araw-araw. Namomroblema ang mga magulang kung saan kukuha ng pagkain at pera para matustusan ang mga pangangailangan ng buong pamilya araw-araw. Kulang na kulang ang ayuda o financial assistance na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga tao lalo na dito sa Pilipinas dahil sa mahal ng mga bilihin. Ang mga kabataan ay nahihirapan din mag-adjust sa biglaang pagbabago ng kapaligiran dahil sa pandemyang ito. Ang mga bata na wala pang muwang tungkol sa sakit na ito ay walang tigil sa pagtatabong kung kailan sila maaaring lumabas ng bahay upang mamasyal at maglaro. Marami ang nakaranas ng depression dahil sa pagkalat ng sakit na ito. May mga naiulat ding nagpakamatay dahil hindi na kinaya ang mga pangyayari sa kanilang buhay at mga problemang kinaharap dahil na rin sa sobrang kahirapan na isa sa mga epekto ng pandemya sa buhay ng mga tao. 5) Pagkalat ng mga fake news Bagamat mayroong inilalabas na opisyal na pahayag ang pamahalaan at ang WHO(World Health Organization) patungkol sa covid-19 ay hindi rin maiiwasan na marami ang nagkakalat ng fake news sa social media. May mga ilan ang napapaniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa virus. Maling impormasyon kung paano ginagamot ang mga sintomas at kung saan at paano nagsimula ang covid-19. Dahil dito hindi maiiwasan na magkaroon ng pagdududa ang taumbayan sa gobyerno, mga ospital at istasyon ng tv at radio dahil minsan ay magkaka-iba ang kanilang mga pahayag tungkol sa covid-19. Pabago-bago din ang kanilang mga desisyon kung paano nga ba mapipigilan ang pagkalat ng sakit. 6)Pagbabago sa larangan ng edukasyon Malaking pagbabago ang dulot ng pandemya sa edukasyon kung saan nagkaroon ng opisyal na pag-uulat ang DepEd(Department of Education) na isasagawa ang modular class o virtual/online class upang patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga kabataan kahit na may pandemya. Bagamat hindi madali ang uri ng pag-aaral ngayon ang mahalaga ay patuloy sa pag-aaral ang mga bata at hindi mahadlangan ng virus ang kanilang mga pangarap at maayos na edukasyon. Marami man ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon naniniwala ang marami na babalik din sa normal ang lahat sa lalong madaling panahon. 7) Paghina ng pananampalataya at kawalan ng pag-asa May ilan sa mga tao ang tila nawawalan na ng pag-asa na bumalik sa normal ang buhay. Humina at halos nawala na rin ang kanilang pananampalataya na mayroong Dios dahil sa mga nangyayari sa sanlibutan. Tila nagtatanong sa hangin na nasaan ang Dios sa mga panahon na sya ay kailangan na kailangan? Sa pagkawala ng miyembro sa kanilang pamilya na dulot ng virus ay kasabay nito ang pagkawala ng kanilang pag-asa na sila ay maliligtas. 8) Nahati ang paniniwala ukol sa virus( may naniniwala at hindi naniniwala) Dahil sa paglaganap ng virus sa buong mundo naapektuhan ng labis ang pamumuhay ng mga tao pati na rin ang paniniwala kung mayroon nga ba talagang virus o ito ay gawa-gawa lamang ng may mga katungkulan sa gobyerno. Marami ang naniniwala na mayroong covid-19 lalo na ang mga pamilyang nakaranas mismo ng sakit na ito. Ngunit marami din naman ang hindi naniniwala lalo na sa mga nakaranas ng diskriminasyon sa ospital. Marami ang hindi tinatanggap sa ospital simula noong kumalat na ang virus. Kailangan ay mayroon kang maipakitang swabtest result bago ka mai-admit sa ospital. Marami ang naniwala na ginawa lamang ang virus para pagkakitaan ang mga tao.Simpleng sipon at ubo lang sana ang sakit mo ngunit kapag magpapa-check up ka ang magiging resulta ay positive ka pala sa covid-19 dahil ang sipon at ubo ay ilan sa mga sintomas nito. Dito sa Pilipinas ay mayroong kumalat na balita na pinapirma ng waiver ang pamilya ng namatayan kung saan nakasaad dito na covid-19 ang ikinamatay ng kanilang kaanak upang wala na silang bayaran sa ospital at mailabas nila ang katawan nito ng wala ng iniisip na bayarin. Dito na nagsimula na magkaroon ng magkaka-ibang paniniwala ang mga tao tungkol sa virus. Hindi madali para sa ating lahat ang mga pangyayari nitong mga nagdaang taon dahil sa pandemya. Labis na naghirap ang mga mahihirap na mamamayan dahil sa pagkawala ng kanilang mga kabuhayan na minsan ay sinasabayan pa ng pagbaha at malakas na bagyo. Isa lang naman ang hiling nating lahat na sana ay matapos na itong pandemya upang manumbalik ang sigla ng mga tao at bumalik sa normal na pamumuhay. Mag-iingat pa din tayong lahat kahit sabihin pa ng ilan na hindi totoo na may covid-19. Sabi nga nila "Prevention is better than cure" hindi lang naman covid ang mga sakit na posible nating makuha sa kapaligiran at sa ibang tao kaya dapat tayong mag-ingat kahit saan man tayo magpunta. At higit sa lahat tayo ay manalangin na tayo ay ingatan ng Dios sa lahat ng oras dahil kahit anong ingat natin sa ating mga sarili hindi natin masisiguro ang ating kaligtasan ng mag-isa.
Mga positibong epekto ng Pandemya(lockdown) Isa sa mga napapanahong laman ng balita at pahayagan ay ang pagkalat ng sakit na mas kilala sa tawag na Covid-19, na kung saan maraming bansa ang apektado at naging malaking dagok ito sa ekonomiya at hanap-buhay. Ngunit sa artikulong ito pag-usapan at talakayin naman natin ang mga positibong epekto nito. Maraming bagay at buhay ang nabago dahil sa pandemya. Marami ang positibo at magandang pangyayari ang naganap sa kabila ng nakakapinsala at nakahahawang sakit. Isa-isahin natin ang mga bagay na ito at tunghayan ang mga sumusunod na pahayag. 1.) Nagkaroon ng mahabang oras ang magpapamilya Isa sa mga magandang epekto ng pandemya ay ang pagkakaroon ng mahabang oras para makasama ang mga mahal sa buhay dahil karamihan sa mga bansa ay nagpatupad ng lockdown upang mabawasan at maiwasan ang pagkalat ng sakit na covid-19. Dahil bawal lumabas ng bahay nagkaroon ng sapat na oras para maasikaso ng mga magulang ang kanilang mga anak at ang bahay. Nagkaroon ng masaya at kumpletong pamilya ang bawat hapag-kainan. Nagkaroon ng oras para mag-usap-usap ng masinsinan at magkwentuhan. 2.) Nabawasan ang mga krimen at gawaing ilegal Marami din ang mga masasamang loob ang napigilan sa kanilang mga gawain dahil sa pagpatupad ng lockdown. Maari silang hulihin sa paglabag sa health protocol kaya mas nanaisin na lang nilang manatili sa bahay. At dahil sa kumakalat na sakit marahil ay nagbigay din ito sa kanila ng labis na pagkabahala at takot na baka sila ay mahawa. Natigil pansamantala ang mga magnanakaw, holdaper, killer, mga nagsusugal at manginginom. 3.) Malinis na hangin at kapaligiran Malaking tulong ang pagkakaroon ng pandemya para magkaroon ng malinis na kapaligiran kahit marami ang nawalan ng trabaho at hanap-buhay. Dahil maraming pabrika at kumpanya ang nagsara nabawasan ang polusyon sa hangin na dulot ng mga usok ng mga sasakyan at naglalakihang pabrika. Wala din halos pakalat-kalat na basura na dulot ng maraming tao na lumalabas noong panahon na wala pang pandemya. 4.) Naging mas maingat ang mga tao at nagsimulang maging ***health conscious***. Dahil sa pagkalat ng sakit sa iba't-ibang bansa naging maingat at malinis ang mga tao sa kanilang kapaligiran. Nagsimulang gumamit ng facemask at faceshield, madalas ng gumamit ng alcohol at nagdidis-infect ng lahat ng mga bagay na maaring kapitan ng virus. Nagsimula din magpalakas ng immune system sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga bitamina, pagkain ng mga prutas at gulay at natutong mag-ehersisyo. Naging maingat ang mga tao sa mga bagay na kanilang hinahawakan at pinupuntahan. 5.) Naging mas malapit sa Dios Dahil sa pandemya maraming mga tao ang nagbalik loob sa Panginoon dahil nalaman nila na walang ibang kayang magligtas sa kanila sa kumakalat na sakit kundi ang Dios. Walang iba ang kayang mag-ingat sa isang tao na tulad ng pag-iingat ng Dios. Ang iyong pera ay magsisilbi lamang na paraan upang madugtungan ang iyong buhay sa ospital ngunit hindi matitiyak ang iyong buong kaligtasan at kalusugan. 6.) Natutong magtipid ang mga tao Dahil na rin sa pagpapatupad ng lockdown sa bawat lugar ng mga bansa natigil din ang ilang kompanya at maraming nawalan ng hanap-buhay, dahil dito maraming tao ang natutong magtipid at pagkasyahin ang perang naipon nila maitawid lang ang pagkain sa isang araw. Ang mga bagay na nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga magandang pangyayari na ugat ng pandemya at pagpapatupad ng lockdown sa bawat lugar sa mga bansa. Sa kabila ng kahirapan at kagipitan na dulot nito ay may hatid itong magandang aral sa bawat isa. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil matatapos din ang pandemyang ito. Ugaliin natin na magpasalamat sa Dios sa araw-araw na pag-iingat nya sa atin na huwag mahawa ng covid-19 at iba pang sakit na maaaring makuha sa ating kapaligiran.
Beauty has no shape and color When you hear the word beauty what is the first thing that comes into your mind? Maybe others would say a person. A beautiful woman or a man with good qualities as a human being. A good color or complexion, shape, and others characteristics define beauty. But what we should know when we are talking about beauty? Overall, people will literary say that you must be white and sexy to become beautiful. And that's why most of us women try to hide and wear a mask of destruction. We use different kinds of beauty products to makes our skin lighter. We put on make-up every time we go outside or even at home to makes us feel more beautiful. Others use different kinds of whitening products even it is dangerous. They even go for surgery for enhancement of whatever they want to enhance. They spend a lot of money just to become beautiful. But they don't even know the real meaning of being beautiful. Social media was a big impact and influence on why most of us women almost want to become perfect in shape and color. The Philippines is one of the top users of whitening products because most Filipino thinks that having white skin is beautiful and more attractive. Filipino men are more attractive to women who have whiter and fair skin even if their color is brown, black, or gray. No offense, but most of them are really into white. They also love women who have nice body shapes (sexy). Guys, admit it or not it's a fact. It is also one of the reasons why some average women like me do not intend to socialize and has lower confidence. You know, it hurts when you found your partner checking and following random women and pretty girls on social media like Facebook and Instagram. It's not my fault if I born this way. I am going to accept what I have and what I am and that makes me one of the true beauty. Beauty is inside me not on the outside. If you are ugly, fat, and black and someone calls you that way I know it hurts even if it's a fact. It hurts that they only look for the outside and not into the inner beauty we have. It hurts, even more, when it comes from someone you know and used to be with you always. Sometimes it was hard to accept the fact that people will never accept the way we are and only criticize our looks, shapes, and colors. They don't know that their eyes can be deceitful. They don't know that true beauty can never be seen through eyes but can feel by the heart.