read.cash Log in
@ridesnleisure

Mahilig ba kayo magpost ng mga pagkain sa social media sites nyo? Actually wala ito sa plano ko na magpost ng pagkain dahil mas prefer ko yung mga sceneries. Choco moist cake ba tawag dito?😁Umuwi ako sa apartment para magkape. Naghahanap ako ng makakain for snack pero yung gusto ko sana is something with protein pero wala naman ako nakita along the way. Palabastng gate yung neighbor namin na may bitbit na plastic containers kaya tinanong ko kung alin ba masarap sa dala-dala nya. Sabi ko pwede ba utang muna? Pwede naman daw kaya yan na kinain ko for snack. Kalahati lang ginalaw ko kasi ang tamis. Parang wala na ko gana kumain ng panghapunan. Sabi ko sa ale na parati pumupunta sa bahay "Itlog na lang ulam ko mamaya". Pinagtawanan pa ako. Pero tama nga, "torta nga hipon" (krill) yung ulam namin mamaya, kaya syempre meron yun itlog. Nagkatotoo lang sinabi ko dahil pagkalabas ko ng gate tinatawag ako ng kakilala ko na kumuha lang daw ako sa isang batya na puno ng "hipon", yan kasi tawag namin in Hiligaynon or Kinaray-a dialect.

130 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.