Dakila ka, Walang Iba!
Di maipaliwanag ang saya Noong ako ay isilang na Tuwang tuwa noong una mong makita Pagdilat ng aking mga mata. Basi sa kuwento nang aking ina Ikaw daw ay di mapakali, parang laging taranta Nang nadatnan mo'ng nasa tabi na ni ina Luha'y di napigil sa labis na saya. Napakalaking ligaya raw hatid ko, sambit mo kay ina Nawawala ang pagod mo Tuwing naririnig aking pagtawa. Salamat ama, napakabuti mo Hindi ka man mayaman na tao Ginagawa ang lahat upang maibigay mo Mga pangangailangan ni ina'y at ako.
Gumigising ka nang maaga upang akyatin Akinse na punong niyog kahit pa ulanin Makuha lang ang katas na kung tawagin ay "Tuba" Upang maibenta at nang kumita.
Kahit kitang-kita na sa iyong mata na pagod na pagod ka na Pagiging karpentero sina-sideline mo pa Iniisip na ang kita ang kulang pa Kaya't pagiging driver nang truck, sinunggaban mo na. Proud ako na ikaw ang Tatay ko! Talagang maipagmamalaki kita sa buong mundo. Hindi man ako lumaki na sagana sa kayamanan Pinaramdam mo naman na may karangyaan. Simpleng pamumuhay na iyong ibinigay Pakaiingatan ito habang ako ay nabubuhay. Walang sinuman ang makakatumbas Sa kabutihan at kasipagan na iyong ipinamalas Mga taluntunan na iyong ibinigkas Magiging gabay lahat nang iyon sa pagtahak ko sa tamang landas. Noong ako ay tumuntong na sa kolehiyo Doble-dobleng kayod na rin ang ginawa mo Pinasok mo na ang pagiging mekaniko Naging pahinente ka pa, di ko alam, paano? Ginagawa mo'ng posible ang lahat Maibigay lang mga pangangailangan ng sapat Kahit pa nga ikaw ay puyat na puyat Pilitan parin ang kayod, maibigay lang sa akin, magandang hinaharap.
Nang ako ay nasa itablado na At paghawak sa diploma ay abot-kamay ko na Kitang-kita sa inyo ni ina ang laking tuwa Ito'y bunga nang inyong pagsusumikap na ginawa. Kaya naman ngayon Ako naman ang magsisimula Mabigyang-sukli man lang lahat nang paghihirap Pero may pandemia pa kasi Itay Kaya pasensiya muna, sabay-sabay tayo mag-antay.😅😂
2 comments
Napaka ganda ng iyong tula para saiyong mga magulang binibini, Ako’y humahanga saiyong talentong nakakabighani.
Maraming salamat po sa magandang papuri.☺️☺️☺️