read.cash Log in
@re-joyce more from that month

Walang reklamo, walang mga kuwento kung gaano kainit sa labas o gaano kabigat yung binuhat niya buong maghapon. Pero nakikita ko 'yung pawis na hindi pa natutuyo, 'yung balikat na parang laging may pasan, 'yung mga kamay na hindi na kasing lambot ng mga palad na humawak sa akin noon. Hindi niya sinasabi, pero alam ko, pagod na rin siya. Hindi lang sa trabaho, hindi lang sa katawan, kundi sa bigat ng buhay na siya lang ang nagbubuhat para sa amin. Kaya kahit wala siyang salita, natututo akong makinig sa katahimikan niya. At doon ko naririnig lahat ng sigaw na hindi niya binibitawan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.