Ang multo ko, hindi nakakatakot. Minsan nga, hinihintay ko pa. Kasi siya 'yong kaibigang hindi nang-iwan, hanggang sa huling hingal niya. Hanggang ngayon, parang naririnig ko pa ‘yong gasgas niyang hininga tuwing nilalapit ang katawan sa paanan ko. Parang may kalmot pa rin sa pinto tuwing uuwi akong malungkot. At sa tuwing malulungkot ako ngayon, parang naroon pa rin siya, hindi para magsalita, kundi para iparamdam na mahal pa rin ako kahit hindi ko masabi kung mahal ko pa ba ang sarili ko. Ang multo ko ay ang aso ko at sa lahat ng multong puwede kong takasan, siya lang ang hindi ko gustong iwan. Dahil sa kanya, natutuhan kong may mga iniwan na hindi kailanman nawala.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet