parang kahapon lang, kinakabahan ka pa habang hawak-hawak ang iyong enrollment form. nagdududa at tinatanong ang sarili—kakayanin ko ba? pero ngayon, tingnan mo. pagkatapos ng mga kulang-kulang na tulog, pagtitipid sa sarili, at lumilipas na gutom. ng bawat gabing pag-iyak at tahimik na buntong-hininga, ng bawat umagang pilit kang bumangon kahit walang-wala ka ng gana—kinaya mo. parang kailan lang, natatakot ka pa sa una mong hakbang. pero ngayon, tingnan mo—ilang buwan na lang, hahakbang ka na naman ng isa pa-abante.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet