read.cash Log in
@re-joyce

Ilang beses din akong sinalba ng mga biglang aya at simpleng pangungumusta. ‘Yung mga “tara?” na walang paliwanag, at mga “kumusta ka?” na dumating sa tamang oras. Hindi nila alam ang bigat, pero sapat na ang presensya para hindi ako tuluyang lamunin ng pagod. May mga gabing hindi solusyon ang kailangan, sa halip ay paalala na may nag-aalala. At sa mga sandaling iyon, ang kaunting oras na ibinigay nila ang naging sandalan ko. Hindi nila alam, pero ilang beses nila akong nasagip, sa paraang hindi maingay, pero totoo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.