"Mas daig mo pa nanay ko kung maka-asta ka sa'kin." At one point during our relationship naisip ko yan. Sabi ko "Bakit ba pag kasama ko siya, mas daig niya pa nanay ko kung kumilos at magsalita sa'kin?" Then it hit me; Kaya siya ganiyan, eh kasi hindi naman niya ako maasahan. She took the lead, I followed. Akala ko I was just doing what she wants kasi 'di ba yun mindset ng most BF? "Gawin mo nalang gusto niya para walang away." Pero hindi pala, mas daig niya pa nanay ko kasi gano'n yung pakiramdam niya. I never took the lead, just rode the wave. She felt responsible for things na dapat ako na nagha-handle. So I changed, slowly but surely. And suddenly one day, napansin ko nalang iba na yung glow niya. Hindi na siya "nanay" ko, kundi partner ko na. Mas lumambot, mas ngumingiti. Truth is— men want a soft woman, but never commit to being responsible enough for her. Idk about you, pero it took me at least 5+ years to learn, swerte ko lang na may partner akong patient sakin 🤍
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet