Kapag yung kausap mo ay puro hindi magagandang bagay ang kinukwento sayo about sa mga tao, expect mo na kapag nakatalikod ka, ganyan din siya sayo. Palagi ka ding masama sa mga kwento niya. Kulang-kulang. Hindi niya ichi-chika yung mga pagkakamali niya. Palaging siya ang biktima at kawawa. Pero kapag yung isang tao ay direktang sinasabi sa mukha mo yung mga bagay na hindi maganda about you, expect mo na kapag nakatalikod ka, puro magagandang bagay lang ang kinukwento niya sa lahat.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet