Dati, kailangan mo pang maghintay ng okasyon para makabili. Bihira ka lang makakain ng spaghetti o manok nang walang kahati. Regular french fries lang ang kaya ng laman ng pitaka at kadalasang pinapanood ka lang kumain ng iyong ina, dahil busog pa raw siya. Ngayon, nalilibre mo na ang sarili. Hindi na kailangang hintayin ang birthday o kung kaninong libre. Ang totoo niyan, hindi mo lang nakikita, pero nakausad ka na sa kalagitnaan nang walang-wala.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet