Hinihintay kita. Buong araw akong hindi napanatag. Nag-aabang ako ng tawag. Ayokong maiwan nang walang paalam. Ayokong bumuo ng mga alanganing dahilan. Magsabi ka kahit masakit. Balitaan mo 'ko kahit saglit. Hindi ko alam kung paano umusad. Masyado akong nasadsad. Hindi ko masukat kung gaano kita kalalim minahal. Tumaya ako kahit bawal. Sinubukan kitang hayaan, pero atras-abante lang ang kinalabasan. Hindi ka gano’n kadaling kalimutan. Sa totoo lang, parang hindi ko makakayanan. Hinihintay pa rin kita, kasama ang pangako mong sabay natin ’tong pagdurusahan. - Regina Amit
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet