Inubos tayo ng taong ito. Halos hindi na natin matagpuan ang pahinga, kahit sa pagtulog. Kinulong tayo nito sa ideyang lilipas ang isang taon na wala tayong mararating sa buhay. Akala natin ay maliligaw tayo ng landas, dahil madilim ang pinili nating daanan. Sinubok tayo ng mga alon; nilunod tayo nito, kasabay ng hanging tinangay ang lahat ng pangarap na nais nating makamtan. Pinagod tayo ng taong ito. Dinala natin ang bigat sa magkabilang balikat—kargang-karga sa araw-araw na pakikibaka. Ang totoo, muntik na tayong sumuko. Kaya kung hindi man magiging magaan ang susunod na taon, dalangin ko na sana’y maging marahan na lamang ito.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet