I like how River sees things. Kung ano ang nakikita niya sa housemates, ’yun ang totoo. Kapag may walls ang isang tao, hindi ibig sabihin fake sila. May boundaries lang. Hindi kailangan maging maingay, madaldal, at energetic para masabing totoo ka. Sa Bahay ni Kuya na ’to, being introvert is always misunderstood. Parang kapag tahimik ka, hindi ka raw totoo. Pero minsan, tahimik ka kasi alam mong hindi lahat kailangan sagutin. Hindi lahat kailangan sabayan. May mga taong pinipili kung saan ilalagay ang energy nila. May mga taong expressive. Pero hindi rin lahat ng expressive, honest. May mga tahimik na mas totoo pa. Iba-iba lang ang paraan ng pagpapakatotoo. River had the purest intentions. Tinanggap niya kung sino talaga ang bawat isa. And that’s a Big 4 material for me.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet