read.cash Log in
@re-joyce

Sumpa ang lumaki sa pamilyang hindi nakikinig sa isa’t isa. May nagsasalita, pero walang tunay na nakikinig. May umiiyak,pero walang nagtatanong kung bakit. Doon ako natutong manahimik. Hindi dahil wala akong sasabihin, kung hindi dahil nasanay akong mas malakas ang boses ng galit kaysa ng paliwanag. Sa ganitong tahanan, ang problema hindi inaayos, sa halip ay iniiwasan. Ang tampo hindi tinatanong, sa halip pinalalaki. Ang “kumusta ka?” madalas napapalitan ng “bakit ganiyan ka na naman?” Kaya sa magiging tahanan ko, pipilitin kong may makikinig, may magtatanong, ay uunawa. Sa akin mismo matatapos ang sumpa. Dahil ayokong may batang kagaya ko, kumpleto ang pamilya, pero mag-isa ang pakiramdam.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.