read.cash Log in
@re-joyce

CHEATING AT INSECURITY: May Malalim Bang Pinanggagalingan? Nagbahagi ang aktres na si Arra San Agustin ng kanyang tapat na pananaw tungkol sa isyu ng panloloko sa isang relasyon sa isang episode ng talk show na Your Honor. Ayon sa kanya, hindi basta-basta nangyayari ang cheating—may pinagmumulan ito. Para kay Arra, insecurity ang isa sa pangunahing ugat ng panloloko, na maaaring nagmumula sa sariling pagkatao, sa career, o maging sa sitwasyon ng pamilya. Naniniwala siyang kapag may kakulangan sa tiwala sa sarili, mas nagiging madali para sa isang tao na maghanap ng validation sa labas ng relasyon. Dagdag pa ng aktres: “Kasi, kung secure kang tao, confident ka. Alam mo naman sa sarili mo na itong taong ito pinapahalagahan ka, pinapahalagan mo rin ’tong partner mo. Hindi mo naman gagawin ’yun, hindi papasok sa isip mo ’yun e,” Umani ng reaksiyon ang kanyang pahayag mula sa netizens, kung saan marami ang sumang-ayon na ang tunay na pundasyon ng isang matatag na relasyon ay tiwala, respeto, at pagiging buo sa sarili.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.