read.cash Log in
@re-joyce

Ang nakikita mo aso, pero... Anak ko ito. Di man galing sa laman ko pero sa kanya na ang bahagi ng kaluluwa ko. Na pinapalaki at inaalagaan para umusbong ng maayos. At pinuprotektahan para di mapariwara. Makita mo man ay aso, pero isa siyang mabuting kaibigan. Sumasalo sa madidilim na pag-iisip. At napagsusumbungan ng pagkabigo. At sa kanyang galaw, dumadamay para maitawid ang mga lungkot. Aso man ang makita mo, pero extension din ito ng sarili. Na pinaglalaanan ng oras. At hinuhubog sa tama at mali. At napaghuhusayan ang pasensiya sa mga kayang tanggapin at hindi. Oo, ang aso ay aso. Pero para makilala mo, ang pangunawa ay sumasalamin sa mga nagmamahal dito.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.