read.cash Log in
@re-joyce more from that month

Wala pa akong nakitang yumaman o umasenso sa buhay nang dahil lang sa paninira ng iba pero yung napahamak at nawalan, marami na. Minsan kasi, sa sobrang tutok mo sa kahinaan ng iba, nakakalimutan mong ayusin yung sarili mong buhay. Sa huli, ikaw rin yung maiiwan sa dilim habang yung sinisiraan mo, tuloy-tuloy lang sa pag-abante. Ang masakit pa, kahit anong panira ang gawin mo, hindi mo mababago ang katotohanang ang tagumpay ay hindi nakukuha sa panlalaglag ng iba, kundi sa pagsisikap mong iangat ang sarili mo. Kung inuubos mo ang oras mo sa kakatingin sa ibang tao, paano mo pa mabibigyan ng panahon ang sarili mong pangarap? Tandaan mo, hindi ka aangat sa paninira. Kung may gusto kang marating, sikapin mong umakyat nang hindi mo kailangang tapakan ang iba.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.