Siya 'yung laging “ikaw na lang,” kahit hindi pa handa, kahit hindi pa siya buo, kahit sa totoo lang, gusto niya lang din naman ng uunawa. Siya ang tagasalo, kahit siya ang laging huling pinapansin. Siya ang taga-unawa, kahit siya ang unang sinisigawan. Siya ang bunso na parang ang ibig sabihin ay huling dapat intindihin. At kung lumuha man siya, sa likod ng pintuan, sa ilalim ng kumot, sa mga gabi na hindi siya hinahanap— wala rin namang hahanap. Dahil ang akala nila, kapag bunso ka, paborito ka. Ang hindi nila alam na kung minsan, kapag bunso ka, madalas kang hindi na inaalala. Kaya kung tatanungin mo kung sino ang yayakap sa bunso, ang sagot, wala. Kundi ang sarili rin niya, na sa kabila ng lahat basta na lang natutong kumapit, kahit walang humahawak pabalik.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet