Sinasabi nilang “hindi karera ang buhay” At totoo naman. Pero habang inuulit ko iyon sa sarili ko, unti-unti ko ring napagtatantong tumatanda na rin si Mama. Kaya kung bakit ako nagmamadali, hindi dahil gusto kong mauna sa iba. Kung hindi dahil gusto kong maabutan pa siyang malakas, masaya, at nagpapahinga na. Dahil may mga pangarap na may oras ding hinahabol. At isa sa kanila ay ang maranasan ni Mama ang buhay na matagal na niyang isinakripisyo para maibigay sa akin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet