read.cash Log in
@re-joyce

Kumusta? Kaya paba? Ano na nga ba lagay ng mga Public transpo natin? Kinakaya pa ba ng mga operators? at Tayong mga empleyado ng transportasyon ano na nga ba naging epekto satin? Sa sunod sunod na pag taas ng diesel kasabay nito ang kabikabilang diskarte ng mga operators kung paano maitatawid ang crisis na hindi natin pareparehas ginusto, Nariyan ang pag babawas ng slot ng byahe, dahilan para mahirapan makasakay ang mga commuters, Pag papahaba ng oras ng pila sa terminal ng mga sasakyan, na nagiging dahilan ng pagkadelay at pagkalate ng mga mananakay, Pag patay ng mga makina ng mga sasakyan sa mga terminal na nagiging dahilan ng nd pagiging kumportable ng mga pasahero, Pag hinto sa pamamasada ng ilang mga sasakyan na nagiging dahilan ng pag tengga ng mga empleyadong umaasa dito, S pag tengga ng mga empleyado, matetengga na din ba ang mga sikmurang umaasa sakanila? Pero sa kabila ng lahat ng mga yan pinipilit pa din ng mga operators at mga empleyado na makapag bigay ng maayos na serbisyo. Sa panahon ng crisis, malaking bagay pa din ang pagbibigayan at pag iintindihan sa sitwasyon, Ramdam namin kayong mga commuters n umaaray sa pag taas ng mga bilihin at pamasahe, sana maramdaman nyo din kaming mga nasa public transpo na wala din magawa kundi magtaas ng kakarampot sa mga pamasahe para makapag patuloy. At para saating lahat na nasa public transpo.? Ano man ang kulay ng uniporme mo, ano man bus company meron ka, at anong mang ruta ang byaheng binabaybay mo, sana lahat tayo ay maitawid tong laban nato ng matiwasay at ligtas. Mahigpit na yakap para sa atin lahat🫂 #ProudPUBDRIVER🚍🚍🚍

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.