๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป. ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ. Pero mayroong sa iilan. umaalingawngaw, nakakasulasok. amoy patay na nakabalandra sa TV, radyo at sa social media... ang kamay na bakal, ngayon ay unan ng mga gahaman at sakim. may mga rehas sa kamay at bibig na naka sarado. Walang gustong managot, walang gustong umamin. napaka obvious ng mga buwayang gustong isuka ni juan. pero tikom ang bibig sa bulok na sistema, iniisip na walang magagawa ang dukha sa ninakaw na pera. napakalangsa. lantarang panloloko ngayon ay hubo't hubad na katotohanan. sino nga ba ang nagsasabi ng totoo? gaano ba tayo kahanda sa tunay na rebolusyon? tayo ay umaasa. sa adhikaing maipaglaban ang ating mga karapatan. ngunit ang sugat ay malulunasan sa susunod na takipsilim, kapag bumukas na ang mga mata ng mga nagbubulag-bulagan. at mga naghahari-hariang dakila.. Nakakahiya sa mga lumalaban ng patas. Hindi na nakatago ang yaman ng bayan, sapagkat iisang mga mukha ang suki ng tindahan. ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐, ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet