read.cash Log in
@re-joyce

Sana pinera mo na lang… Yan yung legendary line ng ilang kamag-anak after mong bigyan ng regalo. 😪 First Christmas ko as employed, dumayo pa kami ng ate ko sa Divi. May listahan kami para may gift lahat. 🎁 Maliit lang income namin nun, so most gifts were worth ₱100–₱300. Hindi man mamahalin, pero pinaghirapan. Pagdating ng Pasko, pagbibigay namin, ang sabi ba naman: “Sana pinera mo na lang.” Medyo nakakainis... pero dedma nalang.😔 Next year, same effort, same linyahan. Dedma nalang. 🙄 Third year, inunahan na ako: “Yung akin, pera na lang ha.” So I gave ₱200. Sabi sakin: “Ano to, pambata?” 😒 That was it! After that, never na akong nagbigay. At least hindi na sayang pera, hindi sayang pagod, at wala nang expectations. Kaya sa mga nakakareceive: maliit man o malaki, matuto naman po tayong mag-appreciate. 💯 Hindi naman po talaga required mag-regalo. Nakakawalang gana talaga magbigay sa ungrateful people.🙅🏻‍♀️ Appreciation costs nothing, but it means everything. ❤️ #holidayseason

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.