read.cash Log in
@re-joyce

Sanay naman akong hindi nauuna, hindi mapansin agad, hindi kumustahin dahil sabi nila kaya ko naman. Ako ’yung nasa gitna, hindi masyadong inaalala, hindi rin masyadong tinatanong. Palaging sapat, palaging ayos lang, palaging sagot sa akim ay "intindihin mo na lang". Ma, hindi naman ako naiinggit, pero minsan napapaisip ako: paano kaya kung ako naman ang unahin kahit minsan? May mga pagod kasi na hindi nasusukat sa iyak. May bigat na tahimik lang, pero araw-araw binubuhat. Hindi ko hinihingi ang mapansin o mapuri ninyo , hindi ko rin kailangan na magpasalamat kayo sa lahat ng isinantabi ko sa sarili ko. Gusto ko lang marinig, masabi ninyong ayos lang mapagod, na mayroon din akong masasandalan. Pagod na rin ang middle child mo, Ma. Pero nandito pa rin. Nagmamahal pa rin. Umaasa pa rin, kahit minsan hindi mo nakikitang may anak ka pa.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.