read.cash Log in
@re-joyce

Tandaan niyo, pangatlong araw nang hindi sumisipot sa sesyon si Alan Cayetano at ang mayorya. Sa mga araw na ‘yon, may mga batas na sanang umuusad tulad ng Anti-hospital detention at ang magna carta for Brgy. Health Workers. Grabeng perwisyo, ‘no? Kung hindi pumasok si Escudero ngayong araw, ibig sabihin wala pa ding quorum at tatlong araw nang inaabandona ng majority ang kanilang tungkulin sa tao para sa pansarileng interes, lalo na’t wala namang ibang dahilan para hindi pumasok. Pero kapag palitan ng liderato kailangan lahat sila present, kapag naiipit ang mga kaalyado kailangan lahat sila kumpleto. Tapos kapag pumasok naman, magpapanukala ng bagong rules na papayagang makaboto ang mga absent sa senado. Gets ba? Hindi na dapat mahirap maintindihan ang intensyon ng mga ito, na hindi sila nagta-trabaho para sa’yo, lalong hindi para bayan. Nagtatrabaho na lang ang mga ito para sa kanilang kapangyarihan at interes ng kanilang mga kaalyado. Nakakagalit! We should remind them that we put them in power. And if you are entrusted with power, you should not be absent from the very space where that power is exercised. Sa Senado, hindi sa Facebook live. Kung hindi mo pa din gets, problema ‘yan, problema ka. Pag-isipan mo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.