read.cash Log in
@re-joyce more from that month

I saw this post on Tiktok at totoo, hindi na sa pagandahan at pasosyalan ng propesyon o pa-astigan—ang mahalaga ay hindi toxic ang mga katrabaho mo. Hindi na rin siguro sa pataasan ng sahod basta masaya ang paligid, ayos na ayos na. Aanhin mo naman ang taas ng sahod mo kung hindi ka na excited pumasok sa trabaho mo? Aanhin mo ang ganda ng propesyon mo kung toxic at nakaka-drain naman ang nasa paligid mo? Kung araw-araw kang nauubos, di ba? Ako personally, hindi naman talaga malaki ang sahod ko, oo maraming pang iba d'yan na kayang mag-offer ng doble pero bibihira ka na lang makakatagpo ng healthy work environment. Excited ako pumasok, kahit madalas stress dahil sa mga deadlines and all, may co-workers ako na tinatawanan na lang namin ang lahat and then okay na. Nakukuha ko ‘yung support system na kailangan ko para magpatuloy and I am grateful that I have them. Malayo ako sa pamilya ko pero dahil and'yan sila feeling ko nasa bahay lang ako. Kaya siguro sa mga job seeker d'yan, bago kayo humanap ng mataas na sweldo, ipagdasal niyo rin na sana healthy environment din ‘yung mapuntahan niyo. —boykape☕

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.