hindi naman kalabisan kung hihilingin kong makatagpo rin ng isang taong handang kabisaduhin at kilalanin ako nang buo. gamay ang bawat hindi ko pagkibo. ramdam kapag may kakaibang kinikilos. at alam kung kailan kailangan ko ng saklolo. kaya kung pagbibigyan ng langit, nawa'y may dumating na may kusang alamin ang lahat tungkol sa akin kahit hindi ko sabihin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet