MGA MAGSASAKA MULA BENGUET, BUMIYAHE PATUNGONG MAYNILA UPANG ILAHAD SA SENADO ANG KANILANG HINAING SA BUMABAGSAK NA PRESYO NG GULAY AT NASASAYANG NILANG MGA ANI. “Papunta kaming Senado nu’ng Lunes, dahil inimbita kami sa Senate hearing ng Committee on Agriculture. Kasama ko ‘yung mga farmers, isang linggo na silang naghahanda. Pero na-cancel dahil nga sa mga pangyayari sa Senate leadership. All positions were declared vacant. At that point, hindi na chairman ng Senate Committee on Agriculture si Sen. Kiko so he couldn't proceed with the hearing. Actually marami sa atin hindi nare-realize na ganun ka-far-reaching ang effect ng pag-away kung mag-away-away sila sa Senado. Epekto noon hanggang sa laylayan, hanggang sa pagsasaka.” ‘Pag tama ‘yung environment, they can be creative, they can be capable, and they can actually manage their destiny, manage their own lives. And thrive, hindi lang survive!” - Chef Waya Araos-Wijangko, local agriculture and sustainable food systems advocate “Pagsasaka ang ikinabubuhay namin dito sa Benguet. Pero ‘yung problema namin, financial. Kahit ang mga anak namin ay magagaling pero kung wala kaming pantustos sa kanila, tumitigil na lang sila. Nanonood kami ng TV, puro importation ba. Nag-iimport ang pamahalaan natin ng agricultural product. Bakit? Marami naman dito sa atin! Ang nakikita kong dahilan eh, dahil sa pera. Korap ang mga opisyales natin na nagtatrabaho sa mataas na posisyon. ‘Yung kokomisyunin nila ang importante para sa kanila, hindi ‘yung ikauunlad ng Pilipinas. Sana ang gobyerno natin ay ihinto ang importasyon ng gulay kasi marami naman ang gulay dito sa Pilipinas.” - Lope, isa sa mga magsasaka #KMJS
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet