read.cash Log in
@re-joyce

“Hindi kami umiikot sa kita lang.” Umani ng papuri sina Ka Mangyan at ang kanyang fiancé na si Julius Mantala matapos gumawa ng isang makatao at matapang na desisyon bilang mga may-ari ng gasolinahan—ang hindi sumabay sa kamakailang pagtaas ng presyo ng gasolina sa gitna ng krisis. Sa isang social media post, ibinahagi ni Julius na personal niyang inutusan ang kanilang mga manager sa Calapan at Pinamalayan na ipagpaliban muna ang price increase. Layunin nilang makatulong sa mga motorista na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. “Hindi po kami gasinong sumasabay sa pagtaas, para makapagbigay ng direct discount sa lahat ng bibili ng diesel at gasolina,” ani Julius. Samantala, sinuportahan naman ito ni Ka Mangyan at ipinaliwanag na mula pa noong simula, hindi lang kita ang sentro ng kanilang negosyo. Para sa kanila, mas mahalaga ang makapagbigay ng trabaho at makatulong sa kapwa Mindoreño sa makatarungan at makabuluhang paraan. “Kung gusto naming kumita, aba syempre chance na namin ‘to, pero HINDI—choice namin na hindi gawin,” saad niya. Dahil dito, marami ang humanga sa magkasintahan, pinupuri ang kanilang malasakit at desisyong unahin ang kapakanan ng iba kaysa sa kita—isang patunay na may mga negosyong may puso pa rin sa gitna ng krisis.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.