read.cash Log in
@re-joyce more from that month

At habang lumalayo ako para tuparin ang mga pangarap na minsan sila rin ang unang naniwala, sila naman ngayon ang naiwan sa tahimik na bahay, naghihintay ng yapak ko sa sahig, at ng boses kong matagal nang hindi naririnig maliban sa linya ng telepono. Napagtanto ko, na habang binubuo ko ang buhay ko, unti-unti ring nababakante ang mundo nila, at hindi nila sinasabi, pero ramdam kong ako na ang iniintay gaya ng pag-intay ko noon sa kanila. Hindi na pala ako ang naghihintay na makauwi sina Mama at Papa, sila na ang tahimik na nagdadasal na sana, kahit sandali lang, maalala ko pa rin kung saan ako unang tinawag na anak

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.