read.cash Log in
@re-joyce

pasensya na. pero medyo unsettling lang talaga ‘to, honestly. hindi naman sa pinagdadamot natin ang pagkilala, pero may napakalaking pader kasi sa pagitan ng journalism at ng content creation. upon reading the statement regarding "positive content" at pagtulong, mahirap siyang lunukin nang ganun-ganun na lang. it really does not sit right with me. hindi mo kasi pwedeng i-glorify ang pagtulong sa kapwa kung sa kabilang banda naman, nagpo-promote ka ng online gambling. ang sugal, sinisira niyan ang pamilyang Pilipino, naglulubog sa utang at pumapatay ng kinabukasan. hindi pwedeng gawing "pambawi" o pampalambot sa epekto ng sugal ang panandaliang dole-out sa vlog para lang masabing nakakatulong. e bakit natin ‘yan lalagyan ng label as public service, e kung iisipin, that’s just repackaged philanthropy na nakatali sa views at monetization. si Kara David, dekada ang ibinuhos sa investigative journalism para siyasatin at buwagin ang mismong ugat ng kahirapan sa lipunan. ginagawa niya 'yun nang may malalim na etika, kredibilidad, at respeto sa dignidad ng tao (nang walang kapalit na personal na kita mula sa panunugal ng tao.) bilang isang respetadong institusyon, ang FAMAS ang nagtatakda ng pamantayan. kapag pinagtabi mo ang dalawang magkaibang mundong ito sa iisang kategorya, hindi lang nawawalan ng linaw ang ibig sabihin ng public service, dinedevalue mo rin ang mismong halaga ng journalistic integrity at pananagutan sa media. sana sa susunod, matuto ang mga awarding bodies na magkaroon ng malinaw na dibisyon sa pagitan ng totoong pampublikong serbisyo at simpleng engagement strategy.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.