“Anak, pahinga ka muna" "Ako na magpaplantsa ng uniform mo" "Nilabhan ko na, sige matulog ka na" Kabisado ni mama ang bawat pagod ko, ang bigat sa balikat ko, at ang mga paa kong pagod nang humakbong sa ngalay. Alam na alam niya kung kailan ko gustong magpahinga, at kung kailan ako nagkukunwari at kaya ko pa. At doon ko lang naaalala, na bago ko pa kilalanin ang sarili ko, matagal na niya akong kilala.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet