read.cash Log in
@re-joyce

Hindi man ako paborito sa bahay, sa kaibigan o sa mga desisyong hindi ako kasama alam kong pag-uuwi ako may aso akong hindi kailanman nagtanong kung may nagawa ba akong tama, o may mali ba akong sinabi. Sa kanya, hindi ko kailangang maging magaling, maging sobra o espesyal sa kahit anong paraan. Sapat na ‘yung dumating ako, para bang ayos lang akong umuwi na wala sa aking bago. Kaya kahit hindi ninyo ako paborito, hindi ako galit. Dahil palaging may isang nag-aabang sa akin na na hindi marunong magsinungaling, nahanap ko ang pagmamahal na hindi ko kailanman nakuha sa inyo. At minsan, iyon lang pala ang kailangan ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.