read.cash Log in
r@razorfist246

Nyahaha🤣 Kung marami sa atin sa Shopee or Lazada nag a-add to cart kapag may sale, ako naman, sa Steam. 😉 Nagkataong merong sale ngayon. Ang dami sa mga games na nasa wishlist ko ang on-sale. Kaso nga lang di kaya ng laptop ko ang masyadong malalaking games so dun lang muna tayo sa maliliit ang maoccupy na space. Hahaha 😅 So iyon na nga, nagkataon na sale, discounted na yung game. Tapos nakita ko merong option na Gcash ang mode of payment, so sinubukan ko. Sabi ko sa sarili ko, "sa wakas makakatipid na naman ako sa game", ngunit di pa pala dun natatapos ang magandang balita, meron pala akong voucher sa Gcash na nakuha ko ilang linggo na ang nakakaraan. Kung di ko sinubukan magbayad gamit ang Gcash, malamang sa malamang never kong maaalala yun. Kadalasan kasi Paypal gamit ko sa pagbabayad sa Steam. So yung game na originally 289.95 petot... naging 72.48 petot na lang dahil sa sale... tapos binawasan ko pa ng 50 petot dahil sa voucher sa Gcash... so isang napakagandang game eh nakuha ko lang sa halagang 22.48 petot. 🥳 Ang saya saya noh. hahaha Parang gusto ko pa tuloy kumuha at mag add to cart pa ng isang budget friendly game... natetempt ako. Oh tukso, layuan mo ako. haha Kaya yung mga merong Steam diyan, baka gusto niyo rin tumingin sa mga games na on-sale ngayon, baka meron kayong matripan. At add niyo rin ako as friend if gusto niyo. Friendly naman ako (konti). ✌🤪

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.