read.cash Log in
r@razorfist246

Hahaha, Merong naligaw na gong pagong 🐢 dito sa manukan. 🤣 Naglilinis kami ni tatay nung enclosure ng manok nung bandang umaga pero wala man lang kami napansin na pagong dun, kaya medyo nagulat kami nung after lunch pagbalik namin eh nandoon na sa pinaglalagyan ng pagkain ng manok at nakikikain rin. Feeling manok eh, nakikikain din ng feeds ng manok at tira tirang kanin. 😂 Di rin namin mahanap ni tatay kung saan pwede nakapasok tong pagong. Di naman siguro lumipad to at nag over d' bakod. Anyway, aalagan ko na lang siguro to. Feeling ko di naman high maintenance alagaan ang pagong eh. At feeling ko di naman nanghahabol to kapag gutom o galit. 😅 Saka malay mo maging ninja turtle to, eh di astig. 😎 hahaha *Salamat po sa lahat ng nagpuso at nagtitip sakin. Di pa ako makabawi sa inyong lahat at wala pa akong nakukuha ulet na ft galing Noise. Makakabawi rin ako balang araw. Maraming salamuch ulet sa inyo at pagpalain pa kayo lalo ng Panginoon. 🙏

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.