read.cash Log in
r@razorfist246

Mahirap palang magsulat ng tula Kapag ang mga mata, di makakita Kapag ang kamay, nanginginig Kahit di naman nilalamig Mahirap palang magsulat ng tula Kapag sa madaling araw ika'y nakahiga, At unan ay nababasa Ng patak ng ulan, na di mo alam ang pinagmulan. Mahirap palang magsulat ng tula Habang ang ngiti ay pilit na iginuguhit Sa labing kinakagat, upang di maibuka At maisigaw ang nadaramang sakit. Mahirap. Alam mo yan. Matagal na. Paulit ulit, sabi mo, basta masaya siya. Kaya ganyan, paulit ulit, ika'y lugmok Sa basang unan, ika'y muling matutulog. πŸ™‚πŸ˜…πŸ˜ŠπŸ˜ΆπŸ˜…πŸ˜’πŸ˜­πŸ˜₯😢😴😌😴😡😭πŸ₯ΊπŸ€πŸ˜΄

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.