read.cash Log in
r@razorfist246

Sabi niya, sa JackofHeart ako'y bumisita, Marami kasing magagandang tula ang kanyang nabasa. Hindi niya ata alam na ako'y matagal na, Dito'y nagbabasa at ako'y nakapag-subscribe na. Gusto ko sana magpost dito Kaso isa akong mahiyaing tao. Kapag nakikita ko mga ginawa at isinulat niyo, Ayos lang ba itong ipopost ko?, tanong ko sa sarili ko. Pero gayunpaman ako'y naglakas loob na rin, Magsulat ng simpleng tula na ako mismo ang may akda. Simpleng mga talata at salita aking gagamitin, Kasi di rin naman ako ganun ka eksperto at kagaling. Ngayong meron na akong naisulat at nagawang tula, Palagay ko hindi na ako masyado mahihiya. Sumulat ng pangalawa, pangatlo, pangapat at panglima, Tingnan natin kung hanggang saan aking makakaya. Sabi nila sa paggawa ng tula, kahit ang salita di ganun kalalim, Basta ang iyong naisulat ay mayroong damdamin. Kaya tingnan natin kung saan ako dadalhin, Ng simple kong pag-iisip, puso at damdamin. Goodnight Noisers!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.