read.cash Log in
@rakshata

Ang Diyos ay sadyang napakabuti.

Laganap ang kanyang presensya sa bawat nilalang niya. Pinasisikat niya ang araw para sa lahat. Sa sandali ng ating kalungkutan, at kaligayahan madarama ang kanyang presensya, higit sa lahat sa sandali ng ating paghihirap na tanging ang kinakapitan ay ang ating pananampalataya. Totoong mapagmahal ang Diyos. Labis ang kagandahang-loob niya, pagkat mula sa kanya ang ating buhay. Wala siyang hinangad kundi tayo'y mapabuti. Marami nang milagro ang naganap sa buhay ng tao, na di gaanong napapansin, subalit walang ibang makagagawa ng mga di-inaasahang pagdating ng mga biyaya sa tao sa panahong di ito inaasahan. Mahiwaga ang kapangyarihan ng Diyos. Sa pangyayaring nagaganap sa buhay ng tao, maraming tanong ang di nabibigyan ng sagot ng marami, gaya ng bakit pinapabayaan niyang maghirap ang marami? Bakit niya pinababayaan ang masasamang tao? Walang katapusang bakit na sa bandang huli, ang sagot ay nasa sa atin na rin. Gaya ng sinabi ni Balagtas sa Florante at Laura, "At sino nga kaya ang makatatarok sa mahal mong lihim Diyos na dakila? Walang nangyayari sa balat ng lupa na di may kagalingang iyong ninanasa. "Mahiwaga ang kanyang pamamaraan; pati si Moises ay nabigla nang piliin siyang maging Lider ng mga Israelita, maraming plano ang tao na di natutupad, dahil hindi niya" niloob". Kung ano ang dahilan tanging siya lamang ang nakababatid. Maraming milagro sa buhay ng mga bilanggo at "survivor" ng Holocaust ang naranasan noong unang Digmaan Pandaigdig. Sa kawalang pag-asa ng mga tao sa panahon ng kaguluhan, kalamidad, nadarama ang pagkilos ng kanyang mapagpalang kamay. Sa kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng lihim ng tao'y kanyang nalalaman. Lahat ay alam niya gaya ng isinasaad sa Awit 139 mula sa Bibliya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.