Ang Pag-ibig
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig ay para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga; kung mayroon man akong lahat ng kaalaman at malaking pananampalataya, anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin. Ang pag-ibig ay matiyaga at may magandang loob. Hindi nananaghili, nagmamamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa. Hindi ito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-ibig, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas. **1 Cor 13:1-7**
3 comments
Ang Pag-Ibig ay madalas natin makita ngunit hindi natin ganoon kadalas maramdaman. Marami uri ng Pag-ibig maaari natin itong maipakita sa pagpapahalaga sa bawat isa o kahit kanino man. Ang pag_ibig doesnt define anything it defines everything! Without love we are nothing.. 😁 haizt pag-ibig walang saktong formula ngunit itoy nagbibigay pag-asa.. oh san na ba ako napunta... bunga sgro ng init ng panahon makaligo na nga...
Pagibig, ito ang nagbubuklod sa tao. Pagibig ang nag uugat ng halos lahat ng bagay.
Pag ibig,pag asa at pananampalataya.